The Heartthrob's Secret | Chapter 7: News
H A N S O N
NANG dumating sa classroom, inabot kaagad ni Hanson ng tingin si Henry na nakaupo sa last seat ng first row. Naglalaro siya ro'n ng video game sa phone.
"Good morning, Hanson!" bati ni Danica na abot-tainga ang ngiti. Nakaupo ito sa likod ng kaniyang seat.
"Gu-good morning din," utal niya at umupo sa seat, dismayado dahil magiging magkaklase sila nito.
"Pinilit niyang umupo diyan, Hanson. Aish... stalker talaga," sabi ni Alfred.
"Tumahimik ka diyan. Ako dapat diyan at hindi ikaw."
Umasa siya na hindi sila maging magkaklase. Though, alam niyang there's a 99.9% chance na magiging magkaklase sila dahil nga sa koneksyon nito sa principal. Ni-request nito marahil na sa section niya ito papasok. Seventy percent ng mga kaklase niya'y naging kaklase na rin nito sa previous school years kaya't panatag na ito sa kanila.
"Congratulations, Hanson dahil naging top one ka last semester!"
"Ah... salamat."
"Wala ka bang dalang chocolate diyan. Danica? Baka naman?" Si Alfred.
"Siyempre mayroon. Pasalamat ka dahil best friend ka ng hubby ko dahil kung hindi, siguradong hindi kita bibigyan," sabi nito sabay kalikot sa sariling backpack. Then naglabas ito roon ng dalawang carton ng triangle-shaped na Toblerone. Inabot nito kay Alfred ang isa, na noo'y umabot sa tainga ang ngiti dahil sa sobrang saya.
Nagdalawang-isip namang kunin ni Hanson ang iniaabot ni Danica sa kaniya. Hindi kasi siya palagay. Pakiramdam niya'y kailangan niyang suklian 'to pagdating ng panahon.
"Kunin mo na dali. Nangangalay na ako," sabi nito.
Kinuha na lang niya iyon para wala ng issue. Baka masamain pa nito kapag hindi niya iyon tinanggap.
Mayamaya'y dumating na rin sa classroom ang bestfriend nitong si Alexa. Naka-double ponytail ang buhok nito na maikli lamang. Nagtilian silang dalawa at nagyakapan na para bang isang siglo na silang hindi nagkikita.
NASA cafeteria na sila nina Alfred at Henry at kumakain. Mag-isa sa isang side ng table si Hanson at nasa harapan naman niya ang dalawa.
"Mukhang may isa ka pang admirer na dumating, Hanson, ah? Pogi problems talaga, oh!" Si Henry.
"Parang nakakatuwa, noh? Maraming nagkakagusto sa 'yo? Pero ang totoo hindi iyon nakakatuwa. Nakakailang," paliwanag niya at sumubo.
"Gano'n ba iyon? Bawasan mo kasi ang pagiging pogi mo." Si Alfred naman.
Halos magsalubong ang dalawa niyang kilay. Paano nga naman niya babawasan ang kaguwapuhan niya? Maglagay ng uhog sa ilong? Magpakadungis?
"Bahala sila. Malaya naman silang magustuhan ang gusto nila sa buhay," sabi na lang niya.
"Kunsabagay totoo naman. Pero sino ang mas pipiliin mo, si Marie o si Danica?" tanong ni Henry.
Ikaw.
"Oo nga, curious ako. Parehas silang maganda." Si Alfred.
Gusto sana niyang dagdagan ang pagpipilian pero hindi na niya ginawa pa.
"Tsk. Huwag niyo na akong istorbohin sa mga ganiyang tanong. Hangga't maaari, ayokong idikit ang sarili ko sa romansa. Nagfo-focus ako ngayon sa self-development at sa pangarap ko."
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...