The Heartthrob's Secret | Chapter 23: Behind of Lies
H E N R Y
PE nila ngayon. Nasa locker room ang lahat ng lalaki ng seksyon nila at nagpapalit ng damit. Magkatabi naman ang locker nina Henry at Hanson. Kung hindi pa kakausapin ni Henry ang kaibigan ay hindi siya nito kakausapin.
"Hanson, may dala kang tubig?" tanong niya.
Kinuha ni Hanson ang baunan nito ng tubig na nasa dulo ng locker room, at inabot sa kaniya ng walang kahit na anong sinasabi.
Ininuman niya ito at muling ibinalik kay Hanson.
"Salamat," nakangiti niyang saad dito.
Ngumiti rin ito ngunit hindi ito nagsalita.
"Kailan ka pupunta sa apartment ko? Yayayain ko sana kayo ni Alfred na matulog do'n ulit."
"Pasensya na pero ayaw na akong payagan ni Mama, eh. Iniisip niyang pumupunta ako sa bahay ng girlfriend ko."
Hindi alam ni Henry kung nagsasabi ito ng totoo sa pagkakataong 'to.
"Ako na lang ang makikitulog sa 'yo!"
Tumigil si Hanson sa paggalaw at huminga nang malalim na tila nababanas na ito sa kaniya.
"Ikaw ang bahala," sabi nito at pagkatapos ay isinara na ang locker at lumabas na para magtungo sa oval.
Gusto siya nitong ipagtabuyan ngunit hindi nito alam kung papaano—in a way na hindi siya mao-offend. Kaya ngayon, napilitan itong sabihing bahala na siya.
Kailangan ba talagang mahirapan ni Henry nang ganito para lang muling manumbalik ang pagkakaibigan nilang dalawa? Ba't kailangan kong maging pushover nang ganito?
Nagtungo na rin siya sa field upang doon maglaro. Soccer ang laro ng mga kalalakihan at volley ball naman ang kababaihan. Unfortunately nasa magkalabang grupo sina Henry at Hanson. Ingat na ingat si Hanson na hindi magtugma ang mga tingin nila ni Henry.
Nang mapunta sa paa ni Hanson ang bola ay mabilis niay itong hinarangan. Kapag kumakanan ito ay kumakanan din siya. Kapag kumakaliwa ito ay kumakaliwa din siya.
Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari at namalayan na lang niyang nalagpasan na pala siya nito. Ito rin ang unang naka-goal dahilan para makuha ng kalabang grupo ang unang puntos. Hindi niya inasahang magaling pala ito sa sports na 'to. Dahil doon kaya't lalo siyang namangha rito.
Sa huli, ang grupo nina Hanson ang nanalo. 12-8.
Nilapitan niya si Hanson at inangat ang kamay sa harap nito upang makipag-apir. Sinalo naman nito.
"Anggaling mo pala rito."
"Hindi naman masyado," sabi nito at ngumiti. Pagkatapos ay iniwan na siya at nilapitan si Alfred. Ipinatong nito ang siko sa balikat ni Alfred at ipinagpatuloy ang paglalakad palayo sa kaniya.
Naibaba na lamang niya ang tingin.
Ilang sandali ang lumipas ay nilapitan siya ng tatlong lalaking nakabukas lahat ang mga polo ngunit may suot na itim na tshirt sa loob.
"Hoy, ikaw si Henry, 'di ba?" tanong nito na tila nanghahamon ng away.
Kabado siyang tumango at napalunok ng laway. "Bakit?"
BINABASA MO ANG
The Heartthrob's Secret (Complete)
RomanceItinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. Ang hindi alam ng lahat, si Hanson ay nakakaramdam ng pagkagusto sa kapuwa niya lalaki. Isang araw...