CHAPTER 4

908 11 0
                                    

Pagpasok ni Joy at Nhila sa elevator, eksakto namang paglabas ni Gerald sa executive elevator ng building. Hindi sila nag-abot. Dumiretso si Gerald papasok ng advertising office.

As usual kapag dumarating siya sa office halos lahat ng mga staff binabati siya. Lalo na ang mga staff na babae. Di magkamayaw kapag nakikita siya. Kahit nga yung mga staff na nakaupo at may ginagawa, tumatayo pa para batiin siya.

Pero the usual Gerald, tumatango lang ito sa mga bumabati sa kanya. Walang smile, yung iba nga di na niya napapansin. Bago pa siya makapasok ng private office, lumabas ng pinto ang kapatid na si Ken.

 

“Oh bro! You’re here at last!” bati nito sa kanya habang sinundan siya papasok ng office.

“What took you so long bro? How’s the board meeting?” tanong nito.

“Its good Ken! Except sa nagtagal ang pag-uusap namin regarding sa airlines. There’s a small problem there but its fine. Im sure tito Roman can fix it!” sagot nito sa kapatid habang kinukuha ang laptop niya at binuksan na ito.

“Well its good to hear that. I do hope maayos na yun bro para hindi na ko pilitin ni Dad to work there.” sabi nito sa kanya.

Tumingin si Gerald sa kapatid at nagtanong, “Bakit ba kasi ayaw mo dun? Ayaw mo bang maexplore pa ang skills mo?”

Si Ken ang nag-iisang kapatid ni Gerald at mas matanda siya dito. May pagka pasaway ang kapatid kaya minsan nasesermunan niya.

“Of course kuya gusto ko. Pero not now! Nag-eenjoy pa ko dito sa advertising company eh! Dont worry kuya pag nakahanap na ko ng mapapangasawa lilipat na ko dun.” nangingiting sagot ng kapatid sa kanya.

Umiling na lang ito at sinagot ang kapatid. “A wife? Eh pinagsasabay sabay mo nga minsan ang mga babae mo eh then you will search for a wife? My god Ken!” nakakunot na ang mga kilay nito.

“Uh oh! Relax bro! Mainit na sa labas wag mo ng isabay ang ulo mo!” nakangiting sagot nito sa kanya.

Nakakunot pa din ang kilay nito pagtingin sa kapatid. “Maiba tayo! How’s your meeting with the Zaragosas?”

 

“Hey you forgot? Later pa ang meeting ko sa kanila. That’s why Im here to get the proposal na binigay ko sayo kagabi at para mapakita ko na yun sa kanila. Approve mo na ba yun?” Ken said.

Nagtaka ang tingin niya sa kapatid sabay kinuha ang folder na nasa bag.

“Oh sorry! Yes approve ko na to pati ni Dad! Here!”

“Thanks bro! I’ll go ahead na? Pero wait gusto mo muna maglunch?"

“Oo nga tara na! Tamang tama gutom na din kami eh.”its Ali who spoke.

Sabay sabay na pumasok ang tatlo sa office ni Gerald. Normal na kay Gerald na bigla bigla na lang dumarating o pumapasok ang mga ito sa office niya dahil mga kaibigan naman niya ang mga ito. They were his college friends.

“Oh mga pare!” bati ni Ken sa kanila habang inaapiran ang mga kaibigan.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon