George's POV
Parang kahapon lang pantasya lang kita. Pero ngayon, parang gusto kong magcartwheel sabay head bang, sa sobrang saya.
Pagdating namin ni Margo sa malamansiyong bahay nila, agad kong naramdaman ang sobrang paninikip ng DIBDIB. Akalain mo 'yun? Nagkaroon ako ng dibdib sa mga oras na 'to! HAHAHA! May tila gumagalaw na anaconda sa tiyan ko, at mas nahirapan akong huminga dahil sa nakabarang takot at kaba. Hindi ko naman first time na makapasok sa bahay na 'to, hindi na ako bago sa malinis nitong paligid, at mamahalin nitong mga furnitures at display. Sa limang taon kong pabalik balik dito noong magbestfriends pa lamang kami ni Marga, hindi ko pa nakikilala o nakikita man lang ang mga magulang nila. At marahil 'yun ang dahilan ng kakaiba at sari sari kong emosyon ngayon.
Singhot
Labas...
HAAAAA!
Kinakabahan talaga ako sa mga pinag iisip ko! Pano na lang kung sa pag apak ko pa lang ng unang baitang ng bahay na 'to, agad na akong ipatapon ng mga magulang ni Margo dun sa planet toottoot kung saan nakatira ang iba pa nilang kamag anak na alien!? Sana naman malayo ang maging ugali nila sa mga anak nilang may santademonyo! Hindi ko pa sila kilala, sana mababait nga sila. Ang sabi sa akin ni aling Pasing na isa sa mga kaclose ko ding katulong ng pamilya Nacino, busy ang mag asawa abroad dahil sa business nila. Lumaki ang dalawa nilang anak sa kamay ng mga nanny at tutors nila, kaya naman ganun na lang sila kung maghasik ng lagim ngayong malalaki na sila.
"Ready ka na ba?" Nakangiting tumingin si Margo sa 'kin, hawak hawak niya ang kanang kamay ko. Pagkatapos, ay hinalikan niya iyon at ngumiti habang nakatitig parin sa mga mata ko.
AAAAHHHHH!
Namumula na nga ata ako sa sobrang kilig, bigla tuloy nawala yung takot ko! Parang 'yung anaconda sa tiyan ko naging butterflies na. NAGDEVOLVE? HAHAHA!
Pagbukas ng gate, nakita namin si aling Pasing. Gulat na gulat at halos kulang na lang mahimatay siya nang makita ang paghoholding hands namin ni Margo. Ay hinde, correction ang paghawak ni Margo sa kamay ko.
"Pa-pa- sok po kayo sir Margo!" Pautal utal na sabi ni aling Pasing.
"Hi gurl!" Pagbati ko. Hinintay ko siyang sumagot pero parang shock na shock talaga siya. "Gurl?" Kinaway kaway ko ang kamay ko sa tapat ng mukha niya pero parang nanigas na siya! "Oh well," Pumasok na kami ni Margo sa loob pero si gurl, este si aling Pasing ay naposte na sa tabi ng gate.
Nako nag aalala na ako, baka nastroke na 'yun o ewan tapos ako pa ata ang dahilan.
"Magiging okay din 'yan mamaya babe, tara na hinihintay na tayo nila mommy at daddy." Tugon ni Margo, sabay akbay sa AKIN.
Tinawag niya akong babe.
TINAWAG NIYA AKONG BABE.
BABE.
BABE HINIHINTAY NA TAYO NI MOMMY AT DADDY
BABE...
BABE!!
As in BABE-oy. Teka! parang nakakahalata na ako ha! Papayag na lang ba akong maging easy to get ngayon? Aba! Lola ko ata si Maria Clara!
"'Wag mo nga akong tawaging Babe!" Padabog kong utos kay Margo. Huminto ako sa paglalakad, kaya napahinto rin siya. Walang emosyon sa mukha niya sa mga oras na 'yun "At hindi mo rin ako girlfriend!" Inalis ko ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. Gulat niya akong tinignan at ang pagkagulat na 'yun ay parang may bahid na pagkainis. "Hindi ko ba alam kung bakit sinusunod ko 'tong mga kalokohan mo e! Oo Margo mahal kita! Pero galangin mo naman ako! Idinadaan mo ako sa santong paspasan e! Palibhasa para sa 'yo puro laro lang ang lahat!" Bigla ko na lang nasabi ang lahat ng 'yun, ewan ko ba. Para akong bipolar. Kanina kinikilig lang ako, tapos ngayon galit na galit na ako sakanya. siguro kasi dumating na sa puntong, 'di ko na rin masakyan ang mga trip niya. Nababahiran na ng maduming putik ang dignidad ko. Bakit ba kasi siya ganito?! Bakit, Diyos ba siya?!
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...