"Alam mo ba, ganyan lang naman talaga. Pagsubok lang 'yan. 'Di naman ibig sabihin kapag nalagpasan mo 'yan kaagad, magaling ka na e. Ang importante, natuto ka sa mga lessons ng buhay." Humugot siya ng isang fries mula sa tray ko.
Akalain mong matured din pala mag-isip 'to? Nandito na kami sa Mcdo, umorder lang ako ng paborito kong shake shake fries, tapos siya naman, two piece chicken at coke float. Sa dulong table kung saan pang dalawahan lang ang mesa at direktang nakailaw ang tila spotlight na incandescent bulb, doon ay para kaming lovers na nagdedate. ^____^
Hindi ko kayang ilabas ang kilig ko! Sh*t! pero kung alam niyo lang, Deep inside, deep, deep, down there in the bottom of my heart, oh my sioma, siopao,lomi at mami. Ang sinisigaw ng puso ko, I LOVE YOU MARGO. I LOVE YOU!
"Makapagsalita ka parang nararanasan mo yung nararanasan ko ah?" Sinimulan ko nang sumubo sa inorder kong shake shake fries. "Eh 'di ba laking mayaman ka nga, at HELLO? for sure lahat ng luho mo at pati na rin ang layaw mo nasusunod. Ikumpra mo nga ang estado ko sa estado ng prominente mong pamilya? O 'di ba? Kaya madali lang para sayo na sabihin yang mga 'yan, kasi 'di ka naman namin kauri e." Ang hard ko ha, pero ayos lang 'yan, para humaba ang usapan at para naman maitago ang kilig ko. Jusko, puso ko, wag masyadong malakas please.
"Hahahahaha! Alam mo, ang cute mo!" Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang cheese sa gilid ng labi ko. Ang kalat ko naman kumain! George naman! Pero ano nga ulet? CUTE daw? CUTE daw ako. CUTE?!
"EXCUSE ME? Cute?! Ginagamit lang 'yan for animals! At hindi ako animals 'no!" Suus, si George kunwari galit galitan pero yung totoo, kiligkiligan! Jusmiyo makainom na nga lang ng tubig!
"Oh sorry, naoffend ba kita? I mean, ang ganda mo George."
*insert water spit here*
Ano bang pinagsasabi ng lalakeng 'to? Kanina lang sabi niya 'di niya ako papatulan tapos sasabihan niya ako ngayon na maganda ako? Ang gulo ha! *insert landi moves here*
"Hoy may alak ba 'yang Coke float mo? O baka nilagyan mo ng shabu yang chicken mo? Aminin mo nga! Pusher ka 'no!" Ang gulo niya e. Ginugulo niya yung isip ko. Alam ko na 'to e, ito yung mga karaniwang eksena na nababasa ko sa wattpad. Yung larong assum-assuman. Ang unang mag-aassume, 'yun yung unang masasaktan. Hinde, 'di niya ako pwedeng paglaruan. Aba porke ba crush ko siya/mahal na nga e! tapos gagawin niya sakin 'to? Hindi pwede.
"Papaano kung sabihin ko sayong, matagal na kitang gusto? Sabi ng kapatid ko, gusto mo rin naman ako, so ano? Tayo na?" Kung ganun alam niya na, sabing secret lang! Bakit naman sinabi ni Margarette? True friend ko ba talaga siya? Mali, mali tong sinasabi ni Margo. Hindi! 'di 'to pwede.
"Para sa kaalaman mo Mr. Margo Nacino, hindi ako easy to get! 'Di ako tulad ng iba mong mga babae na nakakaladkad mo na lang kung saan-saan, napapapayag mo kahit kelan at nauuto mo ng agaran. Matino akong babae, at kung sa tingin mo papayag akong ganun ganun na lang, dahil lang sa gusto kita, SORRY pipiliin ko na lang maging single FOREVER!"
Mula sa pinto ng fastfood chain na iyon, ay iniwan kong mag-isa si Margo.
Walang pagpipigil na naganap.
Dahil hinayaan niya lang ako.
"Nakakainis" Huling salitang nabanggit ko.
------
a/n: Medyo malapit na tayo sa mga intense revelations guys! Medyo matatagalan din ang paguUD ko soon, 'di pwedeng pabayaan si studies e!
Love you guys! continue to read lang. Help me promote!
Thank you!!
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...