George Dela Paz Camelasan. Sabi nila isa lang siyang typical college student na walang potential na sumabak sa mga pageant, mapa campus wide o homeroom man. Pero sa kabila ng "no brain, no shape" na drama ng buhay niya, si George ay isang palaban, at singer wannabe na may ibubuga sa kantahan at performance on stage. Isa na rin ito sa naging susi para makapasok siya sa Cogitate State University. Kahit binubully siya sa campus ng mga elite at popular students, bully din siya sa mga mas wirdo at less talented sakanya. Oh 'di ba? Kahit papaano may talent pala ang ating bida.
Lovelife:
Sa buhay ni George, tatlo lang ang lalakeng nagsisilbing inspirasyon niya. si "ForeverLabs", si Jed, at siyempre ang kinakapatid niya/brother na si Marloui. Sa mga susunod na kabanata ay masasaksihan natin ang magiging papel ng mga lalakeng ito sa buhay pag-ibig ni George.
Family:
Simple lang ang pamilya nila at average at tamang tama lang ang income ng both parents niya. Nag iisang anak lang si George pero ang ama niyang si Boyet ay siyang malupit sakanya. Sa anong dahilan? Malalaman natin 'yan sa mga susunod pang kabanata. Kung gaanong kalupit ang kanyang ama ay siya namang binait ng kanyang inang si Patricia. Malambing, at Maunawaing ina si Patricia. Sa istoryang ito, may mas ilalaki pa kaya sa papel ni Patricia bilang ina? Makakatulong kaya ang mga sikretong hawak niya sa kinabukasan ni George? Anong sikreto ito? Tunghayan.
Bestfriend:
Ang nag iisang bestfriend ni George na siya ding itinuring niyang kapatid na si Margarette Nacino ay ang isa sa pinakamayaman, pinakatalented, at pinakamatalinong Queen Bee ng campus. Dahil sa sobrang kabaitan na ipinapakita ni Marga sakanya magmula pa noong 1st year, naging matalik na silang magkaibigan. Siya din ang nagsisilbing tagapagtanggol ni George sa mga bully nilang classmates. At tila jackpot na nga si George dahil ang foreverlabs niya at ang kuya ni Marga ay iisa. Si Margo Nacino a.k.a #ForeverLabs. May ari sila ng isang malaking business company. Sikat na sikat ang magkapatid dahil na rin sa sponsorship ng mayaman nilang ama sa isang napakasikat na network company.
School:
Ang course ni George ay may kinalaman sa Arts and Sciences. Sa classroom nila at pati na rin sa buong school ay kilala siya dahil sa napakagaling niyang pag-awit. Talent niya iyon kaya kahit na si Marga na singer na that time, ay nahihigitan parin ni George. Ngunit kahit na ganoon ay parati parin siyang binubully ng mga walang hiya niyang classmates. Alam niyo na, bukod kasi sa mukha na syang poste, may taglay ding kashungahan ang ating bida. Ang hatest subjects niya ay ang Math, at English. Sobra sobra naman niyang gusto ang aeronotics dahil wala nang ibang ginagawa sa subject na 'yun kundi pagpapalipad lang ng eroplano, pagpapalapad ng pwet, at pagsasayang ng oras dahil kadalasang absent ang prof. sa subject na iyon.
Dreams and Goals:
Eto na ang huli, pangarap niyang makagraduate at maging singer. Dahil para sakanya, ang pangarap na iyon ay susi para maiangat niya ang kanyang pamilya. Pangalawa, ay ang pangarap niyang boobs at pwet. Pinangako niyang someday, kapag nakaipon siya ng pamparetoke, ay ipapaayos niya ang mga flat tires sa likuran at harapan niya, dahil ayaw niya nang matawag na poste nang ninuman. At ang huli, ay si #ForeverLabs goal niya ito. Goal niyang mahulog sakanya si Margo. At goal niyang maging si George C. Nazino. (Oh my Gosh). Magkakatotoo kaya ito? Abangan natin, dahil malaki ang posibilidad na dito mangyayari ang kakaibang twist ng buhay niya.
Muli,
Siya si George D. Camelasan a.k.a GEORGE :)
BINABASA MO ANG
Beki Problems
Short StorySa istoryang ito bibida ang kasabihang "Mas mabuti nang tawaging baklang mukhang babae kesa sa babaeng mukhang bakla." Ano nga ba si George? girl? boy? bakla? o tomboy?? May isang kaaibang twist nga ang istoryang ito. Kaya iclick na ang read button...