The Heartthrob's Secret | Chapter 14: Continuation
H A N S O N
NANG mag-uwian, nakaangkas si Hanson sa likod ni Henry habang nagmamaneho ng bisikleta. Marami itong kuwento sa kaniya tungkol kay Marie na hindi siya interisadong pakinggan. Ganunpaman, hinayaan na lang niya itong magkuwento. Inintindi na lamang niya ito bilang kaibigan.
Ipinarke niya sa parking lot ang bisikleta nito at dinaanan muna nila ang mga pina-laundry nilang damit sa laundry shop na nasa likod ng apartment unit. Hawak ni Hanson ang isang basket at hawak naman ni Henry ang isa pa. Plantsado na iyon. Kailangan nga lang nitong ulitin ang uniporme nito dahil medyo nakusot iyon dahil sa pagkakasiksik sa basket.
"Anong dinner natin ngayon?" tanong nito habang naglalakad sila patungo sa apartment.
Nag-isip ako. "Mahilig ka ba sa mga gulay?"
"Hindi masyado."
"Kung gano'n maggulay tayo."
Kumunot ang noo nito. "Tinanong mo pa ako, ah?"
"Kailangan mo ng masusustansyang pagkain galing sa mga gulay."
"Ayos lang basta sarapan mo lang ang pagkakaluto, ah?" sabi niyto habang nakangiti at binangga pa ng balikat nito ang balikat niya.
Napangiti na lang siya.
Nang dumating sa aparment unit ay inayos na nito ang mga gamit nito sa cabinet.
"Gusto mong sumamang mamalengke?" tanong niya na nasa kusina at umiinom ng tubig. "Para na rin may ideya ka kung anong gulay ang dapat bilhin."
Nag-isip ito. "Sige, sige. Ayusin ko lang 'to. Pero maglakad na lang tayo, ah. Malapit lang naman ang palengke, eh."
"Ikaw bahala." Matapos ayusin ni Henry ang mga damit nito ay hinubad na nito ang damit na hiniram nito kay Henry. Itinapon nito iyon sa basket laundry basket. Gusto sana iyong kunin ni Hanson pero nahihiya siya dahil baka kuwestiyunin siya nito.
Nang magtungo si Henry sa comfort room ay doon na niya ito kinuha. Hindi niya alam kung bakit pero kusang gumalaw ang katawan niya at inamoy ang damit niya na sinuot nito. Wala namang something special sa amoy na iyon ngunit napakasarap no'ng amuyin? Para siyang nililipad sa ere. Napaka-korny man niyang pakinggan pero iyon ang nararamdaman niya.
Parang ayaw niyang labhan ang damit na iyon na direktang dumikit sa katawan ng taong gusto niya.
Nang lumabas na si Henry sa comfort room ay mabilis niyang nabitawan ang damit at itinapon sa kama.
"Teka bakit nandito 'to?" pagtataka nito matapos tumingin sa laundry basket.
Tumingin si Hanson sa kung saan-saan. "Ako na ang maglalaba diyan," palusot niya.
"Aish, ako na. Lalabhan ko mamaya dahil baka wala ka ng masuot."
"Hindi na ako na." Ayaw niyang labhan iyon. Gusto niya iyong isabit sa kuwarto niya na parang isa iyong work of art. At sa tuwing mami-miss niya ito'y yayakapin niya iyon.
"Ako na lang promise. Maglalaba rin naman ako mamaya, eh," sabi niya.
"Bahala ka nga. Halika na nga."
Magkasama silang namalengke. Itinuro niya rito kung paano matutukoy kung anong gulay ba ang fresh pa o hindi. Panay naman ang sabi nito ng 'ah', 'oh' at 'ganoon pala iyon'. Minasahe pa nito ang likod niya na para bang tinuturing nito siyang pagod na pagod na sa pagtuturo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...