Marga's POV
Did I heard it right?! That bitch just called my parents 'mommy' and 'daddy'?! Oh na-uh! Ano bang kabaliwan ang naisip nila mommy at tinanggap nga nila ang babaeng 'yun?? MY GOSH! Hindi ako makapapayag!
At enjoy na enjoy naman ng kapatid ko ang company ng babaeng iyon. As if, dumidikit lang naman ang lintang 'yun sakanya dahil sa yaman namin, at for sure para makaganti sa akin. Anghel anghelan lang naman ang bitch na 'yun, akala mo kung sinong mahinhin. Ang totoo, nasa loob ang kulo niya. Isa siyang POKPOK, G.R.O., Slut at kung ano pa mang pandescribe sa mga katulad niyang santasantahan.
"Mommy?! Ano 'yung nakita ko? At mga narinig ko? Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga pinaggagawa ninyo? That girl is a bitch mom!" Sinalubong ko si mommy at daddy sa main door. Binungad ko sa kanila ang isang tambak na reklamo, oo tinaasan ko sila ng boses at inilabas ang iritang irita kong tono. Call me disrespectful, but I DON'T CARE!
"Marga! Stop being such an immature child! 'Yan ba ang pang welcome mo sa amin ng daddy mo?" Eversince, si mommy puro na lang sumbat. I'm tired of her! Iritang irita na ako sa malilinis nilang pag-uugali! Magsama sama sila ng bitch na 'yun!
"Whatever mom! Dad?! 'Wag mong payagan si kuya na maakit siya ng slut na 'yun! Mahirap lang sila dad! Alam mo naman na ang mga mahihirap 'di ba?! Mga patay gutom!" Totoo naman 'di ba?
*Slaps*
"You grew up with a disrespectful attitude Marga! Hindi ko lubos maisip na ganyan na ang lebel ng pag-uugali mo! Hindi mo na lang kami iginalang ng mama mo! Get out!" Hindi ko inaakalang magagawa at masasabi iyon ni daddy sa 'kin. Ano na bang nangyari sa pamilya ko?! Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni daddy. At lahat ng 'to ay dahil sa slut na 'yun!
If he wants me to go away, then so be it! Wala namang magulang ang makatitiis sa kanyang anak. Lalambot at lalambot din sila, at magmamakaawang pabalikin ako.
"Fine! I'll get out dad! And for that, I hope someday you'll regret doing all of these to me!" I cried. Shit! My make up was ruined! Nagwalk out ako, na umiiyak. I opened my car, but no one ever tried to stop me. I start the engine and drive as fast as I could, papunta sa hotel.
That bitch! Lagot siya sa akin kapag ako nakapaghiganti! Right now, my mind is full of something evil won't even survive. Matitikman ng George na 'yun ang totoong aura ko!
"Park it." Utos ko sa park boy ng hotel. Sa isang five star hotel ko lang naman piniling magpalipas muna. For sure, ang condo unit ko pinalock ni daddy.
"Yes ma'am" Yumuko siya bilang tugon. Sino ba naman ang mag aalinlangang yumuko sa harap ko? Napakaganda ko par tanggihan. Nagpatuloy parin akong naglakad papasok sa frameless glass door ng building. Suot ko ang sun glasses ko dahil nga sa nasira kong make up. Nawalan na ako ng time magretouch pa dahil sa bilis kong magpatakbo.
*Car Slammmmm*
Idiot?! Pagkalingon ko sa likuran ko, nakita ko ang kotse kong nakasalpok sa poste na bakal malapit sa parking lot. Holy Dumb?! Anong ginawa ng lecheng park boy na 'yun sa kotse ko?!
Agad kong nilapitan ang kotse ko para tignan kung gaano kalala ang damage.
"Shit! You brainless freak!" Galit na galit kong idinuro duro ang park boy na ibinangga ang kotse ko. Gosh! He's so effin' stupid! "Alam mo ba ang worth ng scratch na 'yan sa Lamborghini ko?! Ha?? Palibhasa kayong mga mahihirap, bukod sa angkikitid ng mga utak ninyo, ang ignorant niyo pang gumamit ng mamahaling gamit!" I almost slapped him with my words. Bagay nga sakanya 'yan. Paano niya mababayaran ngayon ang damage?! Ni pambili nga ng utak wala siya! "Where's your manager?! I need to talk to your manager about sa stupidity mo! You should be fired moron!" Itinaas ko ang kilay ko. Kitang kita sakanya na kinakabahan na siya. He should be! Isa sa pinaka ayaw kong nag eexist sa mundo, 'yung mga TANGANG tulad niya!
"Ma'am sorry po." Mga tanga nga naman. Trinatry niyang pagpagan ang scratch sa kotse ko.
"I need your manager! Mukha ba akong nangangain ng sorry?! Call your manager!" Haish! Mga tanga talaga! Kailangan pang ipagsaksakan sa invicible nilang kokote ang bawat utos!
"What's the problem ma'am?" Sa wakas! Dumating rin ang makupad na manager! I looked behind my back, to face him.
Yes. Its a 'HIM'
Pinagplaplanuhan ko na siyang bigyan ng malupit na entrada. Hindi ako patitinag sa isang pipitsuging manager!
But my jaw dropped. I drooled, suddenly I felt my blood rushing through my face!
I saw his name, pinned on his suit. His 'Marloui'. He's the OWNER and not simply the manager. I've seen him before. He had a fight with my brother just a few days before. At ang pinag awayan nila? The BITCH.
"Your park boy here just scratched my Lamborghini." I said in a very cute voice.
"Well, I apologize for the inconvinience ma'am. We will be paying for the damage, I promise this won't happen again." He said it in a very polite way. I kinda find him cute. Macho siya at matangkad. I think I found my first step for my sweetest revenge.
"No, I don't want your condition." I pulled my handbag. Kinuha ko ang calling card ko, at saka iniabot sakanya. "Date me tonight. 8pm. No buts, no shoulds. Kapag hindi mo 'to ginawa, I'll file a bigger charge on this company." Nagulat na lamang siya. Kinuha niya ang calling card ko. That's it, diniretso ko ang sarili ko at sumakay na sa elevator. Hindi ko na siya muli pang nilingon. Pinindot ko ang 3rd floor. Room 521, kung saan ako nag check in.
Sabi ko naman 'di ba?
NAPAKAGANDA ko para TANGGIHAN.
-----------------
a/n: Guys! Hindi ko po masyadong kineri ang POV ni Marga! HAHAHA!
Masyado ba siyang maldita? Pwes. Humanda pa sa mas titindi niyang kamalditahan.
Tutok lang! Patindi na ng patindi ang galit niya kay George. Makakasurvive kaya si George?!
ABANGAN!
I LOVE YOU CHUMMIES!
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...