Bente Saiskie

454 14 0
                                    

George's POV

"Miss, hanggang dito na lang po kayo." A nurse said. Habang dinadala si Margo sa emergency room.

My blood stained body suddenly decided to sit and pray. Tinawagan ko na sila mommy at daddy sa nangyari. Gusto ko nang ihukay ang sarili ko nang makita ko ang nangyari sa itsura ni Margo. Duguan siya, at wala nang malay.

This was all my fault!

Kung hindi ko sana minadali si daddy para sabihin ang totoo, dapat hindi nangyari sakanya 'to! Ang selfish ko, ang selfish selfish ko!

"George!" Our parents finally arrived. Nakita nila ang duguan kong katawan.

Sinalubong ako ni mama at binalutan ng tuwalya.

"Ma, kasalanan ko ang lahat."

Hagulgol ko. I leaned on her shoulders and continued to cry. Gusto kong ilabas lahat. I want to be blamed for everything.

"Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" The doctor interrupted.


"Opo, kami po. Kamusta ang lagay niya doc?" Alalang tanong ni dad.

"Kailangan niya po ng dugo, maraming dugo ang nawala sa katawan ng pasyente. As of now, wala kaming stock ng blood type na A." The doctor explained.

Pero pano 'yan? Type O lang ako, baka si daddy o mommy?

"I'm not type A, neither are you Diana." Dad faced mom suspectedly.

Namutla si mommy Diana sa sinabing iyon ni daddy. Parang may tinatagong lihim si Mommy Diana.

"I can explain." Takot na takot na sabi ni mommy.

"No time for explanations Diana, just call him and tell that we need his blood!" Utos ni dad,

Him? Who's HIM?

Agad namang kinuha ni mommy Diana ang phone niya at may kung sinong tinawagan. After how many minutes, bumalik siya.

"He'll be here in any minute." She said, still holding her phone.

Nanginginig siya at hindi iyon dahil sa nangyari kay Margo for sure.

"He's here." Napalingon kami sa tinatanaw na kung sino ni mommy Diana sa di kalayuan.

Patakbong lumapit sa amin ang isang pamilyar na mukha.

"Boyet?!" Gulat na sabi ni mama.


Muling nanumbalik ang nakaraan, nang magkita kita kaming muli.

Parang gusto ko siyang tirisin sa mga palad ko nang pinong pino.

Kumukulo ang dugo ko at tiyak nang 190 over 200 na ang BP ko!

"Saan na ang anak ko?" Hinihingal na sabi ni Boyet.

Shet? Naguguluhan na ako, bakit biglang sumulpot ang kalbong 'to? At sino ang hinahanap niyang anak niya? E hindi naman ako ang anak niya, alam niya 'yun.

"Saan na ang anak ko?! Saan si Margo?!"

Anak niya si Margo?!

Pero panong?!

"Doc, andito na ang donor." Mabilisang tinawag ni daddy ang doctor. Agad namang pumasok si Boyet sa loob.

"Pa?" Tinawag ko si daddy, habang yakap parin ako ni mama. "Is everything alright between you and mom?" Umupo siya sa tabi namin ni mama. Si mommy, nanatiling nakasilip sa pinto ng emergency room.

"Definitely anak." Si papa, parang ewan. Nalaman niya nang iba ang ama ng anak niya Masaya parin siya?


"Pa, I don't mean something here but, hindi ka ba nasasaktan na pinagtaksilan ka?" I hushedly said.


"No, not at all. Besides, ang mama mo naman ang mahal ko." Eto na naman tayo sa landian nila eh.

"Pa! Nandito kaya ako! At saka, pwedeng let's pray for my boyfriend's wellness?" Pakiusap ko sakanila para matigil na sila sa kalalandi.

"Boyfriend na ulet?" sagot ni mama.

"Siyempre naman ma. Kayo ba ni papa asawa ulet?" Nakasmile kong sabi.

Dapat ba akong matuwa ngayon? O magluksa?

Gusto kong magtatatalon sa tuwa. At manahimik para ipagpray ang paggaling niya.

Dahil sa huli, Ako parin pala si George Camelasan.


Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon