George's POV
"Umutot ka ba Margo?! Ang baho huh!" Irita kong tanong sakanya habang nagdradrive siya ng kotse. Mga tatlong kanto pa ang dapat naming madaanan bago makarating kay mama. Alalang aala na nga ako sakanya e. Kaya naman para mawala ang nerbiyos ko, naisipan kong pagtripan si Margo. HAHAHA!
"A-ano? Anong pinagsasasabi mo?! Nananahimik ang pwet ko dito 'no! Baka 'yang bunganga mo lang 'yan!HAHAHA!" Tawang tawa naman si kumag, habang nakatutok lang sa direksyon ng kanyang drinadrive. Nakikita ko tuloy yung side view niya, naeemphasize ang matangos niyang ilong at reddish lips. Medyo hindi ako naaatract. Ganun din kasi 'yung akin e... CHOS!
"Hoy, For-Your-Information! Mas mabaho 'yang iyo! Amoy imbornal nga na isinawsaw sa ebak ng kalabaw eh! HAHAHA!" Nagkunwari akong tawang tawa. Mukhang na offend ko ata siya, kaya naman hininto niya ang sasakyan. Nako lagot, baka paglalakarin niya ako mag isa! Nasa kalagitnaan pamandin ito ng isang higway. Nakooooo, ano ba naman kasi 'yung nasabi ko!
"Gusto mo halikan kita ulet?" Hinarap niya ako nang nakangiti. Inalis niya ang seatbelt niya at unti-unti niya akong nilalapitan! Napapaatras naman ako pero sagad na ako sa pintuan ng kotse. Parang nanghahamon siya at ang hamong iyon ay ang larong HALIKAN. Pinipilit kong buksan ang pinto pero inilock niya iyon.
Nakasandal na ako sa pinto, at dahil iyon sa pagpako niya sa akin doon gamit ang mga kamay at braso niya.
Lunok.
"Huwag po, huwag po." Bulong kong nagmamakaawa.
Nagmamakaawang 'wag niyang itigil ang anu mang balak niya. HAHAHA!
MALANDE.
Pinikit ko ang mga mata ko, pero bago ko pa man maramdaman ang pagdampi ng labi niya, naramdaman ko ang hininga niya na pumasok pa sa butas ng ilong ko! Kabaliktaran ng mga sinabi ko kanina, amoy mint ang hininga niya, at ang pabango niya sobrang tapang!
Gusto ko siyang itulak pero, napulupot na ako sa seatbelt ko!
"Ikaw pala 'tong may bad breath eh." Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko siyang nakaupo na sa driver's seat. Bitinan lang?! Agad kong inayos ang sarili kong nagmukhang tanga sa ginawa ng kumag na 'to.
"Akala mo talaga hahalikan kita?" Pinaandar niya nang muli ang kotse niya, with pacute effect pa! Akala mo kung sino tong kumag na 'to! E ang laki naman ng nunal sa loob ng ilong!
"Excuse me? Nagbrubrush ako three times a day at nagflofloss ng 4 times a day! Alam ko ang ibig sabihin ng hygiene! Baka ikaw?!" Depensa ko sa sarili ko. Akala niya siya lang ang marunong ng pangangalaga ng katawan??
"'Di nga? Ang baho pa rin e! O sige, spell HYGIENE." Biglang tanong niya.
Hindi ako nakakibo, gusto kong magmura hindi dahil sa pang-aasar niya kundi sa sobrang pagkallito. 'I' ba 'yun o 'Y'?! Aba! Hindi niyo ako masisisi, sa dami ba naman ng formulas na dapat kong imemorise, saang parte pa kaya ng utak ko isisiksik ang tamang spelling nun?!
"Kumaliwa ka na! Ayan na 'yung bahay namin!" Palusot ko. Sinenyas ko sakanya ang direksyong pakaliwa, na para bang boss kung makapag utos. Hindi man ako nabiyayaan ng talino, nabiyayaan din naman ako ng skills sa pagpapalusot! HAHAHA!
"Nakikita ko na ang mommy mo!" Sigaw niya. Pwedeng ako 'yung sumigaw ng ganyan? Ako 'yung anak, remember? Baka hindi niya pa nakita si mama. Nung nagkita ata kasi sila, invisible si mama. Tsk.
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...