Ako si George, at sinong mag aakalang sa body shape kong 'to,
HABULIN AKO?
"Hoy Lalakeng anak ni Adan!!!
First Kiss ko 'yun..." Idinuro ko siya, gulat na gulat siya, kaya napatigil ako ng ilang minuto, saka ako kumaripas ng takbo papalabas ng bistro. Nako!! Nakakahiya 'yun. Sheez!
Pero... Aaminin ko. Ang lambot ng labi niya. Aaaaaah! Shemay, pechay na gulay.
Ang haba ng HEYR ko!
Pero NO.
Dapat Maria Clara parin ako.
"George!" Tinawag niya ako. Alam niyo 'yung feeling na gusto kong huminto para mahabol niya ako. Pero hindi pwede e! Tatakbo parin ako!
Lumingon ako saglit.
Shocks! Sinusundan parin ako ng tingin ng mga kumakain sa bistro. Kaya mas binilisan ko pa para hindi na rin ako maabutan ni Margo.
*Takbo*
*Takbo*
"Aruray!!" Tae, natapilok ako. Pero sige lang George please, kayanin mo kahit magkandapilay pilay ka na. Makatakas lang sa kahihiyang 'to!
Mga ilang kilometro na rin ang natakbo ko.
Mga 3 meters.
Ano bang ginagawa ko? Wala nang sumusunod sakin kaya malaya na akong makapaglalakad!
*Lakad*
*Lakad*
"Shet." Napalunok ako nang makasalubong ko ang isang maitim, malaki, naglalaway, at punong puno ng pangil na LABRADOR ng isang bahay malapit sa campus. Ai hinde! hinarang niya ako sa daan ko. Walang hiya 'to! Ano pa bang makakagat niya sakin e wala naman na akong puwet! Maaa! Tulong! HUHUHU.
Galit na galit siya sakin.
"Tuyt? Puppy? Good puppy? Bait bait niyan puppy na yan 'di ba? he-he-he!" Muntanga lang George?! Mukhang hindi effective yung pagpapaamo ko sa animal na 'to! Letse, ano bang puppy ang pinagsasabi ko?! Kulang na lang lamunin na'ko nitong 'Puppy' na 'to e! Helppp?!Sinubukan kong humakbang ng isang beses.
'Grrrrr....'
"Tuloooooong!" Sumigaw na ako ng pagkalakas lakas pero bakit ganun?? Bakit sa pagkakataong 'to pa walang tao o estudyante man lang ang dumadaan dito??
Tahol na rin ng tahol ang asong ulol na nasa harap ko.
"Layuan mo 'na ako pangeeeet!" Wala pa ba talagang tao? Kahit isa lang oh! Baka naman kinuha na sila lahat ng aliens tapos ang itinira na lang sa earth, ako at ang lecheng aso na 'to!
Ahhh buwiset!
Baka lahat na ng magagandang nilalang nilamon na ng planet toottoot tapos itinira na lang 'yung mga kapus palad na katulad ko?!
Pero kung ganun nga, e 'di sana napadaan na si Kevin! HAHAHA
"Aaaaaah!" Kung anu-ano na lang naiisip ko e, nasa kalagitnaan ako ng isang delubyo! Salamat kay Margo. Hayy!
Didispatyahin ko na ang asong 'to!
Bukas yayaman na ako sa pagbebenta ng pulutan aso.
Kinuha ko ang pepper spray sa bulsa ko. Akalain mong may ganun pala sa bulsa ko? Hanep para akong si Doraemon. HAHAHA!
"Humanda ka naaaaa!" Pinosisyon ko ang pepper spray, direkta sa mga mata nito. Medyo malayo nga lang, baka dakmalin niya kamay ko 'no!
One... iready mo na ang thumb mo George! Matitikman ng asong 'to ang hagupit ng pepper spray ko!
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...