The Heartthrob's Secret | Chapter 1

1.7K 40 8
                                    


The Heartthrob's Secret
Chapter 1: First Meet, First Love


***

H A N S O N

IKINIKUNSIDERA si Hanson ng karamihan bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait at higit sa lahat, matalino. Siya ang top 1 ng kanilang school magmula grade 7 hanggang ngayong grade 12 na siya.

Perfect ideal man?—he doesn't think so.

Ang hindi alam ng lahat, mayroon siyang itinatagong flaw na kahit na kailan ay hindi niya sasabihin kahit na kanino. Isang flaw na mas pipiliin niyang ilibing na lang hanggang sa kaniyang kamatayan—Iyon ay ang pagkakagusto niya sa kapuwa-lalaki.

Last year, nagkaroon siya ng pinakauna niyang crush na lalaki—Si Robert, ang president ng student's council. Guwapo si Robert pero hindi iyon ang dahilan kaya niya ito nagustuhan. Napakabait nito sa kaniya at lagi siya nitong nginingitian. Napaka-gentleman din nito.

Isang araw, nalaman ni Hanson na mayroon na palang girlfriend si Robert. Sobra siyang nasaktan at nagselos nang mga panahong iyon. Hindi niya ito kayang makita na may kasamang ibang babae.

Hindi na niya sinubukang pang sabihin sa binata na mayroon siyang gusto rito. He's not desperate enough and he doesn't want to humiliate himself to him. Given nang hindi siya magugustuhan ni Robert. Hindi ito isang gay kaya nirerespeto niya kung sakali mang i-reject siya nito.

Weekend ngayon at nasa coffee shop siya. May nakalapag na milk tea at cake sa kaniyang table. Naroroon din ang kaniyang laptop na kasalukuyang nakabukas. Gumagawa kasi siya ngayon ng presentation para sa kanilang report bukas.

Pagkaraan ng ilang sandali ay may lalaking umupo sa harap niya. Isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt, naka-hanggang tuhod na short at naka-sandal ng itim.

Ngumiti ito sa kaniya. "Puwede ba akong makiupo rito? Mukhang wala ka namang kasama."

Tumingin si Hanson sa paligid. Doon lang niya napansin na puno na pala ang mga table sets. "Ah, walang problema," tugon niya.

Hindi maikakaila ni Hanson na guwapo ang lalaking nakiupo sa harap niya. Mayroon itong matangos na ilong, medyo naka-pout ang mapula at may kakapalang mga labi, singkit na mga mata, at makakapal na kilay. Mas nagdadagdag ng kaguwapuhan nito ang kaniyang bangs.

He's handsome—and he doesn't like to see him. It reminds him how gay he is. And he doesn't like to be one, though he knows he already is. Ayaw lang niyang tuluyang tanggapin na ganoon talaga siya.

If he likes men, then that's all. He doesn't like to consider himself as one of them. For him, he is still Hanson.

Itinatanggi ko lang ba sa sarili ko na ganon ako dahil ayokong maging gano'n?

Obvious na oo ang kasagutan doon. Sadyang ipinangako lang niya sa kaniyang sarili na hindi siya magi-entertain ng kahit na anong romansa mula sa lalaki.

"Saan ka nag-aaral?" tanong ng lalaki na ikinagulat niya. Hindi niya inasahang tatanungin siya nito tungkol sa kaniyang personal life.

"Ba-bakit?"

"Ah, bagong lipat kasi ako rito. Bali, transferee ako sa Jaime High School."

"Jaime High School?" pag-uulit niya. Iyon ang school na kaniyang pinapasukan.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon