The Heartthrob's Secret | Chapter 30

348 22 3
                                    

The Heartthrob's Secret| Chapter 30: Self-Acceptance


H A N S O N

ISANG linggo na ang nakalipas magmula nang sabihin ni Hanson kay Alfred ang totoo niyang pagkatao. Hindi lang ito puro salita lang, totoo ang sinabi nitong walang magbabago. Ganunpaman, hindi na nila pinag-uusapan ang tungkol sa sekswalidad niya na para bang hindi naman iyon issue. Patuloy ang kanilang pagkakaibigan. Kung paano ang pakikitungo nila dati ay wala iyong pagbabago ngayon.

Si Henry na lang ang pinoproblema niya. Hindi siya palagay sa kung ano ba ang iniisip nito tungkol sa pictures nito sa phone niya. Naisip niyang baka ipinagtanggol lang siya nito mula sa mga mapanghusgang mata ng mga kaklase nila dahil involve ito roon at ayaw nitong malagay ang sarili sa alanganing sitwasyon—na gusto ito ng isang lalaki.

Gustuhin man niya itong tanungin, hindi niya magawa dahil wala siyang lakas ng loob na simulang buksan ang topic na iyon.

Nang mag-uwian, gano'n pa rin. Dating gawi. Naglalakad si Hanson ngayon sa pathway habang nakahawak sa straps ng kaniyang bag. Nasa ibaba ang tingin niya at kinakabahan. Alam kasi niyang ilang segundo mula ngayon ay lalagpasan na siya ni Henry sakay ng bisikleta nito. Gusto na niyang kunin ang pagkakataong 'to para matahimik na ang isipan niya, gusto na niya itong tanungin kung ano bang iniisip nito matapos ang insidenteng iyon.

Makaraan ang ilang sandali ay nakita niya si Henry na nilagpasan siya. Napalunok siya ng laway at nang-init ang buong katawan dahil sa sobrang kaba.

"Henry!"

Napahinto ito sa pagpepedal at nilingon siya. Natuwa naman siya dahil sawakas ay pinansin siya nito. Ang akala niya'y magpapanggap itong hindi siya narinig.

Muli siyang napalunok ng laway at kumalap ng lakas ng loob sa hangin. Nilapitan niya ito. Nakatingin lamang si Henry sa harap habang hinihintay siyang magsalita.

"May gusto lang akong itanong sa 'yo," sabi niya.

"Sabihin mo na."

"Kaya may picture ka sa akin dahil kaibigan kita nang mga panahong iyon. Hindi lang naman ikaw ang may picture ako sa phone, pati si Alfred."

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong ipunto."

"Gusto ko lang malaman kung ano bang iniisip mo. Ang akala mo ba gusto kita kaya gano'n? Gusto ko lang iyong iklaro sa 'yo."

"Wala akong pakialam kung gusto mo ako, o wala kang gusto sa akin. Walang pinagkaiba iyon." Katulad ng pagbabago nito, ganoon pa rin ang paraan ng pananalita nito. Tila wala na itong balak na bumalik sa dating Henry.

"Mabuti naman kung gano'n. Ayoko lang i-misunderstand mo ang nangyari."

"Kung gano'n aalis na ako," sabi nito. Ipepedal na sana nito ang bisikleta ngunit muli nitong ibinaling ang tingin kay Hanson. "Nga pala, simula bukas, hindi na ako papasok sa eskuwela. Sabihin mo na lang kay Alfred na pasensya na kung hindi ko na siya pinapansin, at saka 'wag niyo na rin akong istorbohin sa Fb," sabi nito at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.

Nanlaki ang mga mata ni Hanson sa gulat. Bumigat ang pakiramdam niya na tila napakasamang balita no'n. Gusto na niya itong iwasan, ayaw na rin niya itong makita. Ito na ang pagkakataon na iyon para tuluyan na niya itong makalimutan pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit parang gusto niya itong pigilang umalis? Dahil ba gusto naman talaga niya ito at pinipilit lang niya ang sarili na huwag itong magustuhan?

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon