The Heartthrob's Secret | Chapter 12: Shower Time
H E N R Y
NASA isang fast food chain si Henry kasama si Marie. Nakaupo sila sa pabilog na upuan na para lamang sa dalawang tao. Nakahain sa table nila ang fried chicken with rice at orange juice.
"Maraming salamat, Marie dahil pumayag kang kumain kasama ako ngayon." Malaki ang pagngiti sa mga labi niya.
Ngumiti ito. "Walang problema. Mukha ka namang mabuting tao."
Bigla siyang kinilig sa sinabi nito. Kanina pa siya nakangiti ngunit iba ang ngiti niya nang sabihin ni Marie iyon. Pinilit niya iyong itago dahil nahihiya siyang ipakita iyon sa dalaga.
"Ku-kung gano'n salamat."
"Luh? Napakamahiyain mo pala kapag pinupuri," sabi naman ni Marie at sinundan ng pag-inom ng orange juice.
"Ah... ga-gano'n ba? Actually medyo mahiyain talaga ako kapag hindi ko pa masyadong close ang isang tao."
"Well lahat naman tayo gano'n."
Nang tapos na nilang kumain, naglalakad na sila patungo sa bus stop. Inihahatid na ni niya ito pauwi. Kanina niya ito gustong tanungin pero nahihiya siya. Inisip niyang baka magmukha siyang nagmamadali kapag itinanong 'yon. Ngunit sa huli ay tinatagan na lamang niya ang loob.
Nagklaro siya ng lalamunan. "Marie, puwede bang magtanong?"
"Yes. Of course."
"Ayos lang ba para sa 'yo kung maging higit sa pagkakaibigan ang relasyon natin?" Malakas ang kabog sa dibdib niya dahil sa lubhang nerbyos.
Ngumisi ito nang magaan. "Ano ka ba naman? Hindi mo pa rin ba nakukuha? Kung hindi ako interisado sa 'yo, hindi dapat ako pumayag sa imbitasyon mong 'to."
Gumuhit na lamang sa mga labi niya ang isang ngiti na hindi pa niya nagagawa kahit na kailan. Napakasaya niya. Walang paglagyan ang tuwa sa puso niya dahil sa lubhang kagalakan. Gusto sana niya iyong yakapin na para bang sinagot na siya nito sa tanong na 'will you marry me?' pero naging considerate na lang siya. Siguradong hindi pa handa si Marie sa mga ganoong aksyon.
"Ku-kung gano'n, gusto mo rin pala ako?" paniniguro niya na may kumikinang na mata.
Tumango ito na may kasamang pagngiti.
Hindi alam ni Henry kung ano ang gagawin sa mga oras na 'to. Gusto niyang tumalon sa sobrang saya ngunit pinangungunahan siya ng hiya sa harap ni Marie.
"Salamat, Marie! Maraming salamat talaga!"
Ngumiti ito at ginulo ang buhok. "Huwag kang magpasalamat. Wala akong ginawa para pasalamatan ako."
Tila may mga bulaklak na nagsilutangan sa likod ni Marie at naging maliwanag ang likod nito na parang isang anghel. Hindi lang ito maganda, napakabait din nito.
Tumibok nang mabilis ang dibdib niya nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan kung gaano ito kaganda, lalo nang masilayan ang ngiti nito na nakakaakit.
Inihatid na niya ito sa bus stop matapos no'n. Umupo ito sa seat na nasa tabi ng glass window at kumaway sa kaniya. Kinawayan din naman niya ito hanggang sa umandar na ang bus papalayo.
Naiwan sa mga ni Henry ang isang satisfied na ngiti. Dinala niya iyon hanggang sa makarating siya sa apartment unit.
Nadatnan niya si Hanson na nagbabasa ng libro sa sofa. Mabilis niya itong nilapitan upang ikuwento ang buong nangyari sa date nila ni Marie.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...