The Heartthrob's Secret | Chapter 17: Dancing with Henry
H A N S O N
"AYOS lang sa akin kung iyon ang mas ikagaganda ng newspaper na gagawin niyo The more na maibentang copy, the more na lalaki ang talent fee namin, gano'n ba iyon?" Si Henry
"No. Ano kayo writer? Siyempre model lang kayo. May ibibigay kaming certain amount of cash."
Nag-isip siya. Hindi siya papayag hindi dahil sa pera kung hindi dahil hindi siya kumportable. Sapat nang nakaramdam siya ng discomfort no'ng kasayaw niya si Robert. Ayaw na niyang dagdagan iyon by dancing with Henry.
"Sige na, sige na."
Nagklaro siya ng lalamunan at nagdesisyon.
MAGHAKAHARAP na silang nagsasayaw ni Henry. Again, siya na naman ang babae. Hindi niya alam kung bakit siya ang napupunta sa posisyong iyon pero hindi siya natutuwa. Pakiramdam niya'y alam nila ang tungkol sa totoong siya. Guilty siya kaya gano'n.
Nakapatong ang braso niya sa balikat ni Henry at nakayakap naman ang braso nito sa tagiliran niya.
Panay naman ang pagkuha ng litrato ng dalawang photographers. Nagsibalikan naman sa pagsasayaw sina Alfred, Ayumi, Eddy at Alexa.
"Bakit ka pumayag na makipagsayaw ro'n?" pangunguwestiyon ni Henry.
"Huwag mo nga akong tanungin ng ganiyan. Nagtutunog kang nagseselos."
"Tsk, ba't naman ako magseselos. Mayroon naman akong Marie na nasa paligid."
Nang lumingon sila kay Marie ay nakita nila itong nakaupo sa seat nito kanina at kumakain ng cake, na parang wala itong pakialam.
Lumapit sa kanila sina Alfred at ang babaeng nagyaya rito habang sumasayaw.
"Uy, mga pare, ayos ba tayo diyan?" pang-aasar ni Alfred at sinundan ng magaan na pagngisi. Nanatili sila sa tabi nila upang makapang-asar ito.
"Mas bagay kayo ni Henry, Hanson. Promise. Walang spark iyong kanina," dagdag pa nito.
Sinamaan nila ito ni Henry ng tingin. "Tumahimik ka nga diyan, bubugbugin ka namin, eh!" sabay nilang saad ni Henry. Then nagtinginan silang dalawa dahil sa pagsasabay nila ng parehong mga salita. Nagklaro sila ng lalamunan. Napaka-awkward.
"Matagal pa ba?" pangunguwestiyon niya sa babae in pink dress.
"Sandali lang, mga one minute pa."
"Puwedeng pabilis na lang? Naiilang na ako rito. Pinagtatawanan na kami no'ng ibang mga nakakakita."
"Ayos lang iyan. Hindi na rin naman nila kayo makikita after nito. At saka trabaho lang naman 'to, walang personalan."
"Oy," sabi nito. "Narinig mo iyon, ah. Walang personalan."
Halos magsalubong naman ang mga kilay niya sa tinuran nito. "Tsk, alam ko."
Habang nagsasayaw ay muli na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Sa pagkakataong 'to ay para naman sa ibang lalaki. Tumibok ang puso niya ngayong araw sa dalawang magkaibang lalaki. Ayaw niyang i-consider ang sarili niya na 'playboy' o kung ano man ang tawag do'n ngunit gano'n ang nararamdaman niya.
Sapat nang hindi siya dapat magkagusto sa isang lalaki. Dumadagdag pa na sa dalawang lalaki tumitibok ang puso niya.
Sa edad niyang 'to, ayaw niyang problemahin ang love life, which is obviously nangyayari na.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...