The Heartthrob's Secret|Chapter 25

322 18 8
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 25:Death, Grief and Regret


H A N S O N

KINABUKASAN, nakaramdam ng lungkot, konsensya at pagkailang si Hanson nang hindi pumasok sa school si Henry. Lalo siyang nakonsensiya. Pakiramdam niya'y siya ang dahilan kung bakit hindi ito pumasok ngayon. Siguro'y gano'n na lang ang sakit na naidulot ng mga sinabi niya para um-absent ito ngayon.

NANG mag-recess, naglalakad si Hanson sa corridor patungo sa canteen nang lapitan siya ni Christine, ang kaibigan ni Marie. May kaunting pagkabahala sa expression nito. Mukha itong may sasabihin kaya't itinuon niya ang atensyon dito.

"Hanson, may sasabihin lang ako sa 'yong importante," saad nito na ay pangamba sa tono.

"Ano'ng sasabihin mo?" naiintriga niyang tanong.

"Ang totoo niyan, nakipag-break na si Henry kay Marie dahil sa 'yo."

Gumuhit ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang totoo kasi niyan, narinig ni Henry na pinag-uusapan namin siya, at hindi naman talaga siya gusto ni Marie. Ginamit lang siya ng kaibigan ko para malayuan na siya ng mga manliligaw niya."

Mas nabigla siya sa sinabi nito. Halos madurog din ang puso niya, knowing kung gaano kasakit ang mga sinabi niya kay Henry kahapon, pakiramdam niya'y binudburan niya ng asin ang sugat na natamo nito sa panloloko ni Marie.

"Kailan? Kailan niya iyon nalaman?" kabado niyang tanong.

"Kahapon nang umaga, gusto ko sanang humingi nang pasensya sa kaniya pero wala akong lakas ng loob kaya idadaan ko na lang sa 'yo tutal ay magkaibigan naman kayo." Nginitian siya nito nang mapait at saka umalis.

Naiwan si Hanson na nakatayo sa corridor. Hindi alam ang sasabihin. Maling-mali ang oras ng pagsasabi nito kay Henry ng mga masasakit na salitang iyon.

Nagtungo siya sa rest room at doon naghilamos, at pagkatapos ay tiningnan ang sariling reflection sa salamin. Malakas ang pagkabog sa kaniyang dibdib dahil sa lubhang konsensiya.

Nang mag-uwian, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naglalaban ang utak at isip niya sa dalawang bagay: pupuntahan ba niya si Henry ngayon upang bigyan ito ng moral support at upang makahingi na rin ng pasensya? O paiiralin na lang niya ang kaniyang pride at hayaan na itong masaktan sa kung ano man ang pinagdadaanan nito ngayon?

Gusto niya itong puntahan ngunit inuunahan na siya ng hiya at ng kaniyang pride.

Sa huli, umuwi na lang siya. Naisip niyang magandang daan 'to para makalimutan na siya nito, nang sa gano'n ay makalimutan na rin niya ang feelings niya para dito.

Kinabukasan, ayaw mang tingnan ni Hanson ang seat ni Henry, ang seat pa rin nito ang unang hinagilap ng kaniyang mga mata. Hindi na dapat siya nagkakaroon ng interes na alamin kung dumating na ba ito o hindi pero kusang gumagalaw ang mga mata niya upang hanapin ito. Nang wala ito sa seat nito ay nakaramdam siya ng lungkot.

Umupo na lamang siya sa kaniyang seat at tahimik na umupo. Kinakabahan siya. Gusto niya itong makita. At the same time ay ayaw niya. Nag-abang siya ng ilan pang sandali. Sa tuwing may pumapasok sa kuwarto ay mabilis niyang naililingon ang tingin sa pinto sa pagbabakasakaling si Henry na iyon.

Lumunok siya ng laway at huminga nang malalim. Naguguluhan na siya sa kaniyang sarili. Ayaw ng isip niya ngunit gusto ng puso niya. Pakiramdam niya'y mayroong magkaibang tao sa sarili niya ngayon.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon