The Heartthrob's Secret | Chapter 18

285 18 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 18: The Growth of Something


H A N S O N

"HELLO?" sabi ni Hanson nang sagutin ang tawag ng isang unsaved number.

"Hanson?" Boses ng babae ang nasa kabilang linya.

"Yes." Napaisip siya.

"Si Mylene 'to, iyong isa sa journalist ng Newspaper Department."

Umawang ang bibig niya upang magbigay ng reaksyon. Ngayon lang niya. "Bakit napatawag kayo?"

"Nasa may field kami ngayon ng kasama ko. Gusto ko sana kayong kunang dalawa ng litrato ni Henry."

Napalingon siya kay Henry na noo'y naglalaro ng video game sa cellphone.

"Ah.. sige, sige." Ibinaba na niya ang phone at nilapitan si Henry. Absent kasi ang teacher nila ngayon kaya heto, maingay ang classroom at kung ano-ano ang mga pinaggagagawa ng mga kaklase niya.

"Henry, may picture taking tayo," sabi niya.

"Talaga?" sabi nito. "Saan daw?"

"Sa may oval."

"Tara," sabi nito at tumayo. Nang akma silang lalabas ng classroom ay tinanong siya ni Danica.

"Saan kayo pupunta?"

"Picture taking."

"Para do'n sa pride thingy?"

"Yes."

"Sama naman ako diyan, Hanson!" Si Alfred.

"Ako rin." Si Danica.

Napapatong na lang siya ng palad sa noo niya. Hindi niya dapat sinabi iyon. Nakakailang na na kunan sila ni Henry ng picture in a romantic way. Pero mas nakakailang kung nasa audience ang mga kaibigan niya.

"ISUOT niyo 'yan," sabi ni Mylene. Inabutan sila nito ng dalawang jersey clothes at tinanggap naman nila.

"Teka, dito na ba natin 'to susuotin?" tanong niya kay Henry na noo'y naghuhubad na ng uniporme.

"Siyempre naman. Alangan namang pupunta ka pa sa locker para magpalit? Ano ka babae?"

"Makikita nila iyong mga utong natin. Hindi ka nahihiya?"

"Aish... wala ka bang sando diyan?"

"T-shirt ang underwear ko ngayon."

"Maghubad ka na. Hindi ka naman babae para itago ang utong."

"Walang titingin, ah!" sabi niya kina Alexa at Danica na noo'y kanina pa nag-aabang sa paghuhubad niya. Ayos lang sa kaniya na makita ng kapuwa lalaki ang nipples niya. Ibang usapan na kapag babae.

"Sige, Hanson! Hindi kami titingin!" sabi ni Danica na noo'y mukhang naglalaway.

Tumalikod sila ni Henry at naghubad ng unimporme. Nagsigawan iyong dalawang journalist, si Alexa at lalo na si Danica na noo'y may pinakamalakas ang tili sa lahat.

Napapikit na lang si Hanson ng mata sa sobrang pagkailang. Mabilis niyang sinuot ang jersey clothes.

"Wow naman! Ang cool ng biceps mo, Hanson! Nagwo-work out ka ba?" tanong ni Danica at pinisil ang biceps niya. "Abs? Mayroon ka? Patingin!"

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon