Otsentaskie

323 15 0
                                    

Patricia's POV

Wala, walang kamalay malay ang anak kong si George at ang anak niyang si Margo.

Hindi ko rin naman inaakalang ngayon pa mangyayari ang lahat ng ito, hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasiyon ko pa makikitang muli ang mahal kong si Bob, o mas kinilala ko sa palayaw na "Huegas".

'Siya si Bob, ang dati kong bestfriend na naging boyfriend din ng isa ko pang bestfriend noong college.' At 'yun ang inakala ng anak ko at anak niya, dahil 'yun ang sabi naming dalawa.

Pero kung sino siya, at ano nga ba ang papel niya sa aming mag ina ay siya naming pinag usapan kahapunan noong araw ding iyon, sa library na office room rin ni Bob. Sinamantala namin ang oras na walang sino man ang nasa loob ng bahay, bagkus ang mga katulong lamang na abalang abala sa paglilinis.

"Bob, akala ko noong una naghahallucinate lang ako nung makita kita sa personal. Alam mo ba, ang saya saya ko!" Sa isang sofa malapit sa study table kung saan nakaupo si Bob, inumpisahan kong gumawa ng pag-uusap.

Nakangiti siyang tumingin, parang kita sa mga mata niya ang pagkasabik. Sa dinamidami ng mga taong nawalay kami sa isa't isa, hindi parin nawala ang mga titig niyang punong puno ng pag-ibig.

"Tricia, maging ako langit langit ang tuwa ko nang malaman kong ikaw 'yun. Sorry nabitiwan kita, hindi ko kasi alam, akala ko kapatid ka ni George. Ang laki ng pinagbago mo, mas gumanda ka pa lalo."

Alam kong pambobola lang ang mga sinabi niyang iyon. Hindi ako bumata, lumosiyang pa nga ako.

"Sus! Ang sabihin mo, busy ka sa cellphone mo." Nagtatampo kong tono, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya na napigilan ang kanyang sarili.

Nilapitan niya ako, at hinawakan ang mga palad ko.

"Oo, busy ako sa pagrereply sa 'yo. 'Wag ka nang magtampo, ikaw naman ang dahilan kung bakit kita nabitiwan."


Ang mga mata niyang nakakatunaw, na siya ring dahilan nang pagkabuntis ko nang maaga!

"Sinisi mo pa ako! 'Wag mo na akong bolahin, tandaan mong may pamilya ka na." Pilit kong inaalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya, ngunit ang matandang kumag na ito ay ayaw paring paawat.

"Hindi ko ginusto ang lahat. Napilitan ako nang iwan mo 'ko. At ang anak natin? Si George? Si George ang anak natin hindi ba? Napaka gandang bata, napaka bait. Kaya pala magaan na ang loob ko sakanya noong makilala ko siya. At gustong gusto siya ni Diana, 'yung nabanggit kong naging asawa ko dahil sa arranged marriage na ginawa nila mama noon sa amin."


Hindi niya na kailangan pang magpaliwanag pa, alam ko na ang lahat. Kasalanan ko rin ito, hindi ko ipinaglaban ang pagmamahalan namin. Kung naging matapang lang sana ako noon.

"Ganun ba? Nakilala mo na ang anak natin? Kelan?" Pagtataka ko.

"Oo, ipinakilala siya ng anak kong si Margo bilang "wife" niya."


Napatigil ako, at napatayo sa sinabing iyon ni Bob. Hindi ko lubos maintindihan, bakit niya hinayaang mainove ang magkapatid sa isa't isa?!


Marahil, hindi ko rin siya masisisi, ngayon lang naming malalaman ang lahat lahat.

"Ano?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Bob?!" Gusto ko siyang gisingin sa reyalidad na kinakaharap naming ngayon.

Ang ANAK NAMIN at ANAK NIYA, ay NAG-IIBIGAN. MAGKAPATID sila!

Hindi sila pwedeng mag-ibigan na higit pa sa pagiging isang magkapatid!

"Nako, oo nga Tricia! Hindi pwedeng magmahalan ang anak natin at ang anak kong si Margo!"


Pero, huli na ang lahat, ang tanging magagawa na lamang naming ay... HINDI KO ALAM!

"Bob, noon pa man inlove na inlove na si George kay Margo. Paano natin sasabihin sa dalawang magkapatid pala sila?! Natatakot akong baka isa sa kanila..." Sa sobrang taranta ko, ay napasabunot na lamang ako ng buhok ko. WALA akong maisip na paraan!

"Hindi mangyayari ang anu mang iniisip mo Tricia, may naisip akong paraan. Isa pa, huwag natin itong sabihin sa kahit na sino man." Nilapitan ako ni Bob at pinakalama, mabuti na lang at nandiyan siya. Mabuti na lamang at maaga naming itong nalaman.

Mabuti na lang,

"Ano na ngang gagawin natin Bob?!" Pero hindi parin naaalis sa akin ang takot na baka sa sikretong ito, malayo ang loob ko sa anak ko. At baka sa lihim na ito, masaktan ko siya ng lubusan.

"Ako nang bahala Tricia, magtiwala ka lang. Basta't walang makakaalam nang lahat, kasali na rito ang nakaraan natin. Hayaan natin ang ating mga anak. Sa ganung paraan, hindi tayo mahahalata. Maliwanag?" Marahang pinunasan ni bob ang akong mukha, at hinaplos ang aking mga palad.

Nakakakalma ang ginagawa niyang iyon, nagbabalik ang mga ala ala naming sa tuwing ginagawa niya ang mga iyon.

"Maliwanag Bob, pero papaano ang asawa mo?" Naalala kong, sa ginagawa naming ito baka hindi lamang ang mga anak naming ang masaktan kundi pati si Diana.

"May kanya kanya kaming mahal Tricia, napilitan lang kami dahil iyon ang kagustuhan ng aming mga magulang. Sa ngayon, ang asawa kong si Diana ay marahil dumalaw sa mahal niya."


Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang mga salitang iyon kay Bob. Akala ko noon una ay pagtataksil na ang ginagawa kong ito.

"Bob, sana magawa natin ito ng malinis, at walang nasasaktan o naiiwan." Sinuri ko ang mga matang iyon ni Bob, nahanap ko roon ang ginhawa at protekta. Sa mga oras na kasama ko si Bob, ay tila mga sandaling dapat sulitin dahil sa mga taong nasayang nang wala siya.

"Kakayanin natin ito Tricia." Mahigpit na sabi ni Bob.


----------------------

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon