The Heartthrob's Secret | Chapter 13

332 20 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 13: Memories From Being Late


H A N S O N

TUMATAKBO na sina Hanson at Henry sa field. Ito ang parusa sa kanila dahil sa pagiging late nila. Hindi sila puwedeng huminto dahil maya't maya ang pagsilip ng kanilang guro sa bintana kanilang classroom. Kapag nahuli nito silang nakatigil ay siguradong pauulitin nito sila sa pagtakbo.

Hingal na hingal silang dalawa ni Henry. Limang minuto na rin silang walang tigil sa pagtakbo at hindi pa sila nakakaikot ng sampung beses. Bumabagal pa ang takbo nila dahil sa pagod.

Pawis na pawis na sila. Kitang-kita ni Hanson ang bawat butil sa noo leeg ni Henry. Bukod sa pagod, nagdadagdag din ang init ng sikat ng araw na direktang tumatama sa mga balat nila sa paglabas ng kani-kanilang mga pawis sa katawan. Nakasuot sila ngayon ng puting t-shirt dahil hinubad nila ang polo nila na uniporme.

Biglang tumawa si Henry. "Ngayon ko lang mararanasan 'to as punishment," sabi nito. Umaalog pa ang boses nito dahil sa pagtakbo.

"Ngayon lang ako binigyan ng punishment sa buong buhay ko bilang estudyante. Nakakahiya tuloy. Hindi na ako marangal na estudyante ngayon," sabi niya, hingal na hingal din. Tinawanan lang siya ni Henry at ipinatong ang kamay sa balikat niya.

"Parang kasalanan ko tuloy."

"Oo, kasalanan mo. Napasarap ang tulog dahil anlambot ng kama mo."

Tumawa ito ulit. "Hayaan mo na. Maganda ring morning exercise 'to."

"Maganda nga pero mahuhuli naman tayo sa discussion."

Sa mga ganitong sitwasyon, dapat naiinis si Hanson sa sarili dahil nahuli siya sa klase. Hindi kasi siya ang tipo ng tao na madalas ma-late. Never pa siyang na-late sa school magmula nang mag-grade 7 siya. Kahit na nilalagnat ay pumapasok pa rin siya for the sake of higher grades. Ayaw na ayaw niyang may nami-miss siyang discussions dahil pakiramdam niya'y babagsak siya sa buong semester or grading period. Pero sa pagkakataong 'to, hindi niya magawang mainis dahil kasama naman niya si Henry at gumagawa ng masasayang alaala.

Nang makasampung ikot sa field ay kusang napahiga ang katawan ni Hanson sa madamong lupa. Humiga rin si Henry. Pareho silang hingal na hingal. May kasamang magaan na tawa ang kay Henry.

Pareho silang nakatingin sa asul na asul na langit na walang kahit na anong kaulapan. "Alam mo hindi na rin gano'n kasama na na-late tayo. At least, nabuo natin iyong mga ganitong klaseng alaala," sabi niya habang nakangiti.

"Totoo. Kahit papaano nag-enjoy ako. Ilang taon mula ngayon, kapag matanda na tayo, babalikbalikan natin iyong mga masasayang alaala natin noong kabataan, which is ang kasalukuyan natin ngayon," sabi naman nito.

Napatingin siya rito na noo'y napatingin din sa kaniya. Dahil nakangisi ito kaya't napangisi na rin siya. Nang mga sandaling iyon, tumibok na namang muli ang puso niya para sa kaibigan. Napakaguwapo nito sa paningin niya lalo na kapag ito'y nakangiti.

"Totoo. Masayang balikbalikan iyong mga ganitong pagkakataon," sabi niya.

"Gusto mong magpa-late ulit?"

Halos magsalubong ang mga kilay ni Hanson. "Saka na, next three months na!"

Tumawa naman si Henry.

Mayamaya'y may lumapit sa kanilang dalawang babae na may dala-dalang camera. Pinikturan nila silang dalawa habang nasa ganoong posisyon. Napaupo sila ni Henry mula sa pagkakahiga at napatingin sa kanila.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon