The Heartthrob's Secret | Chapter 27

262 20 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 27


M I K A

NAGPATULOY ang araw sa kanila. Gano'n muli. Kapag pumapasok si Henry sa school, kakain lang ito sa canteen at pagbalik sa classroom ay nagsusuot ng headset, na tila gusto nitong iwasan ang mga taong gustong kumausap sa kaniya. Pag-uwi naman, diretso ito sa parking area.

Alam ni Hanson na hindi gusto ni Henry ang gano'ng klaseng high school life. Ipakita man nito sa kaniya na nage-enjoy ito sa pagiging mag-isa, nararamdaman pa rin niya ang kagustuhan nitong magkaroon ng kausap at kakuwentuhan. Kaibigan.

Kanina, nakita niya ito na malungkot na nakatingin sa grupo ng mga lalaki na nakikipagtawanan sa isa't isa. Alam niyang hindi pa rin nawawala rito ang kagustuhan nitong makipagkaibigan. Pinangungunahan lang ito ng takot na baka mangyaring muli ang bagay na pinangangambahan nito—ang lokohin at iwan. Pakiramdam niya'y kasalanan niya iyon kaya't siya ang responsable sa pagbabagong iyon ni Henry. At kailangan niya iyong ayusin kung may natitira pang konsensiya sa kaniyang sarili.

Nakaupo siya sa seat niya ngayon. Pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok si Alfred na may hawak-hawak na diyaryo. Umupo ito sa seat nito.

"Hanson, nakakakilig talaga iyong mga pictures niyo. May mga stories pala dito. Fan na talaga ako ng mga BL!"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Kalalaki mong tao ang hilig mo sa BL?"

Mahinang tinapik nito ang balikat niya. "Kasalanan mo iyon, Hanson. Bagay na bagay kasi kayo ni Henry," nakangisi nitong saad. "Tingnan niyo kasi iyong mga titigan niyo rito. Damang-damako ang pagmamahalan niyong dalawa!" Malakas ang pagsasalita ni Alfred kaya naman dinig na dinig ng lahat ang mga sinasabi nito. Dahil doon kaya't nakaramdam ng siya ng discomfort.

"Tumahimik ka nga diyan, Alfred! Andada mo rin, eh noh? Nakakahiya iyang mga pinagsasasabi mo!"

"Ay sorry na!" bulong nito.

"Patingin nga!" sabi niya at kinuha sa kamay ng kaibigan ang newspaper. Ang cover ay ang litrato nilang ni Henry sa oval na kung saan may pinakamanakakailang na posisyon—Noong nakaibabaw siya kay Henry. Nakaramdam siya ng lungkot at inalala ang mga masayaya nilang pagsasama.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa no'n. Alam niyang malulungkot lang siya kapag ipinagpatuloy niya ang pagbabasa no'n.

Isang araw, naglakas-loob siyang lapitan si Henry sa cafeteria at sabayan ito sa pagkain. Ngunit nang makita siya nitong umupo sa harap nito'y mabilis itong uminom ng tubig, na tila gusto nitong ipabatid na tapos na ito sa pagkain. Kalahati pa ang nilalaman ng tray kaya't naisip ni Hanson na umiiwas lamang ito sa kaniya.

Tumayo ito at binuhat ang kaniyang tray. Aalis na sana ito nang muli itong bumalik.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Tapos lang akong kumain, ayokong isipin mong iniiwasan kita, wala akong dahilan para gawin iyon," sabi nito at pagkatapos ay ibinalik sa kaliwa ng counter ang tray nito.

Nasaktan si Hanson sa ganoong pakikitungo nito sa kaniya. Siya naman ngayon ang literal na iniiwasan nito. 'Ganito siguro ang naramdaman mo noon noong ako ang umiiwas sa 'yo. Sobrang sakit pala.'

Kumain na lang siya at muling bumalik sa classroom. Ayaw man niyang tingnan si Henry, ito kaagad ang hinahanap ng kaniyang mga mata kaya't hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nakahiga ang ulo nito sa desk at mayroon na namang nakasalpak na earphone sa tainga nito.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon