The Heartthrob's Secret|Chapter 10

369 22 1
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 10: Laundry Day



ALAS-SIYETE na ng umaga siya nakabalik sa apartment unit. Natutulog pa rin sina Alfred at Henry. Bumili naman siya ng pandesal sa bakery na nasa likod ng apartment building at nagluto ng Pancit Canton, na kinuha niya sa drawer na nasa taas ng sink. Sandamakmak ang mga noodles at delata na nakaimbak doon.

Gusto sana niyang gisingin ang mga kasama niya pero nagdadalawang-isip siya. Bilang isa ring teenager, alam niya ang struggle ng pagtulog ng maaga at ng paggising din ng maaga.

Pagkatapos niyang mag-agahan ay nagtungo siya sa sofa at doon siya nag-review. Sinulit na niya ang pagkakataon habang natutulog pa ang dalawang kasama.

Una niyang ni-review ang Math. Sinagutan niya rin ang ilang exercises na nasa libro at tiningnan ang sagot sa pinakalikod ng libro. Thanks God dahil tama ang lahat ng sagot niya.

Alas-nuwebe nang magising si Alfred. Inalmusal nito ang inihain niya sa kanila ni Henry. At pagkatapos no'n ay umalis na ito. Hindi na nito hinintay pa si Henry na magising dahil may vacation pa raw silang buong pamilya sa Cavite at alas-onse daw ng umaga ang alis nila.

Samantala, natutulog pa rin si Henry sa kama. 'Ganito siguro siya gumising sa tuwing weekend.' Hindi na niya ito inalala pa at itinuon na lang muli ang atensyon sa binabasang libro.

"SATURDAY ngayon! Ang ibig sabihin, laba day!" sabi ni Henry matapos nilang mananghalian. Hinihimas-himas pa nito ang tiyan nitong umumbok dahil sa dami ng nakain.

"Maglalaba ka ngayon?" pag-uulit niya. "Saan?"

"Sa loob ng cr, malawak naman iyon, eh. Ikaw? Baka may gusto kang ipalaba?"

"Wala naman. Naglaba kasi si Mama noong isang araw."

"Okay, kahit iyong uniporme mo na lang na sinuot mo kahapon para hindi ka na maglaba."

"Ayos lang sa 'yo?"

"Ayos na ayos lang! Dalawang linggo na nga akong hindi nakakapag-laba, eh."

Nagulat siya. "Dalawang linggo? Eh di andami mo palang labahin?"

"Oo naman. Ayun!" sabi nito sabay turo sa dalawang basket na punong-puno ng mga labahin. Umawang na lang ang bibig niya dahil sa gulat. Pang-nanay na ang gano'ng karaming labahin.

"Andami naman niyan. Baka gusto mong ipa-laundry na lang ang ganiyang karaming damit?"

"Ipa-laundry?" Nag-isip ito. "Puwede, pero hindi ko pa nasusubukan iyon. Paano ba iyon?"

"KAILAN po namin siya puwedeng kunin?" tanong ni Hanson sa babaeng nasa counter.

"Next two days po."

"Ah, okay," sagot naman nito at lumabas na sila ni Henry sa laundry shop. "Babalikan na lang natin 'to."

"Whoah! Gano'n lang pala iyon kasimple?" Hindi ito makapaniwala. Napaka-ignorante nito. "Andami ko ng natututunan sa 'yo, Kuya!"

"Aish, itigil mo na sabi ang pagsasabi niyang 'Kuya' na iyan, eh."

"Ang usapan, usapan."

"Aish..." sabi na lang niya. Hindi na siya nakapalag pa. May punto naman ang sinabi nito.

Bumalik na sila ng apartment unit at parehong nakaupo sa sofa habang nagre-review. Umupo sa tabi niya si Henry hawak-hawak ang notebook nito. Inilapit nito ang sarili sa kaniya dahil mayroon itong gustong ipakita sa kaniya.

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon