The Heartthrob's Secret | Chapter 28

283 17 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 28


A L F R E D

WEEKEND ngayon at niyaya siya ni Danica na mamasyal sa kung saan-saan. Una nilang tinungo ang mall at doon namili si Danica ng mga damit niya. Matapos nilang mamili ay kumain sila sa isang restaurant.

Nasa may pinakagilid ang table nila at nilalantakan ang pagkaing kanilang in-order.

"Mabuti na lang pumayag ka ngayon, Hans!" nakangiting saad ni Danica.

"Wala iyon. Mabuti kamo dahil walang ibinigay na assignments ang mga teachers natin."

Biglang naging seryoso ang hitsura nito. "Bakit iniiwasan mo na si Henry?"

Lumunok siya ng laway. Hindi niya inasahang napansin pala niya iyon.

"Hindi ko siya iniiwasan. Bakit ko naman iyon gagawin?"

"Kapag nandiyan siya, hindi mo pinapansin, pero kapag wala siya, hinahanap-hanap ng mga mata mo."

Tumawa siya nang pilit, kabado. "Ano namang sinasabi mo?"

Bumuntong-hininga si Danica. "Aish... napakaano mo talaga. Huwag ka nang magsinungaling, alam kong gusto mo si Henry."

Sa isang iglap ay bigla siyang nakaramdam ng malamig na pawis sa likod. Tila nanigas din ang katawan niya dahil sa sobrang nerbyos. Pilit siyang ngumiti.

"Gu-gusto ko si Henry?" pag-uulit niya. "S-si Alfred ba ang nagsabi no'n sa 'yo?"

"Si Alfred? Bakit alam na rin ba niya?"

"Hi-hindi iyon totoo." Malakas ang kabog sa dibdib niya.

"Naku, tigilan mo ako, Hanson. Matagal ko nang alam mo na gusto mo siya. Noong umuulan, niyaya ka ni Henry na makipayong sa kaniya kahit na mayroon ka naman. Nakita ko iyon. Nakikita ko rin sa mga mata mo na gusto mo siya. Kahit hindi sabihin ng bibig mo, sinasabi iyon ng mga mata mo."

Napalunok siya ng laway at ibinaba ang tingin. Hindi niya ito kayang tingnan dahil sa sobrang nerbyos. Pakiramdam niya'y isa siyang kriminal na tinatanong tungkol sa isang krimen.

"Huwag mo nang itanggi, Hanson. Alam kong mahirap na magkaroon ng unrequited love. Masakit iyon. Parang ako, kahit na alam kong hindi mo ako gusto, ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa 'yo. Gano'n kakapal ang mukha ko. Pero gano'n naman talaga yata kapag gustong-gustong-gustong-gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam kahit na kumapal ang mukha mo."

Huminga siya nang malalim. All this time, alam pala nito ang tungkol do'n pero pinili nitong magpanggap upang hindi maging awkward ang relasyon nilang dalawa.

Bumuntong-hininga si Danica habang pinagmamasdan ang mukha niya. Nananatili namang nasa ibaba ang tingin niya. "Nanghihinayang talaga ako. Mas tanggap ko sana kung si Marie ang ipapalit mo sa akin pero si Henry pala. Nakakatawang malaman. Pero ano pa ba nga bang magagawa natin kung gano'n ang nararamdaman mo para sa kaniya?"

Kumuha siya ng ilang sandali bago sumagot.

"Pasensya ka na kung ginamit kita para makalimutan ko ang feelings ko para sa kaniya. Hindi kita dapat binigyan ng pag-asa sa puso mo."

"Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Besides, hidni mo naman sinabing gusto mo ako. Ang sabi mo lang' gusto mong i-try'. At masaya ako dahil kahit papaano'y naranasan kong maging girlfriend mo kahit sandali."

Napatingin siya rito. "Hi-hindi ka galit?"

Umiling siya at ngumiti. "Bakit ako magagalit. Wala akong dahilan para magalit. Naaawa lang ako sa 'yo. All this time, kinikimkim mo pala iyong feelings mo na ganiyan. Siguradong nahihirapan ka ring tanggapin iyon sa sarili mo."

"Hanggang ngayon hindi ko pa iyon kayang tanggapin. Gusto kong baguhin ang sarili ko, nang sa gano'n ay matahimik na ako at tuluyan ko na ring matanggap ang sarili ko—kung ano dapat ako."

"Bakit ano ka ba dapat?"

"Lalaki ako dapat. Gano'n ako dapat. Gano'n ako dapat kumilos. Gano'n ako dapat mag-isip. Gano'n ako dapat makaramdam. Hindi ganito."

Pinagmasdan siya nito nang may nangungusap na mata. Tila nadismaya ito sa sinabi niya.

"Pag-ibig? Iyon lang naman ang kailangan kong tanggalin sa sarili ko. Iyon lang ang nagpapa-trigger sa akin para maging gay. Kung wala iyon, wala dapat akong problema ngayon. Hindi ko kailangan ng pag-ibig sa buhay ko. Kuntento na akong mabuhay nang mag-isa."

"Ikinakahiya mo ang sarili mo."

"Dapat lang. Nakakahiya naman talaga iyon, eh."

"Nahihiya ka at natatakot na malaman ng mga tao na isa kang gay dahil guwapo ka, matalino, mabait, sikat. Ayaw mong magkaroon ng flaw, ayaw mong dumihan ang mabango mong image sa mga tao. Understandable naman. Dahil sa mga characteristics mong gan'on kaya lalo kang nagkakaroon ng kagustuhan na itanggi iyon sa sarili mo dahil gusto mong maging perfect. Eh ano ngayon kung gay ka? Nangangahulugan ba iyon na masama ka ng tao? Pakiramdam mo ba, mababa ka ng uri ng tao porket nagkakagusto ka sa kapuwa lalaki?"

"Oo, iyon ang pakiramdam ko."

"Nakakadismaya ka, Hanson. Hindi ganiyan ang Hanson na nakilala ko."

"Hindi mo pa ako lubusang nakikilala kung gano'n. Nasasabi mo lang iyan dahil wala ka sa posisyon ko. Kapag ikaw na iyong nandito, siguradong ganito rin ang gagawin mo."

"Hindi ako magsasalita ng patapos dahil totoo ang sinabi mo. Isa lang ang sigurado ko, hinding-hindi ka magiging masaya hangga't patuloy mong tatanggihan kung sino ka talaga."

Tumayo ito at kinuha ang mga shopping bags niya na nasa tabi niya.

"Hinihintayin ko ang araw na matanggap mo na ang sarili mo." Aalis na sana ito nang may maalala ito. "Nga pala, gusto ko nang makipag-break sa 'yo. Hindi iyon dahil gay ka, kaya kitang tanggapin kahit na ano ka pa. Pero, tingin ko, kailangan mong hanapin ang sarili mo, at hindi mo iyon magagawa hanggang ikinukulong mo ang emosyon mo sa akin." Pagkatapos no'n ay tuluyan na itong umalis.

Naiwan siya. Inuunawa niya ang pagkakapareho ng mga sinabi nila ni Marie sa kaniya.

Totoo ba talagang makakalaya ako sa 

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon