CRUSH, a force that motivates me to go to school.
George's POV
Abalang abala ang klase sa paggawa ng polusyon. Noise pollution, dahil daig pa ng room na 'to ang isang palengke na pinuno ng mga tindero ng sari-saring isda at gulay. Air pollution naman, dahil sa bad breath ng isa sa pinakapapansing popular wannabe naming kaklase na si Muccia, nakita ko siyang nakaupo sa professor's desk habang nakikipagtsismisan sa iba ko pang kaklase, na bukod sa concentrate na concentrate sa bawat salitang lumalabas sa matabil na dila ni Muccia, ay kanyakanya ding takip ng mga ilong nila. Sampu ang bunganga niya at kinoconsider nami 'yung tatlo as her butthole.HAHAHA!
Katatapos lang ng English subject namin, vacant period sa pagitan ng mga oras na 'to. Matapos kong mangarag sa English kanina, at maearbleed kakadinig ng English words ng prof. naming walang ibang ginawa, kundi magpaquiz ng magpaquiz sa topic na out of reach naman sa itinuro niya, inilabas ko ang textbook ko sa Trigo.
Napagpasyahan kong mag-aral inadvance, since next month na ang prelims. For sure, kulang ang one month para tuluyan kong maiproseso at maintindihan ang mga formulas na 'di ko naman magagamit sa near future para bumili ng isang salop ng bigas!
Pagbukas ko pa lamang ng first page, bumungad na sakin ang mahabang horror story. Muntik na nga akong maiyak e. Nagkanda duling duling ako sa mga numerong nakita ko at ang pinakamasaklap, sa unahan pa lang makikita mo na ang ka hindik hindik na mga salitang nabasa ko sa buong buhay ko, ang mga salitang 'SOLVE THE FF. PROBLEMS'. Nakakarelate rin kaya ang iba pang mga taong tulad ko?
"Sh*t ano ba 'to! Pano naging square root 'to? Square root ng 4 is 2, itong sabi dito e. Anak ng... anong kulam ang ginamit sa 4 para maging 2?!" Nawalan na ako ng pasensya. Hindi ko na kayang mag-isip pa, nagooverheat ang utak ko pagdating sa math! Kaya padabog kong isinara ang textbook, saka dumeretso sa CR dahil sa sobrang pressure na ibinigay ng Trigo.
Sa dulong cubicle, kung saan malinis ang toilet bowl, at walang boom boom o anumang unidentified floating object ko naisipang magCR.
"Tol, balita ko sila Rina at Jed na raw?" Mula sa pintuan ng girl's CR, narinig kong nag-uusap si Kevin at si Dino, mga kaklase ko at kaliga ni Jed. Si Jed ang MVP player ng campus at ang second crush ko. Nang marinig ko ang sinabing 'yun ni Kevin, may tila demonyong pumitik sa tenga ko. Agad akong napasandal sa pinto at dininig ng mabuti ang usapan nila.
"Oo nga e. Akalain mo 'yun! Nasikmura niya ang wirdong babaeng 'yun! HAHAHA!" Makapagsalita si manong. Hiyang hiya ako sa lawak ng butas ng ilong niya. Nga naman George, hayaan ko na nga siya. 'Yung tungkol kay Jed at Rina ang importante, hindi ako makapapayag na silang dalawa ang magkatuluyan! Kung ganun lang din naman pala ang girl preference niya, bakit hindi na lang ako?!
"Kilala mo si Jed, 'di siya babaero, sadyang mahilig lang siya sa matatalinong babae." Okay, para akong tinamaan ng flying palm face dun ah. Sabihin na nating 'di naman hamak na mas lamang ako ng isang paligo kay Rina, kaso siya naman lamang ng 4366847547348 times sa katalinuhan. Ok na sana e! Sa brains pa ako sumemplang!
Para akong tinusukan ng maraming karayom sa kili-kili at kinuhanan ng red blood cells sa dugo, nang nalaman kong taken na si 2nd crush. Para na akong sinakluban ng universe at earth. Feeling ko bukas katapusan na ng Mars.
Pero, hindi pa ako mamamatay. Hindi pa pwede!
May natitira pang tiyansa at may FOREVERLABS pa ako.
Salamat kay Rina mahadera, nabawasan ng 10% ang tiyansa kong magkalovelife!
"Humanda ka Rina." Paglabas ko ng CR, nakita kong nagtatawanan si Kevin at Dino habang nanonood ng kung ano sa isang cellphone. Unti unti ko silang nilapitan at sinilip ang pinapanuod nilang kakatuwa.
"Porn?" Gulat kong nasabi nang makita ang pinapanuod nilang dalawa. Ang manyak naman ng dalawang 'to! Kaya naman pala hindi sila makausad sa pagkakaroon ng lovelife, puro porno lang ang inaatupag!
"Hahahaha!" Tuwang tuwa nilang tugon. Wow, hanep rin ang dalawang ito. Hindi man lang sila nahiya o natakot man lang nang may nakasaksi sa kamanyakan nila. At talagang tinawanan pa nila ha? "Eto tignan mo!" Nagulantang ako nang itutok nila sakin ang cellphone, dun nahagip ng mata ko ang isang 'di kanais nais na imahe, isang babaeng hubut hubad! AAAAAAAH! Birhen pa ang mga mata 'ko! Dinungisan lang ng dalawang kumag na 'to!
"Buti pa 'yung babae 'no? May malulusog na boobs at pwet! Eh ikaw George? AHAHA!" Tuwang tuwa silang umalis sa harapan ko, at ako naman naspeechless sa sinabi nilang iyon.
"Buwiset" Nagsalubong ang dalawa kong kilay, pinilit kong walain ang mga sinabing iyon ng mga manyak kong kaklase, sinumpa ko na lang sila na sana mabaog sila at maging pang girl ang mga ari nila nang maranasan nilang magkaroon ng period everyday. Naalala kong muli ang dapat na kanina ko pang ginawa. Kaya bumalik ako sa room at naglakad sa corridor, para hanapin si Rina mahadera.
------------------------
A/n: Nabago po yung draft ng 1st chapter, at heto na po 'yun! Para po sa mga nakabasa na ng 1st draft noon, pinalitan ko po siya ng POV, since 'di ko na rin po matandaan ang mga exact words na nagamit ko noon. Nabura ko po kasi 'yung una, sorry po for the inconvenience!
Suportahan parin po sana natin ng Beki Problems!
Any typo or plot holes po will be checked after ko po matapos ang whole story!
Maraming salamat chummies!
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...