The Heartthrob's Secret | Chapter 16

282 19 0
                                    

The Heartthrob's Secret | Chapter 16: Dancing with Robert


H A N S O N

GINANAP ang birthday party sa isang hotel. As expected, enggrande kung maka-celebrate ng birthday ang pamilya nina Danica.

Makikita sa kaliwa't kanan, likod at harap ang mga bisitang nakasuot ng mga magagarbong kasuoton. Karamihan sa mga lalaki ay naka-tuxedo. Ang iba naman ay naka-long sleeve polo lang. May mga naka-traditional clothes pero bilang na bilang lang sa daliri.

Nakapuwesto ang maraming pabilog na mesa sa gilid. May malawak na espasyo naman sa gitna na ay siyang gagpagdadausan ng sayawan.

"Uy, Henry, Hanson!" tawag ng pamilyar na boses. Si Alfred iyon. Nakasuot ito ng green long sleeve polo na may jumper na bumabagay naman sa kaniya. Nakasuot din ito ng salamin sa mata. Nakaupo ito sa isang table set na may anim na silya. Kasama nito roon si Alexa na nakasuot ng pink dress. Nakangiti sa kanila si Henry at kumaway. Nilapitan nila ito. Umupo si Hanson sa tabi ni Alfred at umupo naman sa tabi niya si Henry.

"Angguwapo mo talaga, Hanson!" papuri ni Alfred.

"I-skip na natin ang compliment part na iyan."

"Tayo lang ba ang inimbitahan ni Danica sa klase?" Si Henry.

"Hindi. Inimbitahan din niya sina Ayumi at Eddy." Si Alexa naman.

Kita nina Hanson at Henry ang tuwa sa mukha ni Alfred nang marinig nito ang pangalan ni Ayumi na kaagad ding nawala nang marinig ang pangalan ni Eddy.

"Talaga? Tayo lang?" Si Henry.

"Tayo lang yata. Alam mo naman iyong si Nica, napakamapili ng iniimbita. Buti nga naging kaibigan ko ang babaeng iyon dahil kung hindi, baka never akong makakadalo sa mga ganitong kagarbong event." Si Alexa. "Oo nga pala, Hanson, totoo bang sinagot mo na siya?"

Nagulat sina Alfred at Henry. May pangunguwestiyon sa mga mata nila siyang tiningnan.

"Ano? Totoo ba iyon? Wala ka man lang pasabi?" Si Henry.

Nagdalawang-isip si Hanson na sabihin ang tungkol doon. Tingin niya'y mas maganda na rin kung pati sa mga kaibigan niya ay magpanggap na rin siya para naman mas kapanipaniwala ang pagpapanggap nila.

Naiilang siyang tumango na labis nilang ikinagulat. "Kayo na pala hindi mo man lang sinabi?" pagtatampo ni Henry.

"Hindi niyo naman tinatanong, eh."

"Kapag magkakaibigan, hindi na kailangang itanong. Kusa mo na iyong sasabihin. Ito naman parang ngayon ka lang nagkaron ng kaibigan," sabi ni Alfred.

"Oh ngayon, alam niyo na."

"Ah... ang suwerte naman ni Danica sa 'yo, Hanson," kinikilig na sabi ni Alexa habang namumula ang pisngi. Then tumingin kay Henry. "Henry, baka gusto mo akong i-try?"

"Hindi siya puwede!" mabilis niyang saad. Medyo mataas ang tono niya kaya't gulat siyang tiningnan ng mga kaklase. Nagtataka.

"Ah... okay..." sabi ni Alexa.

Nagklaro siya ng lalamunan at ibinaba ang tingin. Nahihiya siya dahil sa pago-over react niya. "Ma-may Marie na kasi siya."

"Huh? Si Marie?" Si Alexa.

"Oo, Alexa. Nakuha lang naman niya ang loob ng isang Marie," pagmamayabang ni Alfred.

"Whoah! Hanep ka, Henry. Makikita mo iyon dito mamaya dahil siguradong invited iyon."

The Heartthrob's Secret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon