The Heartthrob's Secret | Chapter 8: Here's my Friend 'Henry'
H A N S O N
NAGPAHANGIN muna si Hanson sa may oval habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer sa field. Nakaupo siya sa bench habang hinihintay na tumunog ang doorbell na hudyat na tapos na ang lunch break.
Naalala niya ang panahon na ginulat siya ni Henry sa mismong bench din na kinauupuan niya ngayon. Napaka-cute ni Henry no'n, dahilan para hindi na niya mapigilan ang ngiti sa kaniyang mga labi habang inaalala iyon.
Pagkaraan ay may kamay na pumatong sa balikat niya at pagkatapos ay may umupo sa tabi niya. Si Henry.
"Himala, hindi ka nanggulat ngayon, ah?" sabi niya.
"Ayoko nang gulatin ka, baka mamaya atakihin ka pa sa puso. Wala akong panapal ng buhay." Sinundan niya iyon nang manipis na tawa.
Naalala ni Hanson ang tungkol sa panandalian niyang page-evacuate ng bahay. Ngayong nasa harapan na niya ito'y bigla siyang nagdalawang-isip na tanungin ito tungkol doon. Ganunpaman, nilakasan na lang niya ang loob. Wala naman siyang choice dahil wala na siyang iba pang kaibigan na puwedeng pagtuluyan.
"Henry, puwede ba akong makitulog sa 'yo?" tanong niya.
"Oo naman. Malayang-malaya kang maglabas-pasok do'n. Kuya kita, 'di ba?"
"Aish..." sabi na lang niya dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng kuya. Ayaw niyang tinatawag siyang gano'n dahil naiinis siya unnecessarily. Ganunpaman, natuwa siya dahil pumayag ito, though expected na niya iyon.
"Bakit nga pala? Anong mayroon?"
Sinabi niya rito ang tungkol sa pag-upa ng production no'ng TV series sa bahay nila kaya't mabilis naman siya nitong naunawaan. Laking tuwa nito lalo na nang sabihin niyang magtatagal ro'n si Hanson ng isang linggo. Iba ang kutob niya, tingin niya;y mukhang pipilitin siya nitong makipaglaro sa kaniya ng video console magdamag. Huwag naman sana. Though, puwede naman siyang tumanggi.
"Kailan ka lilipat?"
"This Friday na."
"Whoah! Dalawang araw pa pala. Basta 'wag ka lang mahiya. Welcome na welcome ang kahit na sinong kaibigan ko ro'n." Malaki ang ngiti nito sa kaniyang labi na siya namang ikinatuwa ni Hanson, ramdam niya ang hospitality ng kaibigan.
"Salamat, ah," sabi niya at nginitian din ito.
"Walang problema. Pero... puwede bang humingi ng favor?"
"Ano?"
"Puwede ko bang mas makilala pa iyong si Marie? Gusto ko sanang kunin ang number niya." Sa isang iglap, biglang nag-iba ang mood niya dahil sa pakiusap na iyon. Kung umaabot si Henry sa ganitong punto, siguro nga'y seryoso ito kay Marie.
"Gusto mong ipakilala kita sa kaniya?" pag-uulit ni Hanson na bahagyang dismayado ngunit hindi niya pinapahalata.
Nagklaro siya ng lalamunan. Hindi niya dapat ito sabihin pero tingin niya'y kailangan.
"Hindi ko pa 'to nasasabi sa 'yo, Henry pero ang totoo, hindi gano'n kaganda ang terms naming dalawa."
"Bakit naman?" pagtataka niya.
"Nagtapat na siya ng feelings sa akin but I rejected her."
Nanlaki ang mga mata nito at umawang din ang bibig dahil sa sobrang pagkasorpresa. Tumingin ito sa kaliwa't kanan niya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...