BLUE-HAIRED TWENTY ONE

431 51 0
                                    

NUTRITION DAY


Unknown:

" Si Raven ulit ito, Miss."

One sentence. Ganoon lang kaikli ang text niya saakin ngunit grabe ang naging epekto nito saakin. Kilabut at matinding kaba ang pinaramdam saakin.

Ganitong-ganito din ang naramdaman ko nang unang nagparamdam saakin si Daniel. Sa hindi malamang dahilan din, pinapabilis lang din niya ang pagtibok ng puso ko. Para bang may kakambal itong maitim na awra.

Huminga ako nang malalim saka ko binulsa ang cellphone ko. Hindi ko na nagawang magreply pa dahil may pakiramdam ako na hindi 'yon magandang disesyon.

I shook my head and walked toward Daniel. Huwag ko na lang muna isipin ang lalaking 'yon. Baka wala lang talaga magawa sa buhay ang isang 'yon. Siguro naman, hindi na siya magpaparamdam ulit.

"Are you really okay?" Daniel asked me as we sat to the dining.

Bumili pa kasi kanina ang ibang boys ng pang-snack namin dahil napagod daw ang lahat.

"Oo," I nodded and smiled. "Ba't ka napatanong?"

"Mukha kang nakakita ng multo. Kanina pa no'ng nasa store tayo."

Matamlay ko siyang nginitian.

"Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon," dahil sa lalaking 'yon.

Hinawakan niya ang noo ko saka ito kinumpara sa noo niya, tinatantya ata kung may lagnat ba ako.

"Okay naman. Hindi ka mainit." May pag-aalala na sa boses niya.

"Basta. Hindi lang ata maganda ang pakiramdam ko, pero ayos lang naman na ako." Paninigurado ko sa kaniya.

"Is it because of not letting you carry the basket?" Seryoso siyang nakatingin saakin.

"No, no," iling ko. "Basta. Hayaan mo na. Ayos lang naman talaga ako."

Saglit niya akong tinitigan bago iniwas ang tingin saakin. Kumuha siya ng hilaw na mangga na nakalatag sa mesa. Nakatitig lang ako sa kaniya habang binabalatan niya ito.

"Eat this. Nakakagaan daw 'yan ng pakiramdam sa mga babae." Abot niya saakin ng mangga.

Sumimangot siya nang ilingan ko siya. "Masarap 'yan pag may sauce." Sabi ko.

"Hm, you want me to make sauce?" He asked in a low tone.

Tikom-bibig ko siyang tinanguhan. Nginisian muna niya ako bago tumayo at nagtungo na sa kitchen. Bumalik siya dala-dala ang ginawa nga niyang sauce.

"Maanghang ba?" Tanong ko pagkalapag niya ito sa harap ko.

"Shit," bigo niyang mura. "I should asked you first. Ayaw mo sa maanghang?" He asked worryingly.

"No. It's okay," pigil ko sa kaniya nang tatayo na sana siya. "Ayos nga saakin 'to, eh.

He sighed in relief as he sat down. Panandalian kong nakalimutan ulit ang tungkol kay Raven nang nilalantakan ko na ang hilaw na mangga.

Tama nga talaga siya at nakakagaan ng pakiramdam ang mangga.

"Hindi ka kumakain ng mangga?" Baling ko sa kaniya nang mapansin ko ang paninitig niya saakin.

"I don't." Tamad niya akong inilingan.

"Okay." Ngiti ko saka ko pinagpatuloy ang kain.

Nakisali na rin ang iba nang makita ako. Tawanan at kulitan ang naging takbo ng nabibilang na oras namin bago kami bumalik ni Alyzza sa dorm.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon