Doseskie

503 16 0
                                    

George's POV

Ang saucy ng calderetang baboy. Malaman, tapos yung favorite ko yung juicy niyang pineapple chunks, at patatas na sobrang lalambot.

Tapos kaharap ko pa 'yung lalakeng pwede ko na ring iulam at ipartner sa kanin. Dulo palang ng mga buhok niya sa paa ulam na, pano pa kaya yung mga natitira pang buhok, este parte ng katawan. Hihihi.

Hayy...

"Chummy!" Namulat ako nang tinadyakan ako ni Marga sa paa. Pangangabayo ba ang forte nito? Ang sakit ha! "Laway na laway ka na diyan kakaimagine ng calderetang baboy! or should I say, calderetang Margo!" Sarap naman nun. I mean yung huli. HIHI

"Chums, magagalit ka ba kanina kung kay Margo ako sumama?" Mas magandang offer kasi ang caldereta ni Margo kesa sa tinakal na bistek/nilaga/sarsiadong baboy o ewan ko ba kung ano 'tong inimbentong luto dito sa canteen!

"No, not really naman."

*Face palm*

"E kung ganun pala, sana kay Margo na lang ako sumama. Minsan lang naman 'yun chums, tapos... tapos, alam mo na. Gusto ko siya, chance ko na sana 'yun!" Itinusok ko ang tinidor na hawak ko sa isang slice ng karne sa plato ko. Hay! Sayang naman talaga!

"After natin magshopping, pwede kang bumawi sakanya, magdinner kayo tonight sa bahay!" Excited niyang sabi.

"Ano? E wala akong pera chums, saka na lang!" Ganyan naman muna ako parati e, HAHAHA! Alam ko rin namang ililibre niya ako, medyo painosent/paawa effect muna.

"My treat. Chummy naman! Gusto ko isuot mo 'yung mga mapapamili natin mamaya, Ok?"

Makakatanggi pa ba ako?

"Sige!"

-Mall-

"Chums aanhin ko 'tong bra na siniksikan ng isang toneladang foam??" Sheez, 'di ko carry 'to.

"That's yours. And heto din, Ayan! yipee!" Binigay niya sakin ang limang shorts, 'di lang basta pangkaraniwang shorts, isang wonder shorts na may palamang foam sa may bandang pwet. Hala! Homaygosh? Ang lalaki, kasya ko ba ang lahat ng 'to??

"Dali, bayaran mo na. Heto chums!" Iniabot niya ang kulay gold na credit card niya. "Isusuot mo 'yan sa 3pm class natin ok?" Magmumukha ba akong ano dito?

"'Di ko ata carry 'to chums." Nag-aalangan kong sagot.

"Believe me, YOU CAN!" Pinat niya 'yung shoulders ko sabay turo sa counter.

Wala nang urungan 'to.

-School-

Taas noo akong naglakad sa hallway, papunta sa 3pm class ko. Masyado kaya akong sexy para yumuko. Mag-isa kong rumarampa,umuwi saglit si Marga dahil may errands daw siya.

Lahat napapalingon. Wala na akong time para tignan pa ang mga reaksyon nila. Masyado akong busy para dun.

"Look! Si George!" Sigaw ni Kevin, ang buto buto kong classmate.

Oh my gosh, namamangha na sila sa boobs at pwet ko.

Naemphasize tuloy ang sexyness ko.

"HAHAHA! FAKE BOOBS, FAKE BOOTY! Ang pangit gurl!" Dinig kong sabi ng isang babae mula sa kabilang room.

'Hahahahaha!' Napuno ng sari-saring kantyaw at tawanan ang hallway. Narealize ko, na ako na pala ang 'talk of the hallway' at ngayon, binubully at kinukutya na naman ako.

Tinignan ko ang mga pinasuot sakin ni Marga.

"Shit!" Agad akong nagtatatakbo sa CR. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ang sabi ni Marga bagay na bagay ko raw. Ang sabi niya ang sexy ko raw. Sumang ayon pa nga ang sales lady sa mall na twin ata ni aling dionisia e!

Akala ko ba bestfriend ko siya, pero pano niya nagawa 'to? Kasabwat din dito si dionisia juniora! Marga bakit?

Tumulo na ang unang patak ng luha mula sa kaliwang mata ko.

"Is it true? HAHAHA! Buti nga sa bitch na'yun! She's so pathetic! Buti nga sakanya! Good job for making her kawawa Aika." Narinig ko ang boses na 'yun sa isang cubicle ng CR.

Boses 'yun ni Marga na tuwang tuwa dahil napahiya daw ang isang bitch sa hallway.

Sino pa bang napahiya kanina? May iba pa ba?

So, ako pala yung BITCH.

"Chummy??" Gulat na lumabas si Marga mula sa cubicle.

Nakita niya akong umiiyak. Oo nakita niya ako. At ibinabato ko sakanya ang mga tinging nakakapatay, nakakapanlibing pa nga e.

"Bakit mo nagawa sakin 'to? Akala ko ba bff tayo?! Pano mo nagawa sakin 'to Marga?!" Mangiyakngiyak kong sumbat sa naglalakihan niyang mata, at namumula niyang mukha. Hawak hawak niya ang cellphone niya, tinapat niya iyon sa dibdib.

"There was NEVER an US! Kailan man hindi kita tinuring na friend! I didn't even consider you as a human being George! 'Cause you're a BITCH!"

*SLAPS*

"'Wag mo 'kong tatawagin ulit ng ganyan Marga, mula ngayon, you're my worst enemy!" Hinagis ko sakanya ang bra at wonder shorts na binili niya, sabay walk out na ako sa CR.

Mula ngayon mag-isa na lang ako, wala na akong bestfriend. Wala na rin akong kapatid. Ang sakit lang isipin na sa ilang taon naming pagsasama, 'di niya pala talaga ako itinuring na kaibigan!

Mabagal kong nilalakbay uli ang hallway. This time, wala nang tao sa paligid. Wala na din ang inaakala kong sexyness ko. Umiiyak ako habang naaalala ko ang ginawa ni Marga.

Sana nga lang maenjoy niya 'yung remembrance kong bra at shorts na napagpawisan ko na.

I feel so alone.

"George! Wait up!" Napalingon ako, mula sa likuran ko. Parang gusto ko nang sumabog nang makita ko siya. Gusto kong ibuhos lahat ng sama ng loob ko sa kapatid niya.

"Margo..."

------------
a/n: Hi guys! Nainspire po ako magsulat ngayon. HIHI.

Kung nagustuhan niyo po 'yung chapters 4, 5 and 6, sulat po 'yun ni @Barbie-Q

Great horror stories po ang handog niya. PLUS! Promote ko din po ang

'I Love You More Than Food' na sulat din niya, isang humor love story!

Salamat po !

Suportahan niyo rin po sana ang Beki Problems! Tutal nasa kalagitnaan na po tayo! I LOVE YOU CHUMMIES!

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon