George's POV
Ang gabing pinaka hindi ko makakalimutan, ay ang gabing naging kami na talaga ni Margo.
Ito rin yung parehong feeling kapag officially enrolled ka na! HAHAHA!
Oo, 'yung with matching romantic effects pa at proposal. Kinikilig ako ng todo, grabe may aftershock pa ako sa mga nangyari kanina! At heto, pauwi na kami. Magkahawak kamay habang nagdradrive siya.
PSH. Ang sweet namin! Kulang na lang magtatatambling ako sa tuwa nang isuot niya sa akin ang necklace na tanda ng pag-ibig niya.
"Babe, ang ganda nitong necklace na bigay mo. Magkano 'to kapag sinangla? HAHAHA" Nilingon ko siya habang hawak hawak ang necklace na bigay niya. Ang ganda kasi ng diyamante na nakalagay sa puso, parang totoong totoo.
"Pinili ko talaga 'yung kasing ganda mo babe." Ngumiti siyang sumulyap sa akin, hinalikan niya ang kamay ko at ibinaling muli ang tingin sa direksyon ng kalsada.
Malapit lapit na rin kami sa bahay nila Margo, nang makita namin ang kotse ni Marga. Nakaparada iyon sa tapat ng bahay nila, at malamang nakauwi na siya mula sa pagiging grounded niya, na siyang nabanggit ni daddy Bob kanina.
"Nandito na siya, parang ayoko nang bumaba Margo." Takot akong napakapit kay Margo nang naihinto niya na ang sasakyan. Ayoko kasing harapin ang babaeng 'yun. Baka kung ano pa ang magawa ko sakanya, at makalimutan kong pamamahay nila iyon.
"Don't worry, nandito lang ako." Pagpapakalma sa akin ni Margo. Nang makalabas siya sa kotse, ay pinagbuksan niya ako ng pinto, inilahad niya ang palad niya at inalalayan akong makalabas. Magkahawak kamay pa rin kaming nagdoor bell para pagbuksan kami.
Isang katulong ang nagbukas ng gate, saka kami pumasok ni Margo. Sa bungad pa lamang ng main door ng bahay, mas tumindi pa ang panginginig ko dahil sa halo halong emosyon at takot sa maaaring mangyari sa kahit ano mang oras ngayon.
Iniisip kong, kung magkikita kaming muli, malaki ang posibilidad na may mangyayaring masamang eksena.
Tinungo namin ang sala ng bahay, at doon nadatnan naming ni Margo ang buong pamiya. Si mommy, daddy, at si mama. Busy silang nagkwekwentuhan. Hindi nila kami napansin kaya mas lumapit pa kami sakanila.
"Marga's car is outside, is she here dad?" Pagkalingon ni Daddy Bob, ay gulat siyang tumingin sa amin ni Margo. Gayun din si mama, ngunit si mommy ay tuwang tuwa sa nasaksihang sweetnes namin ni Margo.
Si daddy at mama naman, excited na nga kaming sabihin ang goodnews eh! HIHIHI
"You missed me big bro?" Napalingon ang lahat nang pumasok mula sa main door si Marga, kasama si Marloui.
Pero pano sila nagkakilala? Takang taka kong tinitigan si Marloui na halos mapiga na ni Marga sa sobrang kapit nito.
Tinitigan ako ni Marga, itinaas niya ang kilay niya at mas hinigpitan pa ang kapit kay Marloui. Tss, may linta ability rin pala ang ex bestfrend ko. Ngayon ko lang natuklasan, sa sobrang pagpapanggap niya, halos naninibago na ako sa mga ipinapakita niya.
Si Marloui naman, walang pinapakitang emosyon habang nakatingin sa aming lahat.
"Dad, mom, meet my boyfriend, Marloui." Confident na sabi ni Marga.
Lumapit siya sa kinauupuan ng nakakunot noong sila mommy at daddy. Tinignan niya akong muli at binigyan ng isang malditang tingin.
"He's not your boyfriend!" Pasigaw na sabi ni daddy kay Marga. Dahil doon ay agad namang dumipensa si Marga.
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...