The Heartthrob's Secret | Chapter 15

339 20 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 15: Shopping


H A N S O N

DINOBLE ni Hanson ang pagpupursigi sa pagre-review nang mag-weekend.

Nang mag-Monday, doble naman ang kaba niya. Exam na kasi para sa second semester. Umasa siyang muling manguna sa pakakataong 'to.

Tatlong araw ginanap ang exam. Monday, Tuesday at Wednesday. Nang mag-Thursday, tsinekan na nila ang test papers. Nang mag-Friday naman ay ipinaskil na ang resulta sa bulletin board.

Sabay silang nagtungo ni Henry doon bago pumasok sa kanilang classroom. Siksikan kaya't kinailangan nilang sumingit sa mga nagkukumpulang estudyante. Kinakabahan siya para sa magiging ranggo niya.

1.) Marie – 95.2

2.) Hanson – 95.1

3.) Alfred – 93

Laking panghihiyanang ang naramdaman niya nang makita ang pangalan sa pangalawang ranggo. Matapos ang ilang taon niya sa high school, ngayon lang bumaba ang ranggo niya ng ganito. At hindi siya natutuwa roon. Pakiramdam niya'y may mali sa kaniya. Pakiramdam niya'y nagkulang siya sa pag-aaral.

Iisa lang ang nakikita niyang dahilan kaya pumangalawa lang siya ngayong semester. Si Henry—dahil sa tuwing nagre-review siya ay nadi-distract nito ang isipan niya.

"Hanson, pang 32nd ako, tingnan mo," masayang sabi ni Henry.

Lumunok siya ng laway. Nakakaramdam siya ng inis ngayon sa kaibigan. Kung hindi lang sana siya nito iniistorbo ay siya sana ang nanguna. Hindi niya kayang tanggapin ang naging resulta. Alam niyang hindi niya dapat ginagawang malaking deal ang ikinababa niya ng ranggo pero wala siyang magawa dahil iyon ang nararamdaman niya.

Dismayado siyang nagtungo sa classroom at umupo sa kaniyang seat.

"Rank 2 ka na lang ngayon, Hanson!" sabi ni Alfred habang nakangisi.

Pinilit niya ang sarili na ngumiti. Ayaw niyang isipin nilang nabi-bitter siya kay Marie dahil natalo siya nito sa exam rankings. Hindi siya nabi-bitter. Naiinis lang siya sa sarili niya. Ayaw niyang sisihin si Marie kung ginalingan man nito dahil iyon naman talaga ang dapat nilang gawin.

"Bawi ka na lang sa susunod, Hanson," sabi pa ulit ni Alfred.

Mayamaya'y dumating si Danica. Inabutan siya nito ng chocolate bar habang nakangiti.

"Congratulations, Hanson! Kahit na second place ka lang, alam kong mas magaling ka pa rin kaysa kay Marie!" nakangiting sabi nito.

"Sa-salamat." Iyan na lang ang nasabi niya. Tinanggap niya ang chocolate bar.

"Sabay tayong mag-dinner mamaya, ah?"

Nginitian na lamang niya ito. Then umupo ito sa sariling seat at nakipagkuwentuhan kay Alexa.

Nang mag-uwian ay niyaya siya ni Danica na kumain sa isang restaurant. Kumuha na naman ito ng maraming litrato niya at agad na ini-post sa FB. Magkatabi silang umupo sa pinakagilid ng mga upuan.

"Hanson, puwede ba kitang gawing in-a-relationship-with?"

"Hindi puwede. Magagalit sina mama. Hindi ako no'n pinapayagan na makipag-girlfriend."

Sumimangot ito dahil sa pagkadismaya. "Ayos lang iyan, ico-customize ko naman ang settings para hindi nila makita, eh."

Hindi pa rin siya palagay. Pero bahala na. Hindi naman siguro siya mamamatay kung makita ng buong school na in a relationship nga sila. Nasa advantage din naman niya iyon.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon