GEORGE'S POV
5:23am palang pala ang aga ko nagising ah. Sabagay, tutulungan ko nalang si mama mag handa ng almusal para kahit papaano naman ay walang masabi ang papa ko. -_-
Ang hirap kasi sa tatay ko parang sa akin niya binubuntong lahat ng galit niya. Ano bang kasalanan ko kung mahina talaga ang kokote ko lalo na pagdating sa MATH. Siya nga 'tong may kasalanan e, yung GENES niya kasi, (Naalala ko tuloy yung "Genes" na binabanggit ni Rina. Akalain mo yun, 'di pala "jeans".Hahaha hay nako George.) Atleast may talent ako, at yun ay ang pagkanta. Mala anghel kaya ang voice ko ang dami ngang nasasabi eh! (Buhat tayo bangko, Tara!) ^_^
Erase. Erase. Balik tayo sa reality nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng itlog. Specialty ko ang itlong topped with mini hotdogs, tiyak wala nang masasabi si tatay. Hay, kung pwede lang sana siyang palitan eh, ginawa ko na noon pa. Pero siyempre kahit ganoon siya mahal ko pa din 'yun 'no.
"Ma san yung bacon para mailuto ko na" Wow, bacon sosyal 'no?
"Doon sa may container sa ref. yung kulay yellow, yung isa ha, yung pahaba" Si mama.
"Okay po" buti pa ang mama ko ramdam kong mahal niya ako kahit minsan medyo bipolar siya at laging malayo ang malalim ang iniisip. 'Di ko ba alam, baka pinagsisisihan niyang pinakasalan si tatay kaya siya ganun. Joke lang, pero sa totoo lang, naaawa na ako kay mama e.
Habang nasa hapag kainan,
"Oh anak kamusta sa school? Ang grades mo? Sana mapataas mo naman kahit kaunti" Hayy si mama talaga 'di na nasanay."Buti kung may pagbabago kahit kaunti, nako! magpapapiyesta ako kapag naka 80 yan! Dahil panigurado constant na palakol na naman ang grades niyan." Panisi ni papa habang nagbabasa ng diyaryo. Ang cold niya talaga sa akin kahit kailan, tsk. Parang 'di na ako nasanay.
"Ma, pa may lakad po kami ng mga kaklase ko mamaya medyo gagabihin po ako sa pag-uwi." Paalam ko, habang hinihiwa ang bacon.
"Basta mag-iingat ka lagi anak ha, alam mo naman ang panahon ngayon. Ano bang gagawin niyo at gagabihin ka ng uwi?" Nako lagot, isip George, isip na ng palusot dali!
"Gagabihin? Napapadalas na ata yan. Parang di pag-aaral ang ina-atupag mo ah?" Si papa sabay subo. Ayan na naman siya. Pa naman, pwedeng kahit minsan lang suportahan mo naman ako. -_-
"Yung research paper po kasi namin malapit na ang deadline kaya nirarush na." Pagsisinungaling ko dahil ang totoo, sasali ako sa audition ng isang club for singers.
"Oh sige dadagdagan ko nalang ang baon mo anak para may pangkain ka." Ang bait talaga nitong si mama. Buti na lang meron siya.
"Siguradugin mo lang na para sa pag-aaral mo talaga yang pinagkaka-abalahan mo." Ang kaso, ganito naman ang papa ko. Lagi namang ganyan yan eh, parang 'di niya ako anak minsan nga napapa-isip ako. Buti pa yung bata sa kapitbahay nalalambing niya. Ako? wala e.
Hi chummie! kamusta? Sasali ka pa ba sa audition mamaya? Habang nagpapalit ako para pumasok sa school, hayan at tumawag ang bestfriend kong si Marga.
"Oo naman!" Masaya kong sagot, na parang walang iniindamg sakit. Pero deep inside, nababagabag ako.
Mabuti naman kung ganun, for sure namang makukuha ka sa galing mong 'yan. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko. Ganyan na siya kabait saakin. Para ko na nga siyang kapatid e. How I wish, sana nga kapatid ko na lang siya. Oo nga pala buti pinayagan ka chums? 'di ba gabi na ata matatapos yung audition?
"Nag-sinungaling ako kay mama. Ang sabi ko gagawin natin yung research paper." Sana mapatawad ako ni mama. At siyempre ni Lord sa pagsisinungaling ko. -_-
Nako chummy! pano pag nahuli ka lagot ka niyan lalo na sa tatay mo!
"I can handle myself naman, sanay na ako sa mga pangaral nun. Ngayon pa, gagawin ko na ang matagal ko nang pinapangarap. Ang maipakita sa buong mundo ang talento ko." Pero sa totoo lang, kinakabahan ako sa audition at lalo na sa tatay ko. Dahil sa oras na nahuli ako, lagot talaga ako pag nagkataon.
"Project pala ha?" Nanlaki ang mga mata ko, nabitiwan ko ang cellphone ko at nanlamig ang pawis ko. Dahil mula sa pinto ay bumungad si papa. Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam ang gagawin ko, para na akong nadikit sa kinatatayuan ko.
"Pa..." Hingang malalim George, jusko tulungan niyo 'ko.
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...