The Heartthrob's Secret | Chapter 6: Sick Friend
H A N S O N
NARATING nila ang mall sa loob ng kalahating oras. Mabuti't hindi sila inabot ng rush hour dahil kung hindi ay siguradong sampung oras silang masa-stock sa Edsa. Nagtungo sila sa video game store at doon naghanap ng video console. Hinayaan na ni Hanson na ito ang maghanap tutal ay mukhang may alam naman ito tungkol sa mga video consoles.
Matapos bumili ay nagyaya si Henry na kumain sa isang restaurant na hindi naman niya tinanggihan.
Naglalakad sila ngayon habang naghahanap ng makakainan. Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig si Hanson ng napakakikay na boses na tinatawag siya. Noong una'y mahina lamang iyon at kalauna'y palakas nang palakas. Napatingin sila ni Henry sa paligid upang hagilapin kung nasaan iyon nanggagaling. Maraming tao sa paligid kaya't hindi nila ito makita. Hindi na niya namalayan pa at bigla na lang itong sumulpot sa harap niya mula sa mga nagkukumpulang tao.
"Hanson!!!!" sabi ng babae na may abot taingang ngiti. Si Danica, ang possessive admirer niya. Nakasuot ito ng turtle neck long sleeve, nakasalamin at may mahaba't kulot na buhok. Red ang palda nito na lagpas tuhod. May three inces naman itong black heels.
Kaklase niya ito dati. Nagbakasyon ito sa Switzerland, at ngayon nga'y mukhang bumalik na. Napahiling na lang siya na sana'y hindi niya ito maging kaklase this year. Sigurado kasing babalik iyon sa school dahil malakas ang connection ng pamilya nito sa principal. Kung hindi siya nagkakamali, magpinsan ang principal at ang tatay nitong congressman.
"Oh... Da-Danica!" sabi niya naman. Nagtatanong ang mga mata ni Henry kung sino ang babae.
"Sino iyan, Hanson?" tanong ni Danica.
"Ah... siya si Henry, Danica," pakilala niya kay Henry. "Siya naman si Danica," pakilala naman niya kay Danica.
Inangat ni Danica ang kamay upang makipag-shake hands kay Henry. Tinanggap naman iyon ni Henry nang nakangiti. "Hello! Nice to meet you. Call me, Danica, Hanson's future wife," kikay nitong pagpapakilala.
Nginisian naman ni Henry ang sinabi nito. Mukhang go with the flow na lang ito.
"Ako naman si Henry, kaibigan, kaklase at kapatid ni Hanson," sabi nito.
Sinamaan ng tingin ni Hanson si Henry dahil sa pagpapakilala nito sa sarili nang ganoon. Babatukan sana niya ito pero hindi na niya ginawa.
"Kapatid?" pagtataka ni Danica.
"Wala kasi siyang kapatid kaya nag-decide kaming maging magkapatid," paliwanag naman niya na walang sense. Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Danica dahil hindi pa rin nito lubusang naiintindihan kung bakit nila kailangang mag-decide nang gano'n. Totoo ba iyon o katuwaan lang? Hindi na nito inusisa pa ang tungkol doon at gumawa na lang ng panibagong tanong.
"Anyway, saan kayo pupunta?"
"Kakain!"
"Ay kakain! Gusto ko iyan! Sasama ako."
Nakaramdam ng kagustuhan si Hanson na sana'y umalis na ito. Ang totoo kasi ay ayoko talaga niya kay Danica. Hindi siya kumportableng makipag-usap dito dahil masyado itong posessive.
"Sure!" mabilis namang tugon ni Henry.
"Teka, ano bang ginagawa mo rito? Baka may pupuntahan ka pa?"
Ipinulupot nito ang kamay nito sa braso nya at nagsimulang maglakad kaya't napalakad na rin sila ni Henry.
"Naisipan ko lang mamasyal. Mabuti na lang at nakita kita rito," sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...