CHAPTER 69

798 12 1
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging busy si Gerald dahil may malaki silang kliyente sa advertising company. Maaga syang umaalis ng bahay pero bago sya umalis ay sinisigurado na muna nyang nakahanda na ang breakfast ni Joy at ang mga iinuming vitamins nito. Naging okay naman kay Joy ang ganung schedule ni Gerald dahil ayaw nyang makita sya nito tuwing susumpungin sya ng morning sickness.

Kahit na busy si Gerald ay gusto pa din nya na makasabay ang pamilya sa pananghalian. Kung hindi sya umuuwi ng bahay ay tinatawagan nya si Jalal para ihatid sila Joy at Cobbe sa opisina nya. Kapag naman araw ng check-up ni Joy ay hindi pwede na hindi nya ito sasamahan.

“Babe are you ready?” tanong ni Gerald kay Joy nang makabalik sya sa kwarto nila galing sa pag-aasikaso kay Cobbe.

“Yes Babe! Sorry natagalan ako ha?”

“Babe sure ka bang okay ka lang? You look pale.. Nagsuka ka ba?” nag-aalalang tanong ni Gerald ng makita ang itsura ng asawa. Umaga pa lang kasi kaya alam nyang sinusumpong ng morning sickness si Joy.

“Don’t worry Babe.. Okay lang po ako! Mamaya gagaan din yung pakiramdam ko.”

“Eh kung magrest ka na lang kaya Babe. Mamaya na lang tayo magpunta sa church kapag okay na yung pakiramdam mo.”

“Babe.. Sabi ko okay lang ako diba? Don’t worry much na po! And besides hindi pwedeng mamaya pa tayo pupunta sa church. We will having our lunch kila Tita diba? Then dinner naman kila Mommy..”

“But Babe, pwede naman nating sabihin na—“

“Heraldo wag ka ng makulit please! Sabi na ngang okay lang eh!”

“Okay po.. Sorry Babe.. Don’t be mad.. Let’s go downstairs na..” sagot ni Gerald nang makita ang facial reaction ni Joy. Simula kasi nang maglihi si Joy ay mabilis na itong mainis lalo na kapag kinukulit nya. Hinawakan na nya si Joy sa kamay at lumabas ng kwarto.

Routine na nila every Sunday ang magsimba sa umaga pagkatapos ay sa bahay ng Tita ni Joy sila manananghalian. Mag-stay sila dun hanggang hapon pagkatapos ay pupunta naman sila sa bahay ng Mommy at Daddy ni Gerald para duon naman mag dinner.

Bago ang oras ng hapunan ay nasa sala si Joy kausap si Mommy Vangie at si Gerald naman ay kausap ang Daddy nya sa garden habang pinapanuod  si Cobbe na maglaro. Nang tawagin na sila ng maid para kumain ay bigla naman may dumating na bisita. Nakita ni Joy ang isang di katandaan na lalaki kasama ang isang babae na kilala naman nya, si Beatriz.

“Simon! Im glad you came..” bati ng Daddy ni Gerald habang nakikipagkamay sa lalaki sabay baling naman kay Beatriz. “Beatriz, hija! Its nice to see you again..” dagdag nito.

“Of course Randy! You know I can’t say no to my long time partner in crime.. Haha!”

“Hahaha! Ikaw talaga Simon.. Anyway you just came right! Our dinner is ready..”

“Hello Simon! Welcome to our house!” singit ni Mommy Vangie. “You too, Beatriz! Good to see you here..” dagdag nito.

Pagkatapos batiin ng mga magulang ni Gerald ang bisita ay sya naman ang humarap rito. “Hi Tito Simon! Hello Beatriz! Meet my wife, Joy..”

Nakipagkamay naman si Joy sa mga ito at bineso pa sya ni Beatriz. Ang hindi maintindihan ni Joy ay kung bakit bigla syang nakaramdam ng pagkairita pagkatapos syang ibeso ni Beatriz. Pinilit na lang nyang maging casual at inisip na lang nya na baka dahil iyon sa mood swings nya.

Kagaya ng nakasanayan na ni Gerald, sya ang nag-aasikaso kay Joy bago sila kumain. Si Joy naman ay si Cobbe ang inintindi, nilagyan nya ng pagkain ang plato ng bata at balak sanang pakainin ito pero inutusan ni Gerald ang isang maid para pakainin si Cobbe.

SO IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon