The Heartthrob's Secret | Chapter 22

275 17 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 22: Confirmation and Realization


H E N R Y

NAKAUPO si Henry sa sofa habang nakapako ang tingin sa kama. Bumabalik sa isipan niya ang mga masasayang alaala nila ni Hanson doon na magkasama. Nami-miss na niya ito dahil hindi na niya ito nakaka-bond magmula nang umalis ito sa kaniyang apartment unit.

KINABUKASAN. Matapos kumain sa cafeteria ay nagtungo siya sa bench sa oval at doon umupo. Muli na namang pumasok sa isipan niya ang mga alaala nila ni Hanson sa lugar na 'yon. Lalo na no'ng pagkakataon na ginulat niya ito. Maging noong nagkaroon sila ng romantic pictorial.

"Anlalim ng iniisip mo, Henry, ah?" sabi ng isang boses. Kasunod no'y namalayan na lang niyang umupo na pala ito sa tabi niya.

"Oh, Marie" Nginitian niya ito.

"Anong iniisip mo ngayon?" tanong ni Marie na nakatingin sa kalangitan.

"Parang napapansin ko kasing iniiwasan ako ni Hanson. Hindi ko alam kung bakit."

"Si Hanson?" pag-uulit nito at nag-isip. "Baka may nagawa kang mali."

Gusto sana niyang sabihin sa dito ang hula niya na kaya iniiwasan na siya nito ay dahil kay Marie ngunti hindi na niya sinabi iyon. Ayaw niyang isipin ni Marie na naagawan nito si Hanson ng oras sa akin.

"Iyon nga ang iniisip ko. Ang totoo niyan, natatakot akong mawalan ulit ng kaibigan."

"Mawalan ulit ng kaibigan? Anong ibig mong sabihin?" Naibaling niya ang tingin sa akin.

Nag-isip siya kung tama bang sabihin iyon. Ayaw niyang sabihin iyon kahit kanino. Tutal ay girlfriend na rin naman niya si Marie, tingin niya'y hindi na rin masamang ikuwento rito ang tungkol doon.

"Noong grade 10 ako, may mga kaibigan ako na lagi kong kasama. Ako ang top student no'n sa section namin hanggang sa bumaba nang bumaba ang ranggo ko hindi dahil bumababa ang grades ko kung hindi dahil tumataas ang grades nila. Tapos, nalaman ko na lang na nangongopya lang pala sila. Binalaan ko silang itigil iyon pero hindi nila ako sinunod hanggang sa isinumbong ko sila sa teacher namin."

"Dapat lang iyong ginawa mo. Napaka-unfair no'n."

"Tapos iyon na nga, magmula no'n, ginawa na nila akong outcast sa classroom. Sobra akong nasaktan nang gawin nila iyon. Alam mo iyong pakiramdam na akala mo kaibigan mo na pala sila, tapos gaganunin ka lang nila bigla."

"Hindi mo tunay na kaibigan ang mga iyon, Henry. Hindi ka dapat nanghihinayang sa kanila. Natural lang na magtampo sila dahil sa pagsumbong mo sa kanila. Pero... ang gawin kang outcast, sinasalamin lang no'n ang pagkatao nila. I don't think you deserve them."

"Oo. Kaya lang, itinuring ko pa rin silang kaibigan. Magmula no'n, nahirapan na akong makipag-socialize sa mga tao dahil pakiramdam ko, gagawin din nilang muli iyon sa akin."

Hinimas ni Marie ang likod niya upang bigyan siya ng simpatiya. "Kaya ngayon, nangangamba ka na baka pati si Hanson iwasan ka?"

Tumango siya nang may lungkot sa mga mata.

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

"Nagpapanggap siyang walang problema. Though, alam kong mayroon."

"Huwag kang mag-alala, kausapin mo lang siya nag kausapin hanggang sa bumalik ulit sa dati ang pakikipagkaibigan niyo."

Ngumiti si Henry dahil sa magandang advise ng kaniyang girlfriend. "Salamat, Marie!"

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon