CHAPTER 19

840 10 1
                                    

Sabay silang naglakad papunta sa park. Gerald softly held Joy’s elbow to guide her. Naupo sila sa isang bench doon. Nagtataka naman si Joy sa ginawa ng boss sa kanya. Napangiti na lang sya.

“Iba ihip ng hangin dito, kanina nginitian ako at nagsorry, ngayon naman inalalayan pa ko sa pag-upo! Amazing! Suggest ko kaya sa kanyang dito na lang sya tumira? Hehe..” sabi niya sa isip.

“Oh Mr. Anderson, nandito na tayo. Ano po bang pag-uusapan natin sir?” tanong ni Joy habang tinitingnan at hinahawakan ang brasong nasaktan sa pagkakahawak sa kanya ng boss niya.

“Grabe makahawak tong ugok na to, ang sakit! Sana naman wag magkapasa! Haay..” bulong ng isip niya.

Tiningnan naman siya ni Gerald habang nagsasalita, he was so guilty dahil alam niya na nasaktan nga ito kanina sa pagkakahawak niya. Pagkababa ni Joy ng braso niya, ay hinawakan naman niya at tiningnan ito. Lalo siyang naguilty nang makita na namumula pa rin ang parte kung saan niya hinawakan ito kanina.

He looked at her eyes merely. “Does this hurt so much? Oh God! Im sorry Ms.EA!” Gerald said and then he gently put her arm down.

“Sorry talaga Ms.EA, hindi ko sinasadya na masaktan ka. Can you forgive me for this?”  nagsusumamong sambit niya.

Napabuntong hininga naman si Joy sa nadinig. Hindi niya inexpect na maririnig ang mga iyon mula sa boss niya. Hindi niya alam kung anong nararamdaman kaya dinaan na lang niya sa joke. Nginitian niya si Gerald. “Pag ito nagkapasa Mr. Anderson hindi kita mapapatawad!”

 

Nalungkot si Gerald sa sinabi ni Joy dahil sa tingin niya ay mukhang magkakapasa nga talaga ang braso nito.

Gerald pouted his lips like a child and looked at her, wala siyang maisip na sasabihin.

Nakita naman ni Joy ang naging itsura ng boss niya. Natawa siya dahil mukhang bata ito na iniwan ng mommy niya.

“Hehehe.. Joke lang sir! Kaw naman! Ang seryoso mo po!” she laughingly said.

Gerald smiled. “Really Ms.EA? Eh paano na? Mukhang magkakapasa nga yan?” he said.

“Ehh mukha nga! Pero ok lang po! Don’t worry sir!” sagot naman ni Joy.

“Hmm, let’s go to the hospital, ipacheck natin yan.” sabi ni Gerald pagkatapos ay tumayo at inilahad ang kamay kay Joy.

Nagulat naman si Joy sa sinabi ng boss niya. Tiningnan niya ang kamay na nakalahad sa kanya at inangat ang tingin sa boss niya.

“Ngek! Ang OA lang Mr. Anderson?” sabay hinila ang kamay ni Gerald para maupo ulit.

“But Ms.EA! We may never know baka may pilay na yan. Kaya dapat nating ipacheck!” sabi ni Gerald at tumayo na naman.

Hinila siya ulit ni Joy pabalik sa upuan. “OA ka nga Mr. Anderson! Hahaha! Ano ka ba sir? Kahit magkapasa ito ok lang naman! Malayo 'to sa bituka, di ko 'to ikamamatay!” tumatawang sinabi niya.

“Are you sure ms.EA?” pag-aalalang tanong ni Gerald sa kanya.

“Yes sir! I am very very fine!” nakangiting sagot ni Joy sa kanya na may kasama pang pagsaludo sa kanya.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon