The Heartthrob's Secret | Chapter 21

278 18 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 21: Avoid


H E N R Y

PAUWI na si Henry mula sa pagsundo kay Marie. May pinuntahan kasi ito at nawala ang wallet. Kinailangan niya itong hintayin for some reason. Sa paghihintay nila ay napasarap ang kuwentuhan nila hanggang sa nakalimutan na niyang i-inform si Hanson na baka matagalan siya .

Naalala lang niya si Hanson nang nasa bus na siya. Tinawagan niya si Hanson ngunit biglang naputol ang pagtawag niya. Iyon ay dahil pinatay ni Hanson ang sariling phone.

Pagdating sa apartment unit ay madilim kaya't pinindot niya ang switch ng ilaw na nasa kaliwa lamang ng pinto. Bumukas iyon.

"Hanson?" tawag niya.

Hinanap niya ito sa buong kuwarto ngunit hindi niya ito nakita. Tiningnan din niya ang mga gamit nito sa ilalim ng kama at nakumpirma niyang umalis na nga ito.

Kumuha sa atensyon niya ang cake na nasa center table na hindi pa nababawasan. May nakaipit na papel sa ilalim ng pinaglalagyan ng cake at binasa.

"Kain ka na. Pasensya na kung hindi na kita nahintay J."

Napaupo na lamang siya sa sofa at bumuntong-hininga. Napahawak siya sa dibdib dahil tila dinudurog ang puso niya. Kanina lang ay ansaya nila habang ginagawa ang cake pero sa isang iglap ay ganito na ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi niya inasahan na malulungkot siya nang ganito gayong magkikita pa rin naman sila sa school. Naguguluhan siya. Pakiramdam niya'y ayaw na niya itong paalisin sa unit niya. Gusto pa niya itong makasama. Nakokonsensiya siya dahil hindi niya ito nagawang samahan sa huli nitong araw sa kaniyang unit.

Hindi na niya alam kung anong gagawin sa cake. Ayaw niya 'tong kainin nang siya lang. Ipinasok na lang niya ang cake sa fridge.

Ini-message niya si Hanson sa Fb ngunit hindi ito nag-online. Kinabukasan ay tanghali na siya nagising. Halos madaling araw na siya nakatulog dahil sa sobrang lungkot at konsensiya. Si Hanson lamang ang tumatakbo sa isipan niya buong magdamag. Minsan ay napapaisip siya kung normal lang ba na ganito ang nararamdaman niya.

Binantayan niya si Hanson sa Fb. Nang makitang online na ito'y mabilis niya itong ini-chat.

"Uy, Hanson!"

Naghintay siya na mag-reply ito ngunit muli na namang nag-offline si Hanson. Ni hindi man lang nito ini-seen ang message niya. Ayaw niyang isiping nagtatampo ito sa kaniya dahil wala naman siyang nakikitang dahilan para magtampo ito sa kaniya. Though, alam niyang disappointing ang ginawa niya ngunit hindi sa puntong pagtatampuan siya nito.

NANG mag-Monday, nang pumasok siya sa classroom ay nagtugma ang mga mata nila ni Hanson na noo'y nakaupo na sa seat nito. Mabilis nitong tinanggal ang tingin sa kaniya at kinausap si Alfred.

Nagtuloy-tuloy na lang siya sa kaniyan seat.

Nang mag-recess ay sinabayan niya ito sa paglalakad patungo sa canteen. "Hanson, bakit hindi ka nagre-reply sa mga chat ko?"

"Huh? Chat mo? Pasensya na baka hindi ko lang nakita. Bakit ano ba iyon?"

Alam ni Henry na nagsisinungaling ito. Imposibleng hindi nito makita ang mga messages niya gayong online naman ito. Alam niyang sinadya nitong huwag iyon basahin.

"Bakit hindi mo kinain iyong cake? Nasira lang tuloy?"

"Huh? Busog na kasi ako, eh."

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon