Fiveskie

874 28 1
                                    

"Sagutin mo ako! kinakausap kita!" Ayan na naman siya, nagliliyab na siya sa galit at mula doon ay hinigit niya ang braso ko. Gusto ko nang sumigaw sa sakit! First time niya itong ginawa sa akin. Nasaan na ba si mama? Siguradong 'di nya haayaan ang ginagawang ito sakin ni papa. Gusto kong isigaw ang pangalan ni mama pero 'di ko kaya dahil sa sakit ng paghigit niya sa braso ko. Papa, pano mo nagagawa 'to sakin? Wala na bang natitirang pagmamahal sa puso mo? Yung para saakin? Sa tingin ko, sapat na dahilan na 'tong ginagawa mo sakin para masabi kong WALA NA.

"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo pa, bitiwan niyo na po ako nasasaktan po ako!" Pag-pupumiglas ko. Nasaan na ba kasi si mama? Mangiya-ngiyak kong inilibot ang aking paningin pero di ko pa din mahagilap si mama. Mama, tulong!

"Sinungaling ka talagang bata ka!" Sa pagkakatanggal ng kamay niya sa mga braso ko, 'di ko naman nakayang iwasan ang napakalakas na sampal na nagmula sa malapad niyang kamay. Ramdam ko ang sakit sa pisngi ko at nag-iinit ang parteng iyon.

"Pa..'di....ko..po ta..laga alam.. ang sinasabi.. mo- huhuhu.." Dumadaloy na ang luha ko, at dumaan na sa puntong 'di ko na kayang magsalita ng tuwid, pero mas 'di ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.


"Sinungaling ka talaga! Pareho kayo ng nanay mo! Letcheng buhay to! Ang tagal ko nang nagtitimpi ipapa-ako ka ba naman sa akin kahit 'di naman kita anak! At heto! imbes na pakinabangan ka, sakit ka pa sa ulo!" Sabay sabunot sa akin at muli, isang malutong na sampal ang natanggap ng aking mukha. Pero hindi ko na pinansina ang iniinda kong sakit. Ang mga narinig ko tungkol sa pagkatao ko totoo ba 'yon? ewan ko pero bakit ganoon? masakit na masaya sa pakiramdam. Siguro masakit kasi buong pagkatao ko kasinungalian lang lahat. Nabuhay ako sa kasinungalingan. Pero masarap kasi alam kong 'di ko tatay ang hudas na ito!

Dahil na rin sa lakas ng iyak ko, at boses ng papa ko, ay hinde! hindi ko nga pala siya tatay siya lang ang asawa ng mama ko.

Dumating si mama, nagulat siya sa nasaksihan niya, kaya bigla nalang niyang sinugod ang asawa niya at pilit akong inaagaw sa pagkakasabunot ng demonyong lalakeng ito. Umiiyak na si mama nang huli ko syang makita  at dun na nga nanlabo ang lahat. Bigla na lang akong nawalan ng malay.

------------

Nagising ako, nasa loob ako ng aking kwarto at nakahiga sa gilid ng kama, malapit sa bintana. Nasisinagan ang kaliwa kong braso, nararamdaman ko ang init ng sinag ng araw, Pero 'di ko kayang buksan ng tuluyan ang aking mga mata. Masakit din ang buo kong katawan, halos napunit na ang aking anit, marahan kong hinawakan ang ulo ko, at oo may ulo pa ako. Gusto na namang lumuha nang mga mata ko nang nanumbalik sakin ang mga nangyari kahapon.

Ang lahat lahat ng kasamaang ginawa sa akin ng Boyet na 'yun. Hudas siya! 'di pala siya ang tatay ko, kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko sa kanya at ang sama ng pakikitungo niya sa akin. Letche! bakit naman kasi nag sinungaling si mama sa akin, Kasinungalingan! Lahat nang 'to ay kasinungalingan.

"Anak" Malumanay akong tinawag ni mama, mula sa pinto ng kwarto ko, dahan daham niyang idinala ang isang tray ng breakfast. Kahit papaano, ay napangiti ako ni mama

"George anak, sorry ha, sana mapatawad mo si mama." nilapag niya ang tray sa room table ko saka niya hinawakan ang mga kamay ko, malambot ang mga ito, at para nito akong pinapakalama.

"Ma," 'yun lang ang salitang nabanggit ko dahil bigla na lamang akong napaluha at napayakap sa kanya. Umiiyak na din si mama, ayokong nakikita siya ng ganito.


"Anak sorry ah, so..rry tala..ga huhuhuhu-" Mama taha na, mas nahihirapan din ako e, 'wag ka nang umiyak ma, nacacarried away ako.

"okay lang... ma, sorry din huhuhu-" Ewan ko pero, bakit 'pag si mama ang dali kong magpatawad.

"Anak... Sabihin mo lang kung... Anong gusto mong malaman... At sasabihin sayo ni mama ah." Gusto kong malaman? Maraming gumugulo sa isipan ko simula nang marinig ko iyon.Pero iisa lang naman ang gusto kong malaman.

"Ma sino po ba ang tunay kong tatay?" Pinunasan ko na ang mga luha ko at pinilit na nagpakatatag sa posibleng sagot ni mama.

"Ang pangalan ng ama mo anak ay Bob Huegas." Bob Huegas? Bakit parang pamilyar? isesearch ko siya mamaya sa internet.

"Ma, bakit niya po tayo iniwan?" Tama lang namang itanong ko 'to. Isang tanong na kahit sinong nasa kalagayan ko, ay walang takot na itatanong.

"'Di niya tayo iniwan anak. Natakot ako kasi alam kong di niya ako pipiliin." Mahal pa nga ni mama si Bob, este papa. Alam ko 'yun dahil kita parin sa mukha ni mama ang kalungkutan.

"Ma, sa tingin ko tama na ang mga dramang nalaman ko ngayon. Ikaw din ma, nangungulubot na ang mukha mo baka mahawa pa ako niyan, hahaha!" Pilit kong kakalimutan lahat, hahanapin ko ang papa ko. At bubuuin kong muli ang pamilya namin. Sa ngayon, pipilitin ko munang ngumiti.

"Anak naman e, hahaha!" Buti naman pinipilit mo paring ngumiti para sakin ma.

-----------

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon