George's POV
Kakaiba pala sa pakiramdam kapag gumising ka sa yayamaning bahay 'no?
Solo mo ang kama, solo ang TV, solo ang veranda, at solong solo mo ang oras ng paggising.
Parang gusto ko na ngang matulog na lang FOREVER!
Magkahiwalay kami ng kwarto ni mama. Tag iisang kama lang kasi ang nakalagay sa bawat guest room. Sa buong bahay, may labinlimang kwarto. Isang master bed, na kwarto nila mommy at daddy, at ang dalawang kwarto ni Margo at Marga. Ang labindalawang natitira pa ay ang mga kwarto ng maids at Guest rooms.
Ang Guest room ko ay malapit lang sa Karto ni Margo. Katapat lang nito ang kwarto ng mahal na prinsipe, o sabihin na lamang nating ang mahal kong hari. HIHIHI.
*Knocking sa Door*
"Handa na ang breakfast babe! Bangon na!" Napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses na iyon ni Margo.
Dali dali kong nilock muna ang pinto.
Dumiretso ako sa banyo.
Nagsuklay ako sabay toothbrush na rin. Naghilamos ako, sabay lagay ng kaunting polbo sa muka. Nagpabango ako ng fresh scent para kunwari fresh.
Pagkatapos, minadali kong inalis ang pagkakalock ng pinto.
Bumalik ako sa kama at nagtalukbong.
Ginulo ko ng marahan ang nasuklay ko nang buhok para kunwari bagong gising.
Narinig kong gumalaw ang door knob, at ang pagopen ng pinto, may kung sinong naglapag ng kung anong bagay sa table malapit sa kamang hinihigaan ko.
And now, the moment of truth. Kunwari gigising pa lang ako, para mabighani si Margo sa kagandahan ko sa paggising pa lang sa umaga.
Iiieeeee!
Medyo kinakabahan ako, pano kung bigla niya na lang akong sunggaban? Bahala na, sino ba naman ang hindi manggigigil sa scripted kong itsura sa paggising. HAHAHA!
*YAAAAAAAAAWNN*
Kunwari inalis ko na ang talukbong ko.
Kunwari kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko.
Kunwari... stretching
KUNWARI...
"Goodmorning gurl!" Bungad sa akin ni aling Pasing. Kanina pa pala siya nakatayo sa harap ko, at siya rin pala ang taong kanina ko pa pinapakiramdaman.
HAY.
"Saan po si Margo?" Pagtataka kong tanong habang isinusuot na ang bunny slippers na bigay ni Margo.
"Andito ako babe!" Nagulantang ako nang makita ko si Margo na nakahiga sa kama. Sheez. Panong? Wag mong sabihin na,
AAAAAAAAAAAAHHHHH!
"Ka-kanina ka pa rito?! Nilock ko kaya 'yung pinto!" Nagtataka kong tinuro ang pintuan ng kwarto.
"Baka nakakalimutan mo kung kaninong bahay 'to? Malamang, nasaakin lahat ng susi ng mga kwarto dito." Ipinakita niya sa akin ang bungkos ng mga susi. HAIST! Ibig sabihin nakita niya lahat ng ginawa ko!
*Face palm*
"Alam mo kanina, pinagmamasdan kitang mag ayos, ang cute mo mataranta babe, at saka ito ang iisipin mo ha, hindi mo na kailangang magpaganda pa muna sa umaga bago pa man kita makita, mas gusto ko 'yung naglalaway na ikaw kagabi.HAHAHA!" Ang kumag na 'to kahit kelan!
Iniinis at pinapakilig akong sabay.
Mahirap kaya 'yun.
Tumayo na ako at siya naman bumangon na. Si gurl naman, kanina pa pala nakaalis. Hindi man lang nagpaalam, Tsk. Kinuha ni Margo ang breakfast tray na may lamang pancakes with palamang bacon at cheese, juice, fresh fruit juice, grapes, at ang favorite kong chocolate bars. Dinala niya iyon sa veranda, at nilapag sa lamesa kung saan may dalawang upuan na nagharapan.
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...