CHAPTER 74C

593 10 1
                                    

Author's Note: Last update before I go to sleep.. Sorry sa heart breaking moments, here's another short update to enlighten your feelings a little bit. :)

------------------------------------

Pagdilat muli ng kanyang mga mata ay hindi na sya nagtataka kung bakit nakahiga sya sa kama at may nakakabit na oxygen at dextrose sa kanya, at this time he’s aware of the situation. Nilibot nya ang tingin sa paligid at nakita nyang natutulog si Tita Susan sa sofa bed. Maya maya ay nadinig nyang nagbukas ang pinto ng comfort room at lumabas si Perly, lumapit ito sa kanya.

“Kuya Ge! Gising ka na pala.. Kamusta pakiramdam mo kuya?”

“Im okay naman Perly.. Si Tita? What happened to her?” tanong nya habang nakaturo kay Tita Susan.

“Pinainom din sya ng pampakalma ng doctor kanina Kuya.. Kanina kasi muntik na syang magcollapse sa waiting area ng ICU..”

“Why Perly? What happened to your ate Joy?”

“Wala naman Kuya.. Hindi pa kasi kumakain si Mama simula kagabi kaya siguro nahilo sya..”

“Sila Mom and Dad?”

“Umuwi muna sila Kuya, kukuha lang daw ng mga gamit and para icheck na din si Cobbe..”

“Eh si Benjie?”

“Ahh.. Magkasama sila ni Ken.. Dinala kasi kanina si ate Posh sa CT Scan Room para ifollow up scan daw po sabi ng doctor..”

Pagkarinig nya ng sinabi ni Perly ay dahan dahan syang bumangon para tumayo pero pinigilan sya ni Perly.

“Kuya dyan ka na lang.. Wag ka ng tumayo kasi kanina pa yun, baka pabalik na sila ngayon dito.. Tsaka sabi ng nurse ipaalam ko daw sa kanila kapag nagising ka na..” sabi ni Perly sabay pindot sa buzzer.

After 5minutes ay pumasok na ang nurse para icheck sya.

“Mr. Anderson, tatanggalin ko na po itong IV fluid nyo and okay lang po kahit wala din po kayong oxygen. Nilagay lang naman po kasi yan sa inyo because of the relaxant na binigay sa inyo, baka kasi pai muscles ng heart at lungs nyo ay magrelax din..”

“Okay.. Thank you..” maikling sagot ni Gerald. Maya maya pa ay nagbukas ulit ang pinto at pumasok ang isa pang nurse na dala dala ang baby nila ni Joy.

Nagliwanag ang mukha ni Gerald habang papalapit sa kanya ang nurse. Nakangiting binati sya nito. “Goodafternoon po Mr. Anderson.. Pinadala po sya sakin ni Dra. Marasigan..”

“Thank you.. Thank you miss..” masayang sagot nya habang inaabot ang kanyang baby. Pati si Perly ay napangiti din ng makita ang cute na cute na baby ng ate nya.

“Sir, iwan na po muna naming sya sa inyo ha?” paalam ng nurse bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.

“Hello Thirdy baby..” bulong ni Gerald habang tinititigan ang mukha ng kanyang anak.

Gumalaw ang baby nya at unti unting dumilat ang mga mata. Kinuha nya ang cellphone nya at kinunan nya ng picture ang baby. Dahan dahang tumulo ang kanyang luha habang kinukuhaan nya ng picture ang anak. Sa mga oras na yun ay magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nya.

Ngumiti ng bahagya ang baby nya habang kinukunan nya ito ng pictiure. Napasmile din sya, “You got your dimples to your Mommy.. If only she was here, this would be a perfect moment for us Thirdy..” bulong nya pagkatapos ay pumatak na naman ang kanyang mga luha.

After awhile he heard his baby’s cry. Parang nakiki-ayon ito sa lungkot na nararamdaman nya. “If only she could hear you..” he whispered then he got an idea, he records his baby’s cry.

After 15minutes ay bumalik na ang nurse at kinuha na ulit ang baby nya. Kailangan na kasi itong ibalik sa nursery room para mapakain dahil wala naman si Joy para mapa breastfeed ang baby nya. Stock breastmilk ng hospital ang binibigay sa baby nya.

Pagkalabas ng nurse ay dumating naman sina Benjie at Ken. Kahit hindi sila nagsasalita ay nakikita naman ni Gerald ang pag-aalala sa facial expression nila. Maya maya pa ay pumasok ng kwarto si Dra. Sanchez together with other group of doctors.

DRA. SANCHEZ: “Goodafternoon everyone! Hello Gerald.. I heard dinala dito kanina ang baby mo?”

“Yes doc.. Thank you..”

DRA. SANCHEZ: (she saw hope in his eyes) “Well, Gerald and everyone I want you to meet Dr. Anton Mañiego, the NeuroSurgeon together with his team.”

Tumango at nakipagkamay sina Gerald sa mga ito.

DR. MAÑIEGO: “Hi! I know everybody is exhausted already but I know that all of you, especially you Mr. Anderson that you’re eager to know the latest update on Joy’s condition that’s why I am here to give you the updates. We just had a brain CT Scan procedure to her awhile ago and according to the result the volume of the blood clot to her brain has lessen a little bit yet still it is not an assurance unless her BP will go down to normal range. But the goodnews here is we will not go with any surgery anymore. We will just continue giving her the medication and we are hoping that within 24hours there will be slight improvement in her condition..”

DRA. SANCHEZ: “So therefore, we decided that we will extend the 24hours full code to 72hours close monitoring full code status..”

Lahat ay nakahinga ng maluwag at natuwa sa narinig na balita lalong lalo na si Gerald. Napayakap pa si Perly sa kanya. Para sa kanila ay napakalaking improvement na yung maextend ang 24hours na taning kay Joy.

“Doc, thanks for that good news! You don’t know kung gaano kami kasaya ngayon..”

“Well, thanks to God! He hear our prayers!”

“Ahm, doc? Can I visit her now?”

Tumingin naman si Dra. Sanchez kay Dr. Mañiego at tumango naman ito.

“Okay Gerald! We will allow and the rest to visit her one at a time, probably later after visiting hours so it would not be crowded.”

“Okay doctora! Thank you so much..” nakangiting sagot ni Gerald pagkatapos ay kinamayan ang mga doctor.

Nagpaalam na ang mga doctor sa kanila at nagsabi na tatawagan na lang sila ng nurse kung pwede na silang pumunta sa ICU.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon