Saiskie

798 22 3
                                    

George's POV:

"Put*ng inang buhay 'to!!" Sigaw ko habang nasa gilid ng tulay. Gabi na kaya wala nang masyadong iintriga sa akin dito.

"Walang hiya! P*t@%&%;&#!!" halos lahat na ata ng pagmumura nasabi ko na, pang tanggal lang ba ng sama ng loob.

"Mabuti pang mamatay na ako!" Aaktong uupo na ako sa tabi ng tulay. Gusto kong gawin 'to ipupush ko 'to!

"Hoy!" Akalain mo nga naman, pano niya ako nasundan?

"Bakit?!" Irita kong tanong

"Ano bang ginagawa mo diyan nababaliw ka na ba? Bakit ka mag-papakamatay? May pag-asa pa ui!" Concern siya saakin. Oo, sa boses palang niya kilala ko na siya. Margo, 'di ka dapat nandito e, kasi baka mas sayo pa'ko mahulog imbes na sa tulay.

"Ha? Baket ano bang pake mo?" Oo, kinikilig ako pero hindi naman ibig sabihin nun, 'di na ako marunong magpakipot 'no!
"Anong pake ko? Napadaan lang naman ako at nakita ko yang katangahang ginagawa mo!" Napadaan ka nga lang ba talaga? Pero hindi ba, effort parin na nilapitan mo ako para pigilan ako sa pagtalon? My goodness! Baka 'di ako mamatay sa pagtalon dito sa bridge Margo, kundi sa sobrang kilig! hahaha!

"'Wag mo na nga akong pakialaman, mind your own business boy!" Pano ba 'to, sana lapitan niya pa ako. What if? oo, tatalon ako, akmang tatalon lang ha? Pero... pero... pano kung 'di niya ako saluhin?! Aish! Bahala na, 'di naman siguro ako mahuhulog neto, 'di pako mamamatay, akong bida dito 'no!

"Goodbye World!" Pasimple akong sumilip sa peripheral view, nakita ko siya, alalang alala.

"I said GOODBYE WORLD!"

Bigla na lang niya akong niyakap sa gilid ng tulay. At siyempre nagpumiglas ako, in a flirty way. Iba na ang George's moves. Kahit naman gwapo siya 'di naman ako ganun kaeasy 'no.

"Ano ba?! bitiwan mo nga ako hoy!" huy bitawan mo ako!" Nasobrahan ata ang pagpupumiglas ko kaya na out of balance siya at napahiga kaming dalawa sa spaltong daan. OMG Kiligmuch again!

"HOY!, tumayo ka na nga ang bigat mo!" Grabe! Talagang itinulak pako ng lalakeng 'to! Haist!

"Nanananching ka lang eh!" Ang kapal ko naman. Bakit ko nasabi yun? hahaha!

"Ako manananching?? Pambihira! Ano namang machachansing ko sa flat mong boobs?! E daig pa 'yan ng boobs ng pamangkin ko e!" Sakit magsalita ng lalakeng 'to ha! kung 'di lang kita mahal, matagal na kitang nasalvage!

"Ang kapal naman ng muka mo!" Sobrang namula ako sa hiya. Truth hurts lalo na kapag sa mahal mo pa mismo narinig yung masakit na katotohanan. Buti na lang talaga at indascent ang light dito dahil kung hindi jusmiyo santisima purisima. Nakooo! mas madadagdagan lang ang kayabangan netong kumag na 'to!

"Hahahaha! halika na nga,  gutom lang yan kain tayo mcdo." Ang yaman mo tapos Mcdo lang? NapakaChinese huh.

"Kanina chansing, ngayon naman kidnapping?! hmmp!" pinatikman ko siya ng malupit kong irap

"Ako kikidnapin ka? Kilabutan ka nga ui! Sa bagay pang KID nga yang figure mo lalo na yang boobs mo ahahahaha!" Pano ko ba nagustuhan 'tong kumag na 'to?!

"So funny ha ha ha" sarcastic kong sagot bilang tugon sa panlalait niya.

"Halika na nga, 'wag ka mag-alala treat ko!" Agaran niyang hinablot ang kamy ko at sinala sa rouser niya. May dala pala siyang motor? Well, 'di ko napansin.

"Hoy! halika na sakay na!" Heto na, aangkas na... 

Wait?

What?!

Niyayaya niya akong kumain? So dinner DATE ito?

KYAAAAAAAAAH!

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon