The Heartthrob's Secret | Chapter 2

850 24 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 2: Listen to my Heartbeat







H A N S O N

PINILIT ni Hanson na itago ang kaniyang mukha mula kay Henry. Sa huli, umayos na lang siya at tiningnan ito nang mabuti. Kunwari ay kinikilatis din niya ang mukha nito.

"Oo nga, noh? Ikaw pala iyon, ngayon ko lang napansin," pilit na ngiti niyang saad sa binata.

"Magkakilala na pala kayo?" paniniguro ni Alfred.

"Ah, oo. Nagkita na kami sa coffee shop. Hindi ko alam na magiging magkaklase pala kami," nakangiti nitong paliwanag.

Ayaw mang tingnan ni Hanson si Henry, hindi nawala sa paningin niya ang ngiti nito na nagpabagal sa takbo ng oras niya. Pakiramdam niya'y naging slow motion ang lahat habang nag-uusap silang dalawa ni Alfred. Tila naging bingi rin siya at nawala na ang tunog sa paligid, maging ang kanilang pag-uusap.

Nagsimulang uminit ang katawan niya dahil sa hindi niya malamang dahilan. Nagkaroon ng kaunting kirot sa kaniyang puso—isang pakiramdam na isang beses pa lang niya nararamdaman sa buong buhay niya—nang unang tumibok ang puso niya para kay Robert.

Ibinalik niya ang kaniyang ulirat nang mapansing nagsisimula na namang bumalik ang pakiramdam na kinatatakutan niyang maramdaman ulit.

Mabilis man ang kabog ng kaniyang puso, ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain habang nasa ibaba lamang ang tingin. Binilisan din niya ang pagkain upang makaalis na. Nahihirapan siyang huminga habang nasa harap niya ang lalaking iyon.

Nang mag-uwian, sabay sila ni Alfred na naglalakad patungo sa gate. Nang marating na nila iyon ay naghiwalay na sila sa isa't isa. Patungo kasi si Alfred sa kaliwa at pakanan naman siya.

Maganda ang daan pauwi. May mga nagtatayuang mga puno sa kaliwa't kanan ng pathway. Sumasarap ang kaniyang pakiramdam sa tuwing naririnig niya ang mga dahon ng puno na nagkikiskisan sa tuwing iniihip ng hangin.

Habang naglalakad siya'y may tumigil na isang bisikleta galing sa likuran niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niyang si Henry ang nagmamanehon no'n.

"Hanson, sabay ka na," paanyaya nito nang nakangiti.

"Huh?" gulat niya, kabado. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso dahil sa kaba. May naririnig siyang boses na nanunukso na sumabay na siya rito kaya't nagkaroon siya ng pagdadalawang-isip. Ganumpaman, mas matimbang ang kagustuhan niyang hindi i-associate ang sarili niya kay Henry. Kung magkaklase sila, then magkaklase. Pero magkaibigan? Never. Natatakot siya na baka kung saan pa mapunta ang ganoong turingan nila sa isa't isa.

"Ah hindi na. Salamat sa paanyaya."

"Sige na, huwag ka nang mahiya. Ikaw naman, magkaklase na tayo ngayon. Gusto ko lang makipagkaibigan sa 'yo. As you can see, wala pa akong kaibigan sa classroom. Gusto kong ikaw ang una kong maging kaibigan dahil ikaw ang una kong nakita, which is sa coffee shop."

Masyadong mahaba ang paliwanag nito kaya't nahirapan siyang tumanggi. Nangangamba siyang baka ma-offend niya ito at isiping ginagawa siyang outcast. Ayaw niyang ma-misunderstood iyon ni Henry.

Sinabi ba niyang gusto niya kong maging kaibigan? Puwede ko ba siyang diretsahin na isa lang ang gusto kong maging kaibigan? At mayroon ng tao sa posisyon na iyon, at iyon ay si Alfred?

Malinaw na hindi ang kasagutan sa tanong niyang iyon kaya't itinikom na lang niya ang kaniyang bibig. Sa huli, napilitan na lang siyang umangkas sa likod nito. Napahawak siya sa magkabilang balikat ni Henry na noo'y nararamdaman niyang medyo matigas-tigas na, mukhang madalas itong mag-work out sa gym. Umiling siya upang tanggalin sa isip ang ideyang naglagi sa isip niya. Naririto siya ngayon upang pakisamahan si Henry at hindi upang magbigay-komento sa katawan nito.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon