The Heartthrob's Secret | Chapter 3

623 26 2
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 3: Growth of Friendship

Hi, Guys! Keep Vote!!



H A N S O N

ISA-ISANG nagtawag ang guro nilang si Mr. Romero upang magpasagot ng problems sa Math na tungkol sa factorization. Limang problems ang nakasulat sa board. Ang pinakahuli niyang tinawag ay si Henry. Nang lingunin siya ni Hanson, nakita niya sa mukha nito ang kaba at pagkailang, na tila hindi nito alam kung paano iyon iso-solve. Naalala ni Hanson na medyo mahina ito sa Math.

Lumapit na lang si Henry sa black board at tinanggap ang chalk na inabot sa kaniya ng kanilang guro.

Pinagmamasdan ni Hanson nang mabuti ang bawat character na iginuguhit ni Henry sa board. Napailing na lang siya dahil sa naging final answer nito. Isa-isa na ring nagsibalikan ang mga estudyanteng nagsagot sa board sa kani-kanilang seats. Isa-isa na ring itinama ni Mr. Romero ang kanilang mga sagot. At ang kay Henry lamang ang namumukod-tanging mali.

"Sagutan mo ulit," sabi ni Mr. Romero. "Madali lang 'to, dapat alam niyo na 'to kasi senior na kayo."

"Hindi ko po masyadong maalala kung papaano, Sir. Pasensya na po," sabi ni Henry. Namumula na ang mga tainga nito dahil sa sobrang hiya.

"Kailangan mo 'tong sagutan, paano ka matututo kung hindi mo susubukan?"

Napabuntong-hininga si Henry at sinagutan na lang muli ang problem. Sa kasamaang palad, mali na naman ito. Ayaw itong patigilin ni Mr. Romero sa pagsagot kaya't nakakailang attempt na ito. Pinagpawisan na ito sa noo sa sobrang kaba. Dahil doon kaya't nagtaas na si Hanson ng kamay upang isalba ang kaibigan. "Sir, ako na lang po ang magsasagot sa problem."

"Okay fine," pagsang-ayon ni Mr. Romero. "Henry, pumunta ka mamaya sa faculty ko after class, okay?"

AFTER class, nagdesisyon si Hanson na hintayin si Henry sa may parking area. Alas-tres ng hapon ang uwian nila. Dahil nga pinatawag ni Mr. Romero si Henry kaya naghintay siya roon. Hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan ng mga ito pero tingin niya'y regarding iyon sa Mathematics.

Mag-aalas-tres-imedya na ng hapon nang makita ni Hanson si Henry na naglalakad patungo sa parking area upang kunin ang bisikleta nito. Nang matanaw naman siya ni Henry ay gumuhit sa mukha nito ang pagtataka. "Oh, nandito ka pa? Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.

"Hinihintay kita."

"Bakit naman?"

"Gusto mong magpaturo sa Math, 'di ba? Free ako ngayon."

Ngumiti ito. "Sure ka? Kung gano'n sige salamat. Punta ka na lang sa bahay namin."

"Sa bahay niyo? Ah, sige, para mapuntahan ko na rin ang bahay ng kaibigan ko."

Sumakay sila sa bisekleta ni Henry. Nakakaramdam pa si Hanson ng awkwardness sa tuwing nakahawak siya sa balikat ng kaibigan. Wala lang siyang ibang choice dahil kung hindi siya hahawak doon ay siguradong malalaglag siya.

"Ano nga palang ginawa mo sa faculty kanina?"

"Pinabibili ako ng libro ng teacher natin sa NBS. May libro daw kasi ro'n na detalyado ang pagkaka-explain tungkol sa Algebra."

"Kailan ka bibili? Samahan na kita."

"Bukas dapat ako bibili. Pero sige ngayon na. Daanan na lang muna natin ang NBS."

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon