"Hoy Rina!" nakapamewang na tinawag ni George si Rina mula sa
corridor. Sa lakas ng boses niya, ay napalingon ang noo'y nagsisiuwian nang mga estudyante. "Sorry po," pasimpleng niyuko niya ang kanyang ulo para hindi na mahalata ang eksenang ginawa. Mabagal nitong nilakbay ang dulo ng corridor kung saan ay nakangiting binati siya ng inlove na inlove na si Rina."Hoy Rina," Matigas na tawag muli ni George habang naka close fist ito na para bang handang manuntok ng mukha.
"Oh, Hi George! ^_^ may kailangan ka ba?" halata talagang ibang iba ang aura ni Rina dahil sa sayang pinapakita niya. At dahil dun ay mas tumindi pa ang galit ni George. Naghihimutok na siya at sobrang tindi ang galit niya sa babaeng kaharap niya. Hinatak niya si Rina papunta sa Eco park at doon ay nagsimula nang tanungin ni George si Rina.
"Balita ko kayo na daw ni Jed."Taas kilay niya itong tinanong, habang halata sa mukha niya ang mahigpit na pangangailangan ng derechang sagot.
"Nako ang bilis naman ng balita.hihihi. Eh oo. Alam ko namang mahal na ma--"
"Tigil!"naiirita siya sa #SoInloveNaHindiKayangMagalitDahilMayBagongBoyfieNaMahalNaMahalSiya look nito. Kulang na lang wasakin niya na ang bench sa tabi ng kinatatayuan nila at pagpirapirasuhin pa ito sa pagmumukha ng babaeng kaharap niya.
"May problema ba George?"Shocks, nagtanong pa siya. Talagang matindi!
"Sabi nila kaya nainlove sayo si Jed kasi matalino ka daw. Pano ba maging matalino ha?? Nakukuha ba yan sa braces o sa glasses? O 'di kaya, yang buhok mo, dapat ba buhaghag??"
"Grabe ka naman George." nakangiti paring sagot ni Rina na inaakalang biro ang mga tanong ng noon ay nagbabaga nang si George sa sobrang init ng ulo. "Nasa genes kasi namin eh. Sabi sa science, kapag compatible daw ang genes ng nanay at tatay mo sayo, 100% ang estimated possibility that you'll be as smart as them."
"Ganun ba yun? Bakit ngayon mo lang nasabi. Oh sya, salamat ha. Sorry napag-initan kita ha. Desprit na kasi ako eh."Mula sa init ng ulong iyon ni George ay tila nabuhusan siya ng malamig na tubig na nakapagpabawas ng galit niya kay Rina. Salamat kay Rina, may tiyansa na siyang tumalino. Sa ganoong paraan, makakapasa siya sa trigo, sa ganoong paraan, makakagraduate siya at sa ganoong paraan, pwede, at may posibilidad ng magustuhan siya ni foreverlabs. ^=^
"Desprit?"
"Oo yun bang kelangang kelangan ko na kasi."
"You mean desperate?"
"Yeah, Yes. DESPRIT daw kasi sabi sa speech and oral namin eh. Tsk! Oh babye na!" Matapos ng pag-uusap na iyon ay agad nang umuwi si George. At sa pagpasok niya sa loob ng bahay ay agaran niyang tinungo ang cabinet ng mama at papa niya.
Isa, isa niyang hinalughog ang bawat hanger. Maingat-na-maingat-niya- itong-pinali-pat-li---pat...
At sa puntong iyon, lumawak ang mga ngiting 'di kayang tumbasan ng ninuman.
Tinignan niya iyon na para bang iyon ang mahiwagang susi na magdadala sakanya sa future niya. Sa FUTURE niya.
"Tamang tama! 'di pa nasuot ni mamskie at papskie ang mga JEANS na 'to!"-George
---------
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Historia CortaSa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...