Bente Doskie

299 14 0
                                    

George's POV

Parang kelan lang pangarap kong maging si George Nacino. Ngayon, isa na 'yung bangungot, at gusto ko nang magising sa bangungot na 'to kaya ko pipiliing lumayo.

"Ma, babalik rin tayo." Katabi ko na si mama ngayon sa eroplano. Ilang minuto na rin ang nagdaan nang nagtake off na ang sinasakyan naming eroplano. At dahil nga ayaw nila mama at papa na malaman ng sinoman ang sikreto namin, itinakas nila kami.

Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay mommy, at Margo. Kagabi ko pa niready ang sarili ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Mula ngayon hindi ko na pwedeng buksan ang puso ko, ayoko nang magmahal. Natatakot ako na baka sa ikalawa kong beses na magmahal, lolo ko na ang makarelasyon ko.

HAY.

Naalala ko tuloy ulit ang message ni Margo kagabi, bago ko pa man tuluyang itinapon ang cellphone ko.

'Babe, masayang Masaya ako tonight. Mula ngayon, ipapakita ko kung paano talaga magmahal si super MARGO mo! Mahal na mahaaaaal kita! Magpakailanman, maging sino ka man. Muah! I'll be the one bringing your breakfast bukas babe! Goodnight.'

Tss.

Mahal niya raw ako maging sino man ako. Sino na nga ulit ako? Ako lang naman ang matagal nang nawawala niyang half sister. Ang tanga namin pareho, mas pinakinggan namin ang lukso ng dibdib kesa lukso ng dugo na namamagitan sa aming dalawa.

Bukas? May madadatnan pa kaya siya bukas? Kung hindi ang kumot at nalawayan ko nang mga unan.

Ang sakit mawalan ng love life. Pero hindi ba mas masakit kapag dahil iyon sa magkapatid kayo kaya bawal ang pag-iibigan ninyo.

Shet, muntik ko nang makalimutan. Hindi lang pala isa sa lovelife ko ang nawala. Engot ba ako? O mas pinalala pa? Si Marloui, akala ko siya na ang pag-asa ko. Kaso naalala kong pinsan ko rin pala siya sa tutuusin.

DEYM! Zero love life, Zero beauty, Zero. ZERO na lahat!

Itutulog ko na lang 'to. Baka bukas paggising ko, malay mo may dumating na grasya.

*snooze*

*Goodmorning passengers! Welcome to Canada!*

"Anak, gising na. Nandito na tayo." Naalimpungatan ako nang yugyugin ako ni mama sa kinauupuan ko.

"Ma, nasaan na tayo?" Tanong ko. Nagtanggal ako ng muta at nagpunas ng laway.

Nakasakay parin ako sa eroplano, nagising akong nakasakay parin sa eroplano.

AAAAAHHHHHH!

Wala lang, Masaya lang ako dahil buhay pa kaming lahat at safe na nakalanding.

"Nandito na tayo sa Canada anak, tara na, hinihintay na tayo ng sundo natin sa labas."

Canada, hindi ba dito nakatira ang karamihan sa mga matatabang inglisero na kapitbahay namin sa pilipinas? 'Yun bang taga iglesia ni cristo? HAHAHA.

CORNY.

So, ginawa ko na nga 'yung inutos ni mama. Pagbaba namin ng eroplano dumiretso na kami sa arrival area.

Sari saring plakard ang makikitang itinataas ng mga taong puti habang naghiintay ng kani kanilang mga susunduin.

"Anak, hanapin mo 'yung pangalan natin." Utos ni mama.

Malamang, 'yung pangalan ho natin ang hahanapin natin ma. Tayo ba si John?! Si Jane?! Si Mac Arthur?! O si HERBERT?! Hindi naman 'di ba?!

Jusko, nakakawindang ka ma.

"Ma! Ayun! 'Yung matangkad na naka amerikanang kalbo!" Turo ko sa lalakeng nasa harapan lang namin at may isang metro lang ang layo.

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon