George's POV
"Hi! I'm George Nacino. Nice to meet you!" Saka ako nahimatay at isinugod sa hospital.
JOKE.
Mukhang okay naman dito sa Canada, malayo sa sinasabi nilang may discrimination.
Pero 'yun ang sa pagkakaalam ko. Sa Pilipinas kasi, kapag nakatalikod ako marami silang sinasabi. Dito naman, nakatalikod man o nakaharap wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.
Yes lang ng yes, yah lang ng yah. Sarap nga nila pagmumurahin dito e. HAHAHA.
"Please be seated George." Utos ng prof. namin.
Umupo naman ako sa tabi ng isang babaeng mukhang masungit. Nasa dulo ako, kaya siya lang at ang bintana ang katabi ko, bukod sa nasa likuran ko.
No choice na kasi ako, ito na lang ang nag iisang seat.
Dahil gusto kong magkaroon agad ng kaibigan, naglakas ako ng loob na kausapin siya. Medyo kinakabahan nga lang ako dahil sa itsura niya. I mean, maganda siya pero mukhang masungit e.
"Hi I'm George!" Inabot ko ang kamay ko sakanya, abot langit rin ang ngiti ko. Sana lang pansinin niya ako.
"You said that a thousand times already." Sarkastiko niyang sagot. Aba, at hindi pa lumilingon o!
"Sunget, kala mo naman... Ts!" Binulong ko na lang ang sama ng loob ko sakanya.PSH! Mahirap bang magsabi rin ng 'HI'?? Ang hirap nga siguro para sa tulad niyang alien!
"Hindi ako masungit, ayoko lang makipag usap sa mga tanga."
Nagsasalita siya ng Filipino?! Ibig sabihin... pe-pero wala naman sa itsura niya ah!
Nanlaki naman ang mga mata ko, galit at gulat ang naramdaman ko sa babaeng 'to.
"Hindi ako tanga!" Sabat ko naman, hindi ko ata matatanggap na sabihan ng tanga!
Kulang lang sa aral ok pa! Pero tanga? TSS! NEVER!
"Miss George, miss Glenda? Is there any problem?" Biglang sita ng prof. namin.
"Nating ma'am!" Sagot ko naman. Ofsourse, diligent student e! At big words na rin ang dapat kong pag-aralan mula ngayon! HAHAHA!
"Nothing." With accent pang sagot ni... Glenda?
Glenda ang pangalan niya,bagay na bagay sa kanya. Bukod kasi sa sobrang sungit niya, matalino, at may itsura, Glenda rin ang pangalan ng kabayo ni Manong Goryo.
HA-HA-HA!
Natapos nga ang almost four hours straight na lecture at lecture. Ibang iba pala talaga ang standard nila dito ng edukasyon. Sa pilipinas kasi, bihirang may nagklaklase. Hindi dahil absent ang mga student, kundi mga prof. mismo ang absent.
Kumuha ako ng Business Administration course dito. Para after ko raw makagraduate sabi ni papa, ako raw ang maghahandle ng business namin.
"Hoy tanga, tara lunch." Biglang sulpot naman 'tong si Glenda, parang kabuteng amerikana.
"Hindi ako tanga, pwede bang tigilan mo na ako. Inaano ba kita?" Sagot ko at saka dumungaw ulit sa bintana.
"Naiirita ako sa katangahan mo." Hinigit niya ako sa braso saka kinaladkad palabas ng room."Bitiwan mo 'ko!" Pagpipigil ko, pero sa sobrang lakas niya nakaladkad niya parin ako papunta sa isang room.
Pagpasok namin sa loob, may mga grupo ng kababaihan kaming nadatnan.
"Hi Glenda!" Sabay sabay na pagbati ng mga babaeng mukhang mga amerikana kay Glenda.
"May bago akong recruit." Pinaupo niya ako sa isang table saka ako pinalibutan ng mga kababaihan, Mga nasa twenty sila... kung di ako nagkakamali.
"Anong gagawin niyo sa akin?!" Naguguluhan kong tanong. Shet, sorority ata 'tong napasukan ko! Pano kung isalvage ako ng mga 'to?! Jusko, 'wag naman po.
"Itratransform ka namin." Nakangising sabi ng isang blonde sa likuran ko.
"Mula sa katangahan, hanggang sa katalinuhan." Bulong ng babae sa kaliwa kong tenga.
Ieeee.
"Mula sa no shape, to coca-cola shape." Matinis na sabi ng isang haliparot sa harapan. Kung makadamit naman kasi, parang kinapos siya sa budget pantakip ng boobs at pwet! Samantalang ako, wala nang matakpan!
"Kita mo 'to?" May kung sino mula sa likuran ko ang nagpakita ng mga litrato ng mga babaeng mukhang baluga.
"Kami 'yaaaan!" Sigaw ulit ng haliparot.
Weh? 'Di nga?! Ang gaganda nila ngayon! Mas maganda pa nga si Vice ganda sa before look nila. Paanong nangyari 'yun?!
"It will only take a few years to transform you in this kind of sexy body, and an intelligent mind." Napalingon ako sa kanan kung saan nakatayo si Glenda sa sulok ng silid.
Ibig sabihin ba nito, babaguhin nila ako??
For Good?!
"May bayad ba 'to?! Kung meron man, pag iisipan ko muna!" Malay mo may qualateral pa, mahirap na.
"No, not at all George, this sorority will just help you to take revenge among those who oppressed you. Ipinatayo ang sorority na 'to para sa mga babaeng katulad mo. At oo, noon katulad mo rin kami. Kaya kami naghangad na magbago dahil gusto naming makapaghiganti. 'Yun lang George, ang magiging sapat na kabayaran. " Palakpakan si haliparot! Ganda ng accent niya, at deep words pre, DEEP WORDS.
"Baka naman ginugood time niyo lang ako niyan ha.""At bakit ka naman namin gugudtaymin? Sa ganda naming 'to?" Sabat ng isang babaeng singkit, maganda nga siya.
"Pano ko masisiguradong magiging maayos parin ako pagkatapos niyong gawin 'to?" Tanong ko.
"Pagkatapos nito, kamukha mo na 'ko kaya maaayos ka namin." Nakapamewang na sagot ni Glenda.
Gusto ko nga ang itsura ni Glenda, ang hubog ng katawan niya, ang buhok, at ang postura niya.
Magdadalawang isip pa ba ako?
There's no harm in trying. CHOS.
"OK!" Excited ko namang sagot.
Mukhang safe naman ako sa kamay ng mga bago kong sisters. Isa pa, gusto ko rin ang goal ng sorority nila, este namin. Hindi nga sila nagkamali ng pagpili, ako nga ang dapat nilang tulungan.
Sabi nga nila 'di ba? Take the risk, or the risk might take you.
May ganun ba? HAHAHA!
Nakakapush talagang mag english kapag nakatira ka rito 'no? Mehe...
Sa dalawang taon kong pamamalagi pa rito,
talaga nga bang magbabago ako? O joke lang ang lahat ng 'to?
Maging ako, hindi ko rin alam.
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...