The Heartthrob's Secret | Chapter 5: Mathematics
H A N S O N
NASA cafeteria si Hanson kasama si Henry. Absent ngayon si Alfred dahil mayroon daw itong lakad na kailangang puntahan. Kaya ngayon, solo niya si Henry sa table. Nasa harap niya ito. Sa hindi niya malamang dahilan, mas lalong sumarap ang pagkain na nakahain sa hapag niya.
"Hanson, gusto mo 'kong samahan sa mall mamaya? Bibili lang ako ng video console, tapos laruin natin sa bahay?"
"Video console?" Nag-isip siya. Baka kasi maging hectic ang schedule niya dahil sa dami ng ibinibigay na assignments ng kanilang guro. Gusto kasi niyang panatilihin ang pagiging top student. "Tingnan ko mamaya kung may mga ibibigay na assignments ang mga teachers natin."
"Ah... okay. Sana, wala. Alam mo bang gustong-gusto kong magkaroon ng video console kahit noon pa man? Hindi lang ako makalaro dahil wala akong kasama."
"Ah... wala ka nga palang kapatid, noh? Pinsan? Kaibigan?"
Kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha ni Henry nang sabihin niya ang salitang kaibigan, na para bang mayroong nakadikit na masamang alaala sa salitang iyon. Lumunok ito ng laway at nginitian siya.
"Nagkaroon na ako ng kaibigan pero hanggang sa school lang. Tutal napag-usapan na rin natin ang tungkol sa kaibigan. Ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan? Iyong lagi mong kakuwentuhan? Kapag ba nakipag-usap ka sa isang kaklase, kaibigan mo na siya?" Sumubo ito ng pagkain.
"Aish... magka-college ka na hindi mo pa rin alam ang kahulugan ng kaibigan?"
"Gano'n ba? Siguro nga masyado akong ignorante pagdating sa mga bagay."
Napatanong si Hanson sa sarili kung ano nga ba ang sagot sa tanong nito? Hindi rin niya iyon alam. Nabuo ang pagkakaibigan nila ni Alfred sa isang iglap lang. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan ba ang saktong araw na ikinonsider niya itong kaibigan.
Nang mag-uwian, kakalabas lang nila ng school building at patungo sila ngayon sa parking area.
Inakbayan siya ni Henry. "Pa'no ba iyan? Walang ibinigay na assignment ang mga teachers natin?"
Natigil ito sa pagsasalita nang makita si Marie na naglalakad sa hindi kalayuan mula sa kanila. Umawang ang bibig nito dahil sa lubhang pagkamangha. Lubha itong nagandahan sa pisikal na hitsura ng dalaga. Naiintindihan iyon ni Hanson dahil talaga namang maganda si Marie.
"Angganda ng babaeng iyon, ah!" sabi nito na noo'y magkapatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni Hanson.
"Si Marie ba?"
"Ki-kilala mo? Angganda, noh?"
Tumango siya."Oo." Hindi na niya sinabi pa ang tungkol sa pag-busted niya rito. Baka kumalat pa iyon sa buong school. Ayaw rin niyang bahiran ng hiya ang dignidad at reputasyon nito bilang isang campus crush. "Huwag mong sabihing type mo?" kunot-noo kong tanong.
"Oo naman, Hanson. Bakit ikaw, hindi?" panghahamon niya na tila iniisip niyang gusto rin niya ito.
Naningkit ang isa niyang mata habang tinitingnan ito. Napagtanto niyang lahat na lang ng lalaki ay kagaya ni Henry kung magreak sa tuwing nakikita si Marie. Tingin niya'y siya lang talaga 'tong humahanga sa hitsura nito nang walang bahid ng romansa. Ang nakikita niyang dahilan ay dahil hindi naman talaga siya purong lalaki.
"Kaklase ko siya last year, siya ang second sa overall rankings ng school."
Lalo itong namangha habang sinusundan pa rin ng tingin si Marie. "Baka naman gusto mo akong ipakilala sa kaniya?"
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...