The Heartthrob's Secret|Chapter 9

358 22 1
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 9: Overnight



NASA bahay na si Hanson upang kunin ang mga gamit na dadalhin niya. Nakalipat na rin ng gamit si Victor doon sa bahay ng kumpare nito na panandalian nitong tutuluyan. Gano'n din sina Katrina at Candice. Nasa labas ang mga staffs ng drama at tsinitsek na ang mga kung ano-ano.

Pinagbantay ni Katrina ang pinsan niyang eighteen years old. Ito ang magbabantay at maga-assist sa mga staffs dahil nga busy rin ito sa trabaho as kindergarten teacher.

Suot-suot niya ang backpack niya kung saan nakalagay ang kaniyang mga gamit. May bitbit din siyang travel bag na umumbok dahil punong-puno. Saktong damit lang ang dinala niya. Ang nagpapabigat at nagpapa-umbok doon ay ang sandamakmak na libro na kailangan niyang dalhin dahil nga sa nalalapit na second semester exam.

Sumakay ako ng bus hanggang sa narating na nga niya ang apartment unit ni Henry. Sumalubong kay Hanson ang abot-taingang ngiiti sa mga labi nito nang buksan nito ang pinto. Nababakas niya sa mukha nito ang lubhang pagkasabik dahil sawakas ay may makakasama na ito sa kaniyang apartment.

"Welcome Home, Hanson!" sabi nito.

"Salamat! Salamat!" Medyo nahihiya siya.

Umupo siya sa sofa at pinaghandaan naman siya nito ng C2 na kinuha nito sa maliit na fridger. Ininom niya iyon kaya't gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya dahil sa pagod.

"Welcome to my house, Hanson!" Malaki ang pagngiti si Henry.

"Maraming salamat. Huwag kang mag-alala, mag-aabot ako sa 'yo ng kaunting pera para sa magagastos kong tubig, pagkain at kuryente," sabi niya. Nahihiya rin kasi siya.

"Naku, ito naman, huwag mo nang problemahin iyon. Ayos na ayos lang sa akin iyon."

"Sige, ako na lang ang bahala sa pagkain natin para hindi ako gano'n ka makakaramdam ng discomfort."

"Naku, 'wag mo nang alalahanin ang tungkol do'n. Sobra-sobra naman ang ibinibigay ni Papa sa akin kapag sahod niya, eh."

"Aish, 'wag ka nang kumontra, iyon na lang ang paraan ko para mabawasan kahit papaano ang hiya ko."

"Oh eh di bahala ka."

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Pansin kasi niyang wala pang nakahain sa kusina.

"Naku, ang totoo bukod sa pritong itlog at kanin, wala na akong ibang alam lutin. Gusto mo kumain na lang tayo sa fast food chain. Walking distance lang." Maga-alas-siyete na kasi ng gabi.

Ayun nga ang ginawa nila. Nagsuot ito ng jacket upang mabawasan kahit papaano ang lamig ng hangin na tumatama sa kanilang balat. Naglalakad na sila ngayon patungo sa fast food chain. Kalsada ang nasa kanan nila at establishments naman ang nasa kanan.

"Hindi ka marunong magluto ng adobo? Sinigang?"

"Hindi, eh. At saka, alam mo namang mag-isa lang ako, 'di ba? Iyong mga gano'ng ulam, pangpamilya iyon dahil masyadong maraming steps."

"Kunsabagay may punto ka. Eh di kailan ka huling nakakain ng adobo at sinigang?"

Ngumisi ito. "Hindi ko na maalala sa sobrang tagal. Siguro mga nasa five years na. Gano'n."

Napailing na lang siya. Once again, nakaramdam siya ng simpatiya para sa kaibigan.

"Eh di ano na lang ang lagi mong inuulam?"

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon