CHAPTER 16

818 10 1
                                    

Masayang nakikipaglaro si Joy ng basketball kay Cobbe, si Gerald naman ay nakaupo lang sa isang tabi na malapit sa kanila at pinagmamasdan lang ang mga ito habang naglalaro. He was happy to see his son na ganun kasaya.

“Ano ba talagang meron sayo Ms. EA? Bakit pati si Cobbe gustong gusto ka? Your name is exactly what you are, you gave joy to others.” he whispered then he smiled.

Naabutan naman ni Jalal na nakangiti si Gerald kaya nilapitan nuya ito at tinapik sa balikat. “Mukhang tinamaan ka sa EA mo pare ah!”

Nagulat si Gerald sa pagkakatapik sa kanya kaya dali daling niyang iniba ang facial expression niya.

“Ikaw kanina mo pa ko inaasar Jalal ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan!” sagot ni Gerald at nagkunwaring naaasar na.

“Pare! Simula bata lagi na tayong magkasama kaya kilala kita. Ngayon ka lang nagkaganyan sa isang babae eh! Kahit kay Maricar noon hindi ka naman ganyan eh!” sabi ng kaibigan sa kanya.

Napaisip si Gerald sa sinabi ng kaibigan. “What?! Anong hindi ako ganito sa kanya? Oh c’mon Jalal! You know how much I loved Maricar.” kunwaring sagot niya dahil alam niya sa sarili na tama ang sinasabi ng kaibigan niya.

“Alam ko yun pare! Alam na alam ko kung gaano mo sya kamahal. Pero aminin mo man o hindi sakin, alam kong iba ang tama mo dyan sa EA mo. Sus! Eh kanina nga pati ako pinagselosan mo eh!” umiiling na sabi ni Jalal sa kanya at nginingitian pa siya.

“Huh!? Selos? Ako magseselos? You’re crazy man!” kunot noong sagot ni Gerald sa kanya na parang hindi niya matanggap ang sinabi ng kaibigan.

“Haha! Pare sabi ko naman sayo sa iba ka na lang magkunwari eh! Wag na sakin! Hindi ka nagselos? Pero kanina nung aalalayan ko lang sa likod yung EA mo halos mabalian na ako ng buto sa kamay dahil sa lakas ng pagkakatapik mo. Dati kay Maricar naalalayan ko siya, nahawakan ko pa nga siya sa kamay niya pero di ka naman nagagalit sakin, at kanina nakita ko din yung reaction ng mukha mo pare nung nakita mong kiniss ng kiniss ni Cobbe yung EA mo! Inggit ka diba? Hahaha! Parang gusto mo sanang maging bata na lang sa mga oras na yun diba? Hahaha!” panunukso ng kaibigan sa kanya.

Napalunok si Gerald sa nadinig niya. Hindi niya alam na ganun pala siya inobserbahan ni Jalal. Ayaw man niyang tanggapin pero tama lahat ang sinabi ni Jalal. Hindi niya mapagkakaila na kilalang kilala nga siya ng kaibigan.

“Damn you Gerald!” nasabi ng isip niya.

Gerald cleared his throat. “Duh! Are you insane Jalal!? Is that the effect ng video games sayo? Kung ano ano na ang pumapasok sa isip mo bro!!” pailing iling na sagot niya, pinipilit pa ding magkunwari.

“Ok! Sabi mo eh! Haha! Basta ako sasabihin ko sayo, the more na itinatanggi mo na gusto mo siya, lalo mo lang siyang magugustuhan! Bahala ka na nga dyan! Maglalaro na lang ulit ako ng video games! Tutal naman mukhang enjoy na enjoy ka naman dyan sa pinapanood mo eh! Hahaha!” patuloy na panunukso ni Jalal pagkatapos ay iniwanan na siya nito. Naiwan siyang nakatulala pero nakatingin pa din sa EA niya na masayang masaya sa pakikipaglaro sa anak.

Samantala habang nakikipaglaro naman si Joy kay Cobbe, nilapitan naman siya ni Perly.

“Ate Posh! Thank you ha?” sabi ng pinsan sa kanya. 

“Ha? Anong thank you? Thank you para saan?” sagot niya.

“Thank you kasi nag-aya kang lumabas, kung di ka nag-aya eh di sana di ko makikilala ang gwapong gwapo mong boss! Waaaaahh!” sabi ng pinsan sa kanya na may kasamang kurot sa tagiliran niya.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon