Onseskie

554 15 0
                                    

George's POV

Ang bilis ng mga pangyayari. Para akong nagtatime travel.

Nung isang araw, sabi niya ang ganda ko. Tapos kahapon bigla bigla na lang siyang susulpot sa bahay at tinanong kung pwede daw ba akong ligawan. Hay!

"San ka ba." Habang naglalakad lakad ako sa hallway ng college, malikot na hinahanap ng mga mata ko si Margo, este Marga.

What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang grupo ng mga kalalakihan. Kilala ko ang mga 'to, ang mga hearthrob ng campus, pare pareho silang may angking kakisigan, matatangkad at talagang nakakaakit ang mga matitipuno nilang katawan.

Yum... *Lip Bite*

Galing sila sa College of Engineering, at mga classmates sila ni Margo. Kinakanta nila ang pinaka ayaw kong kanta sa buong mundo. Ang 'All of Me' ni John Legend.

What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright.

'KYAAAAAAH!' Karamihan sa mga kababaihan at kabaklaan ng college namin ang nagkumpulan, para tilian ang mga lalakeng 'yun. Kulang na lang malaglag na ang mga panty at bra nila sa sobrang kilig. Tss.

Ako naman, nakatayo lang sa 'di kalayuan. Kahit nahahagip na ako ng iba pang kerengkeng kong schoolmates.

Papalapit na ang pinakakinaiinisan kong linya ng kanta. Pero 'di ko magawang umalis,

'di ko kayang gumalaw sa kinatatayuan ko.

Glinue na naman ako ni mother earth sa lupang 'to.

Maya maya pa ay unti unting lumakas sa lugar ng kinatatayuan ko ang mga hiyawang sa sobrang lakas, halos 'di ko na marinig ang pagkanta ni Margo habang tumutugtog ng gitara.

Sa likuran naman niya, ay hawak hawak ng kanyang mga kaklase, ang isang mahabang tarpaulin.

'GEORGE, AKO ANG HINAHARAP MO'

Ano daw?? HINAHARAP? Alin ba? yung future o boobs?

'ang iyong Future HUSBAND'

EMEGED! Breathe in, breathe out...

Kyaaaaaaaaah! Ang puso mo George, puso, PUSO.

Papalapit siya sakin. 'Di ko akalaing nandun lang din siya. At ang lahat ng 'yun inihanda niya bilang surpresa.

#ExcuseMeMissYungHairKoNasabitSaHillsNgShoesMo :)

"Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections.." Ang ganda ng boses niya. Kahit hate ko tuloy yung kanta dahil sa 'curves' na isa sa mga words sa lyrics niya, parang naging favorite ko 'yun nung kinanta niya mismo sa harapan ko. Sincere na sincere niya 'yung kinanta.

Kinikilig ako.

Kinagat niya ang lower lip niya nang kuhanin niya ang isang major chord sa gitara,
KINIKILIG AKO.

Tinitigan niya ako sa parteng 'Give your all to me, I'll give my all to you' at sinabayan niya ito ng isang malupit na killer smile.
Jusko KINIKILIG AKO!

Hindi ko namalayan, nakangiti na ako.

Hindi ko rin namalayan yung paglapit niya sakin. Na halos lahat ng maliliit na detalye ng gwapo niyang mukha nasisight ko na.

"Pare, catch!" Matapos ng kanta, ipinahawak niya ang gitara sa isa niyang kaklase, ang COOL.

"Flowers for my lady," Iniabot niya ang isang boquet ng red roses, na siya ring inihagis kanina ng kaklase niya. Papano niya nalaman ang paborito kong flowers?

"Thank you." Saka ko 'yun inamoy at nagsmile sakanya. Ngayon lang may gumawa sakin nito, tapos 'yung hearthrob pa ng Campus ang manliligaw. #Hahaha!

"Pwede ka bang mayaya for lunch?" Inayos niya ang polo niya, nasisikipan ata siya, kaya tinanggal niya ang huling butones. Natetense siya, grabe. Iba na talaga umipekto 'yung nabili ko sa Quiapo.

Joke!

"Ah, eh..." 'Di ako makapagdecide, si Marga lang kasi ang kasabay ko parati maglunch. Nako, baka magalit 'yun kapag naindian ko siya sa canteen.

"What's wrong?" Shet, ayan na naman tayo e! Yung ngiti mo parang ebola, bilis makahawa! Hayss. 'Di bale na, minsan lang naman 'to tsaka, kapatid naman niya si Margo. Hala, pano ba?

"Chummy!" Ow shocks, ayan na si Marga. Bakit parang gulat na gulat si Margo? "Well, looks like something's happening in here. Oh well, chums, tara na? Lunch na tayo?" Naleche na, sinong pipiliin ko sa dalawa?

"Pero, kasi chums." Naguguluhan na 'ko. ano ba? Please tulungan niyo 'ko.

"George, let's eat sa tapat ng cafeteria, dun sa favorite mong pinoy bistro." Matindi tong offer ni Margo ah. Ang sasarap ng pagkain dun, lalo na yung caldereta. Pero pano naman si Marga? Ano kayang offer niya? haha. hmmm.

"Chummy? Don't tell me padadala ka dun, then you'll leave me?" Wala naman pala siyang offer. 'No ba 'yan. HAHAHA

"George come on," Hinigit ni Margo ang braso ko, dahilan para mapasandal ako sa mga pandesal niya. Sheez.

"Chummy? Don't leave me naman. Come na, gutom na ako e." Hinigit naman ni Marga ang sling bag ko, dahilan para mabangga ko ang buto buto kong classmate, si Kevin. HOLY SHEEZ.

Ano? Sinong pipiliin ko? Ang hirap naman! Kung wala na lang kaya? Ai 'di pala pwede, gugutumin ako. Parehong manlilibre yung dalawa, kapos yung baon ko.

So ano?

-------------

a/n: Hi guys! salamat po sa mga lovers ng Beki Problems :)

Sana po patuloy parin nating basahin at ivote ang story na 'to.

Salamat po sa lahat lahat ng readers at voters ko! :" love you much Chummies!

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon