Dieskie

572 18 0
                                    

George's POV

Minsan parang gusto kong isulat ang 'I LOVE YOU' sa bato. Tapos, ibabato ko sayo, para malaman mo kung gano kasakit na mahalin ka.

"Mamskie, ilang beses ka bang nagmahal?" May tila karayom na sumundot sa pwet ko, natanong ko ang bagay na 'yun kay mama. Which is nakapagtataka. Dati rati, hindi ko kayang makipag usap kay mama ng harapan, na ang topic about love. Kadalasan kasi, naaawkward ako kapag ito yung topic namin, parati kasing andiyan lang sa tabi tabi si Boyet e.

"Minsan lang anak. Sa ama mo lang ako nainlove." Lumabas ang malanding tonong iyon ni mama. Kinikilig pa nga siya at parang nakaka ewan lang ang mukhang iniharap niya sakin. Tsss..

"So kay tito Boyet infatuation, ganon? o crush? M.U.? Baka naman rebound?" Kunot noo kong tanong. Kung kay papa nga lang talaga siya nainlove, e ano pa't sumulpot ang patolang Boyet na 'yun?

"Rebound lang siya anak." Pambihira, paano niya nalaman ang rebound? 'Tong mamskie ko napaka weird kung minsan. Sabagay wattpad reader rin siya katulad ko. Teknolohiya nga naman. Hayy. "Bakit 'nak? May nanliligaw na ba sa'yo?" Ang pagkakagawa ng pangungusap na 'yun parang may inaasahan. Pero action speaks louder than words. Ang mukha niya, ineexpect na isagot ko,

"Wala ma," Oo na, since birth wala pang nagtangkang manligaw saakin. Gosh. Kasi nga, sukatan ba naman ng mga boys ang both bumpers sa harap at likod ng babae, halatang OP na ako sa choices. 'Yung isa namang 'yun, na ewan ko ba kung niloloko ako o gusto lang akong paglaruan, 'Tayo' agad ang nais. 'Di ako easy to get 'no.

*knocking*

"Anak, may bisita ka!" Sigaw ni mama mula sa gate ng bahay. May tao nga, 'di pa gaanong bukas ang gate pero, ang mga sapatos na makikita mula sa ibaba ng mga rehas ng gate, sapatos iyon ng isang lalake.

"Pasok ka," dinig kong sabi ni mama.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinagpawisan ako ng malamig.

Nang makita ko kung sino ang taong pinatuloy ni mama.

"Margo??" Sobrang nanlaki ang mga mata ko. Dumoble ang pagpapawis ko sa kili-kili. Parang waterfalls na ata yung daloy. Baka maatake ako sa puso. I CAN'T BREATHE!

"Maiwan ko na kayo ha?" Taas babang kilay, kinikilig si mama. Mama naman e!

"No tita, I have to tell you something po. And, kelangan pong meron kayo." Pagpipigil ni Margo kay mama. Ano na naman kayang plinaplano nito sa buhay?? Jusko, baka magsumbong 'to ha, E ano namang isusumbong niya? Wala pa namang nangyari samin 'no! Jusme, 'wag naman sana 'yung tungkol sa grade ko sa math!

"Ano 'yun iho?" Tumango si mama, habang inaalok si Margo para umupo. Kasabay nun, hinila niya ako para umupo sa tapat ni Margo.

Naspeechless ako.

Nakababy bra lang kaya ako!

*lunok*

"Gusto ko po sanang ligawan si George." Inilabas niya ang tuwang nag aalok ng pagsang ayon.

Natigil ako sa paglalaro ng mga daliri ko.

Iniangat ko ang tingin ko, sa tapat kung saan nakaupo ang foreverlabs ko, este si Margo

*nganga face*

----------

a/n: Hello guys, pipilitin ko po na magUD, araw araw para sainyo. Pero kung mafail man ako, sana po pagpasensyahan niyo na! ^°^

Please vote, and follow!

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon