Nuebeskie

590 20 0
                                    

"Knock, knock!" Nakaupo si George sa bench ng rocco park, nang lapitan siya ni Bruno, ang sigang bad boy ng Walter Highschool. Lagi siya nitong binubully, kasama nito ang kanyang mga alipores, si Sanjay na anak mayamang napilitan lang sumama dahil sa popularity na handog sakanya ng pakikisama kay Bruno. at si Barbie, identical twin ni Bruno na kulang na lang maging clown na sa sobrang kapal ng make up. Sila ang greatest nightmare ni George.

"George!" Nakapamewang na tinignan ni Barbie si George. Pilit paring binabalewala ni George ang mga ito. Niyuyuko niya ang kanyang ulo, inaasahan niyang maya-maya ay matatapos na naman ang isang bangungot sa buhay niya.

"George who? hahahaha!" Kaunti na lang at magsasawa din sila sa pang-aasar. 'Yun na lang ang laging dalangin ni George.

"'Di ako bakla! Geo-geo-geo-geo-george! 'Di ako shokla! Geo-geo-geo-geo-george! -- hahaha!" Tulad ng dati, nagpasawalang kibo na lamang si George. Wala rin naman kasing mangyayari kung papatulan pa niya ang mga ito.

"Itigil niyo yan!" Nagulat si George nang marinig ang boses na iyon. 'Yun ang unang beses na may nagmalasakit sa kanya. Iniangat niya ang kanyang ulo para makita kung sino iyon.

"Takbo na!" Sigaw ni Bruno, kita sa mga mukha nila ang takot at kilabot nang makita kung sino ang taong iyon. Kaya naman kumaripas na rin ng takbo ang dalawa niyang alipores.

"That's it! RUN!" Dahil sa halakhak ng babaeng tawagin na lamang nating Most popular princess ng school na si Margarette Nacino, napangiti si George. Noon ay naramdaman niyang ligtas na siya.

"Ok ka lang ba friend?" Iniabot nito ang kanan niyang kamay para makipagshake hands.

"Oo naman." Isang malapad na ngiti ang ipinakita ni George, kasabay ng pag-abot ng kanang kamay bilang tugon.

*Shake Hands*

"Mission started." Bulong ni Margarette.

Nang maramdaman niya ang palad ni George sa palad niya, pinaalala nito ang kanyang misyon.

*FLASHBACK*

"I will do anything. Just do it!" Pagpipilit ni Margo.

"Give me a catch." Siguristang sabi ni Margarette. Kailanman, hindi siya pwedeng lamangan. Bawat favor ng kapatid niyang si Margo ay may katumbas na kapalit.

"Monthly allowance?" Pilit hinuhulaan ni Margo ang kiliti ng kapatid. Desperado siya sa magiging kapalit nito.

"I have 3.1M in my bank account kuya." Paliwanag ni Marga.

"Then what do you want?" Desperadong tanong ni Margo habang niyuyugyog ang unan sa sofang kinauupuan niya.

"How about the company?" May tila demonyong ngiti sa mga labi ni Marga.

"Deal!" Wala nang pag-iisip pang ginawa si Margo. Agad nitong iniabot ang kanyang kamay. Indikasyon iyon na nag-umpisa na ang kanilang "deal".

" Deal" Ngumiti na lamang si Marga. "Who is she again?" Tanong niya sa kapatid.

"George, George Camelasan lil'sis." masayang sagot ni Margo.Sa wakas, mapapasakanya na ang babaeng minamahal. Pero ang pinasok nitong "deal" sa kanyang kapatid ay isang malaking pagkakamali.

"She's my rival." Manginig nginig pa si Marga dahil sa galit, hindi niya aakalaing ang babaeng kinamumuhian niya at ang babaeng minamahal ng kanyang kapatid ay iisa.

"But now she's your friend!" Masayang pangungumbinsi ni Margo sa kapatid. 'Di na pwedeng magbago ang isip ni Marga. Malaki laki rin ang sakripisyong iyon.

"Sure, anything for my brother." Isang mahabang plano ang umiikot sa isip ni Marga. Isang masama ngunit napakabuting plano, na babago sa buhay ni George, at siyempre, ng buhay niya.

-------------------

A/N: Read more! :)

Beki ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon